Gareth's POV
Masaya akong lumabas mula sa kwarto habang nakasuot ng corporate attire. Maaga akong nagising dahil ayon kay Millet ay isasama nya ako sa kompanya na kanyang pinapasukan ngayong araw.
Napaangat kaagad ng mukha si Millet nang makita nya akong papalapit sa kanyang pwesto. Gumuhit ang magandang ngiti sa kanyang labi habang pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Wow! Bagay sa'yo! Baka hindi na marunong kumurap ang CEO nito mamaya." Pabiro nyang sabi.
"Tse, CEO ka dyan! Halika na nga mag-breakfast na tayo."
Kaagad naman syang tumayo mula sa mahabang sofa at sumunod sa akin sa may kusina.
"Alam mo nakakalito talaga ang balita. Hindi mo alam kung alin doon ang totoo."
Naupo muna ako bago ko sya nilingon. "Anong balita?" Kuryuso kong tanong.
"Yung article na nabasa natin noong nakaraang araw tungkol sa engagement. Iba na naman kasi ang nabasa ko ngayon. Pinagkasundo na daw sa isang unknown rich family si Zaire Hudson."
Napakunot ang aking noo. "Bakit naman unknown?"
"Siguro wala pang kasiguraduhan kaya hindi pa nila nilalantad ang pangalan."
Napatango ako at matamlay na kinuha ang slice bread na nasa lagayan nito. Pilit kong pinapakalma ang sarili. Para kasing pinipiga yung puso ko buhat sa narinig. Huminga ako ng malalim bago hinigop ang kape na kanina pa nakahanda sa mesa.
"Hindi ba dapat malaman na nya ang tungkol sa pagbubuntis mo, Gary...bago pa sya maitali sa iba?" Kuha ni Millet sa aking atensyon.
"Millet, may magbabago pa ba? Oo nga hindi pa sya nakatali pero yung pangalan nya nakatali na."Sagot ko habang inaalala yung tagpo namin sa party noong nakaraang gabi.
Napaismid ako nang maalala si Adriana. Hindi naman pala sya ang mapapangasawa pero kung makalingkis sa leeg ni Zaire, haist!
"Oh,hwag ka ng sumimangot dyan masira ang first day mo sa work!" Pag-iiba ni Millet sa usapan.
Pilit akong ngumiti at nagpatuloy sa paghigop ng aking kape.
Pareho kaming nagulat nang biglang tumunog ang aking cellphone. Kanina ko lang ito binuksan baka kasi kailangan sa trabaho. Mabilis kong inilabas mula sa bag ang aking cellphone at maagap na tiningnan iyon.
Zaire's calling....
Napakagat ako sa aking labi bago nag-aalangan na tumingin kay Millet.
"Zaire, i guess?" Nahulaan nya kaagad kung sino ang tumatawag.
Marahan akong tumango bago mabilis na pinatay ang tawag. Napakibit balikat si Millet bago nagsalita.
"Bakit hindi mo sinagot? Baka naman may importanteng sasabihin."
Huminga ako ng malalim bago inubos ang natirang tinapay.
"Hindi ko alam ang sasabihin, Millet... hayaan mo na."
Muling tumunog ang aking cellphone pero nagulat ako nang muli ko itong tingnan. Hindi si Zaire ang tumatawag kundi ang aking Mama. Tumayo ako at nagpaalam kay Millet para bumalik sa aking kwarto. Ayokong marinig nya ang aming pag-uusapan.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..