Zaire's POV
Mabibigat ang mga paa na hinakbang ko ito papasok sa loob ng aking condo unit. Huminga ako ng malalim at wala sa loob na inikot ang paningin sa paligid.
Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Ang dati-rati'y masayang mukha ni Gary na nakaabang sa akin sa may pinto at kaagad na magtanong kung kamusta ang araw ko? Mag-uutos sa akin na magbihis ka muna at maghugas para makakain na tayo ay magsisilbing alaala na lamang.
Hinubad ko ang suot na coat matapos ipatong sa ibabaw ng mesa ang dalang attache case bago tinungo ang kusina. Binuksan ko ang ref at kumuha ng maiinom.
Hinilot ko ang batok at mariing napapikit. Magsisimula na naman ako mula sa umpisa. Babalik sa dati ang routine sa buhay kagaya nang hindi ko pa sya nakilala. Kagaya nang hindi pa sya naging bahagi ng buhay ko.
Ang tatlong taon na lumipas ay parang kahapon lang. Yung tuwa...excitement... na dala nya sa piling ko ay parang panaginip lamang. Na kunwari matulog ako ngayon at nagkaroon ng magandang panaginip pero paggising ko kinabukasan, babalik ako sa realidad.
Ganoon lang talaga ang buhay. Ano ba kasi ang pwedeng maging permanente sa mundong ito?
Tinungo ko ang aking kwarto at nagpasyang maligo. Pero nakapagbihis na ako't lahat...wala parin akong sigla.
Muli akong lumabas mula sa sariling silid at binaybay ang daan papunta sa kabilang kwarto na kung saan iyon ang kawarto na inuukopa ni Gary noong nandito pa sya.
Marahan kong binuksan ang pintuan at matamlay na pumasok sa loob. Una kong tinungo ang aparador at laking pasasalamat ko nang makitang may natira pa syang mga damit sa loob.
Sana, babalik sya... damn! I miss her!
Nakuha ng aking pansin ang mga nakarolyong puting papel na nakaayos sa sulok ng aparador. Nagtataka akong tinanggal ang mga iyon mula sa loob at ipinatong sa ibabaw ng kama.
Kumuha ako ng isa at mabilis na binuksan pero ang kasunod nun ay ang aking pagkamangha nang makita kung ano ang nakaguhit sa loob.
'The Greek God' basa ko sa title at buong paghanga kong pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan na nakaukit sa loob ng papel.
Nang magsawa ay muli kong inisa-isang buksan ang lahat ng nakarolyong papel. Iba't-ibang motif ang nakita ko. May bulaklak, puno, hayop, karagatan, water falls, langit na may buwan at bituin, dalawang magkadaop na kamay at kung hindi ako magkakamali... kamay naming dalawa ito. Halos hindi ko na mabilang kung nakailang guhit pa ang binuksan ko.
Ilang minuto na ang lumipas pero nakatunganga parin ako habang nakatitig sa mga rolyong papel na maayos kong ipinatong sa ibabaw ng kama.
Ito ba ang pinagkakaabalahan nya sa loob ng tatlong taon kapag wala ako sa bahay? Pero bakit hindi ko man lang napansin ang taglay nyang talento? Gusto ko tuloy mapasabunot sa sariling buhok. This is my fault! Ni minsan ay hindi ko man lang natanong sa kanya kung anong pangarap mayroon sya sa buhay.
Tanghali na nang magising ako kinabukasan. At napagdisisyunan kong hindi pumasok ngayong araw. Gusto ko lang magkaroon ng peace of mind. Tiningnan ko ang aking cellphone at nagbabakasakaling may tawag na galing sa kanya pero mas lalo akong nanghina nang makitang wala.
Ano pa ba kasi ang aasahan mo moron after what you did to her!
Halos mapabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang hawak kong phone pero muntik ko ng maibato iyon sa dingding nang makitang hindi sya ang tumawag.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..