Zaire's POV
Marahan kong hinalikan ang kanyang pisngi nang mapag-isa kami sa may patio. Umayos ako ng upo at hinila ko syang papalapit sa akin bago ko inakbay ang aking kanang braso sa ibabaw ng kanyang balikat.
Ihinilig ni Gary ang kanyang ulo sa ibabaw ng aking balikat bago nagtanong.
"Anong ipinangako mo sa aking Papa?"
Napangiti ako bago ko kinintalan ng pinong halik ang tuktok ng kanyang ulo. Huminga ako ng malalim bago ko ibinaling sa papalubog na araw ang aking paningin.
Halos mawala ako sa sarili nang matagpuang wala na sa aking tabi si Gary nang umagang iyon. Pakiramdam ko simula nang iwanan nya akong mag-isa sa aking condo unit ay nawalan na din ako ng matinong tulog. Siguro, nasanay ako na laging nandyan ang kanyang presensya. Sa haba ba naman ng tatlong taon na kasama ko sya?
Kaya naman nang gabing iyon, noon ulit ako nagkaroon ng mapayapa at mahimbing na tulog. Dahil kasama ko sya, katabi at kayakap. Pero pinagsisihan ko ang kahimbingan ng tulog na iyon dahil hindi ko naramdaman ang kanyang paggising at pag-alis mula sa tabi ko.
Magpanic na sana ako at kaagad na gambalain si Edwin mula sa kabilang linya pero naunahan ako ng Papa. Maaga syang napatawag at ibinalita sa akin na maghahanda na daw kami para sa pamamanhikan na gagawin para sa susunod na araw.
Nabunutan ng tinik ang aking dibdib. Si Gary, nakauwi na pala. At hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil kitang-kita ko ang matinding gulat na nakaukit sa kanyang mukha nang makita nya ako sa loob ng kanilang pamamahay.
Mula sa papalubog na araw ay ibinalik ko sa kanya ang aking atensyon. Huminga ako ng malalim. Hindi ko talaga masusukat ang sayang nararamdaman ko ngayon. Isang linggo nalang ang hihintayin ko at official na magiging pag-aari ko na sya.
Magkaroon na ako ng sariling pamilya at magkaroon ng anak. Ano pa nga ba ang hihilingin ko? Sa buhay na ito... alam kong maswerte ako kasi nagkaroon ako ng isang katulad nya.
"Nangako ako sa iyong Papa na mamahalin ko ng buong-buo ang kanyang panganay na anak. At pinapangako ko rin sa'yo na tutuparin ko ang pangakong iyan hanggang sa huling sandali ng aking buhay. I love you so much, Gary!"
Napaupo sya ng tuwid at mabilis nya akong hinarap. Marahan nyang hinipo ang aking pisngi habang walang kurap na nakatitig sa aking mga mata.
"And i love you too... so much!" Sagot nya bago nya tinawid ang pagitan ng aming mukha para bigyan ako ng mabilisang halik sa aking labi.
Its not always easy, but somehow our love stays strong. If i can make you happy, then this is where i belong...
💚💚💜💙💝END💝💙💜💚💚
Author's note:
To all readers, thank you so much po!
💙LavenderLace💙
![](https://img.wattpad.com/cover/295156744-288-k819995.jpg)
BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..