Padabog akong bumaba mula sa sasakyan matapos ang maraming oras sa byahe.
"Pasensya na Miss sumusunod lang kami sa utos!" Kinakabahang hingi ng paumanhin ng lalaki na may hawak sa aking cellphone.
"Get lost!" Bulyaw ko sa kanya.
Hindi naman ako ganito kataray pagdating sa mga tauhan ng aking ama pero kasi bakit pati cellphone ko dinamay nila? Sumama na nga ako sa kanila nang walang kahirap-hirap tapos ni hindi man lang nila pinagbigyan ang aking pakiusap na hiramin ko ang sariling cellphone dahil may tatawagan lang ako.
Nagmartsa ako papuntang maindoor ng aming bahay. Nakapagtataka dahil wala man lang katao-tao ang patio nang madaanan ko ito. Nasaan kaya ang mga tao dito? Mukhang hindi naman nila napaghandaan ang pwersahan kong pag-uwi, ano?
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng bahay at eksakto namang pababa ng hagdan ang aking Mama.
"Oh! Dumating ka na pala?" Gulat nyang sambit bago sumilay ang malawak na ngiti.
Sinalubong nya ako ng yakap nang tuluyan na syang makababa mula sa hagdan.
"Ma, anong drama na naman ba'to? Ngayon ko lang nalaman na may magulang na pinapa-kidnap ang sariling anak!" Tsk! Kainis namang buhay talaga 'to!
Humalakhak ang aking Mama. "Huminga ka ng malalim, yung puso mo, Anak..." Pinakalma nya ako bago nilingon ang pintuan ng kusina. Nang makitang may kasambahay na papalabas mula roon ay kaagad nya itong inutusan na kumuha ng tubig para sa akin.
"Pahiram ng cellphone mo, Ma...at may tatawagan lang ako." Baling ko sa kanya habang patungo sa malawak na living room.
Napahinto sa paghakbang ang aking Ina at alanganing sumagot.
"I'm sorry pero sumusunod lang ako sa utos. Bawal sa'yo ang cellphone."
"Haist! Pati ba naman ikaw, Ma? Look may buhay din akong iniwan sa Maynila. May trabaho ako at may kaibigan akong nag-aalala sa akin. Ora-orada nyo akong pinadampot ni hindi na ako nakapagpaalam!" Hysterical kong sabi.
"Kung ako lang sana ang masusunod,Gary... kilala mo naman ang iyong Papa." Mahinahong sagot ni Mama.
"Where is he?" For the first time ay hinanap ko ang Papa. Ito na siguro ang tamang oras para kaharapin ko sya.
Sinenyas ni Mama ang direksyon ng library room bilang sagot. Huminga muna ako ng malalim bago hinakbang ang mga paa patungo sa library room.
Bigla akong kinabahan nang mapatapat ako sa pintuan. Tatlong taon....tatlong taon na hindi ko nakaharap si Papa. Ano kaya ang magiging reaksyon nya sa muli naming pagkikita? Well, patas lang kami! Tinakasan ko sya noon para makamit ang kalayaan na hinahangad ko tapos ito yung kabayaran ngayon. Pinakidnap nya ako para lang makabalik dito sa bahay. Siguro, fair na ang laban?
Mahihinang katok ang ginawa ko bago taas noong binuksan ang dahon ng pintuan. Napansin kong nakatutok sa ibabaw ng mesa ang kanyang paningin bago nag-angat ng mukha. Umaliwalas ang kanyang mukha nang mapagsino ang pumasok sa loob ng kanyang library room.
Naitabi nyang bigla ang hawak na ballpen at maagap na tumayo. Open arms akong sinalubong ni Papa. Kung kanina nag-aatubili akong pumasok dito sa loob ng kanyang library room, ngayong nakaharap ko na sya ay bigla ko nalang naitapon ang aking katawan sa kanyang bisig. How i miss my Papa.
"Welcome back my beautiful daughter!" Masigla nyang bati sa akin.
"I miss you, Papa!" Wala sa loob kong sabi.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..