C-11

32 2 1
                                    

Laking pasasalamat ko nang pumasok ang secretary ni Zaire para ipaalam dito na naghihintay daw sa kanyang office ang ama ng binata.


Sinalakay ako ng matinding kaba nang marinig kung sino ang naghihintay sa loob ng kanyang office. Hindi naman kasi lingid sa aking kaalaman na muli itong ipagkasundo sa ibang babae na nabibilang sa mataas na antas sa lipunan.


Hindi naikubli ang sakit na bumahid sa aking mukha nang maisip na mapapasakamay na nga ng iba ang ama ng magiging anak ko.


Binalingan ni Zaire ang babaeng nag-assist sa akin kanina para sabihin na ihatid ako at ipakilala sa magiging team mate ko bago nya muling itinuon sa akin ang buong atensyon.


"I'll see you after work. May importante kasing meeting akong dadaluhan kaya hindi na muna kita masasamahan. But i assure you mababait naman ang makakasama mo sa iisang department." Seryoso nyang sabi.


"I'm fine! Kaya ko naman ang sarili ko at hindi na kailangan ang magkaroon ng specialty galing sa boss ko. Mahirap na baka pag-isipan pa tayo ng masama." Hindi ko maiwasan na hwag mapairap.



"Basta i see you after work." Hindi nya pinansin ang aking sinabi at iyon parin ang giniit nyang sabihin bago lumabas ng silid.


Napanguso ako at hindi pinansin ang nagdududang tingin na ipinukol  ng babae na mag-assist kuno sa akin. Nagtataka siguro sa inasta ni Zaire at sa ibang klase ng kanyang pananalita pagdating sa akin.

Well, may kasalanan iyon kaya ganon! Kung alam nyo lang na dinurog nya ng pinung-pino itong puso ko?


Tahimik akong sumunod sa kanyang likuran nang igiya na nya ako sa kinaroroonan ng magiging department ko.


Katulad ng sinabi ni Zaire kanina ay wala naman akong naging problema sa naging kasamahan ko sa trabaho dahil mababait naman sila at friendly.



Ganoon lang kabilis ang oras na lumipas. Lahat ay abala sa kani-kanilang gawain. Kanina pinuntahan ako ni Millet nang sumapit ang breaktime. Nagkaroon naman kami ng oras na mag-usap at magkasama din kaming kumain ng lunch.


Nag-stretch ako ng katawan bago sinilip ang oras sa suot kong relo. Napangiti ako nang mapansin ang mga kasamahan ko na kanya-kanya ng nagsiligpit ng kanilang gamit. Hudyat na patapos na ang oras sa trabaho.


Mabilis ko na din niligpit ang aking gamit bago tinapunan ng paningin ang nakaawang na pintuan. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako binulabog ng presensya ni Zaire buong maghapon. Marahil ay masyado syang abala sa kanyang trabaho. Kagaya ng sinabi nya kanina na mayroon syang importanteng meeting ma dadaluhan.



Sana sa sobrang pagkaabala nya ay hindi na pumasok sa kanyang isip yung sinabi nya sa akin kanina na 'see you after work.'



Naantala ang aking pagtayo nang makuha ng aking pansin ang humahangos na si Millet.


Nakangisi syang lumapit sa aking pwesto bago yumuko para bulungan ako.


"Sa labas daw tayo magdinner. Celebration ng pagkatanggap mo sa trabaho."


"Really? Lahat ba imbitado?" Bigla akong napatanong.


"No. Only the four of us. Ikaw, ako... Edwin and our boss." Napalabi si Millet. Inaantay ang magiging sagot ko.


Bigla akong napatayo sabay martsa palabas ng department. Maagap namang nakasunod sa akin si Millet.



"Gary wait!"


Somehow, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon