Laking pasasalamat ko dahil bago pa kami nakalabas ng clinic at ituloy ang plano na mag-shopping ay tumila na ang ulan.
Magkasunod kami ni Millet na pumasok sa loob ng Mall. Nagtataka pa ako nang dumeretso sya sa section ng mga damit na pang-party.
"Pumili ka din ng evening dress na nababagay sa'yo dahil a-attend ako ng party mamayang gabi at kailangan mo akong samahan." Nakangiti nyang baling sa akin.
Party? Okay, tutal wala naman din akong gagawin mas makabubuting sasamahan ko nalang si Millet. Mahirap magmukmok dahil andaming negative thoughts na sumisiksik sa aking isipan. Mabuti na iyon at makalaya ako sa kalungkutan kahit na pansamantala lang.
Nakapili naman ako kaagad bago kami pumunta sa footwear section. Nagtaka pa ako kung bakit abala si Millet sa pagpili ng sneakers. Mag-jogging ba sya?
"Isukat mo ito dahil hindi ka pwedeng mag-stiletto, mahina pa ang kapit ni baby kaya kailangan na dobleng ingat ka."
Oh! Evening dress with sneakers? I like that!! Imbes na makipagtalo ay nanaig yung excitement ko sa kalalabasan ng outfit ko mamaya.
"Sandali lang ha?" Paalam ko sa kanya nang abala sya sa pagsusukat ng stiletto.
Mabilis na akong lumabas mula sa footwear section matapos nya akong tanguan. Nakahinga naman ako ng maayos nang makita ko ang hinahanap. Kaagad kong kinuha ang lahat ng kagamitan na magagamit ko sa pagpipinta.
And now, i pursue my dream... for sure!
Matapos kong bayaran ang mga pinamili gamit ang atm card na binigay sa akin ni Zaire ay muli kong binalikan si Millet sa may footwear section. Yes, sa loob ng tatlong taon ay nagkakaroon ako ng allowance mula sa kanya every month kaya siguro iyon na din ang nagtulak sa akin para gapangan ako ng katamaran para ipagpatuloy ang sariling ambisyon.
Ikaw ba naman ang mamuhay na parang prinsesa sa loob ng tatlong taon na wala sa piling ng iyong mga magulang? Nagkakapera kahit na nakaupo lang sa bahay?Nabibilang lang yata ang swertehin ng ganoon.
Nagpapasalamat ako nang dahil doon, not until he broke my heart!
Nadatnan kong nasa counter na si Millet at mukhang binabayaran na yung napili nyang sapatos ko at ang kanyang stilleto.
"Millet, ako na ang magbabayad sa sapatos ko." Kuha ko sa kanyang atensyon. Nakakahiya na kasi, sya din ang nagbayad ng evening dress ko kanina.
Ngumiti sya bago sumagot. "Okay lang, it's my treat!"
Napanguso ako dahil sa narinig. Nagmumukha ba akong pulubi?
"Ano yang nasa plastic bag na dala mo?" Pukaw nya sa aking atensyon.
"Ah, eto..." Binuksan ko at bahagyang pinakita sa kanya ang loob ng plastic bag.
"Oh my God!" Napatutop sya sa kanyang bibig. "Don't tell me na marunong kang mag-paint?" Bulalas nya halos hindi makapaniwala.
Napatawa ako sa reaksyon nya. "I can." Maikli kong sagot.
"Kung ganoon ire-rekomenda kita sa kompanyang pinagta-trabahuan ko. Dinig kong nagha-hired sila ng painter. Malay mo swertehin ka at mapili. But show me the sample first para maipasa ko."
Halos hindi ako makapaniwala dahil sa narinig. Oh my God! Ito na ang pinakahihintay ko! Hindi ko alam kung anghel ba na hulog ng langit sa akin si Millet.
BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..