Gareth's POV
"Ate, you're back!"
Nag-uunahan sa pagsalubong sa akin ang dalawa kong kapatid nang pumasok ako sa malaking gate ng aming bahay. Si Eina at Yana. They are twins at fifteen years old sa kasalukuyan.
Napanguso ako at kung hindi lang sa nunal ni Yana sa may kaliwang kilay ay hindi ko makikilala ang isa sa kanila dahil sa pinagbiyak na bunga talaga ang dalawa.
Matanda ako ng walong taon sa kanila kaya naman heto at ang tingin nilang dalawa sa akin ay sobrang tanda ko na. Tsss. Pasalamat sila at hindi na muling nagkaanak ang Mama at Papa kaya naman ay walang tatawag sa kanila na Ate.
Wish pa man din ng mga magulang namin na biyayaan sila ng anak na lalaki kaya lang noong huling pagbubuntis ni Mama ay nakunan sya kaya mula noon ay pinagbawalan na syang magbuntis. Dahil ayon sa kanyang Doctor ay nakakasama daw sa kanya ang muling panganganak. Kaya heto kaming tatlo lang ang pinalad na makita ang mundo.
"I miss you so much, Ate! Ang tagal mong hindi umuwi." Si Yana matapos akong yakapin ng mahigpit.
"Pasalubong namin, Ate?" Nakangisi namang baling ni Eina sa akin.
"Nothing! Wala pang bumibili sa painting na gawa ko kaya wala akong kapera-pera."
Sabay na napabuntong-hininga ang dalawa bago hinila ang dala kong maleta.
Pasalubong...para namang galing ako ng ibang bansa at may imported na chocolate na maibibigay sa kanila. Nandito lang ako sa Pilipinas ui kung alam nyo lang at nagpapakatanga sa piling ng walang hiyang Zaire Hudson na iyon!
Heto nga ang dala kong pasalubong. Magkakaroon na kayo ng pamangkin!
"Nasaan si Mama at Papa?" Tanong ko habang papasok kami sa maindoor ng bahay.
"Hayun nag-uusap. Mainit kasi ang ulo ng Papa. Umuwi yung pinsan nating si Ruby na buntis tapos hindi pa bitbit yung magiging ama ng anak nya. Alam mo naman ang pamilya natin kilala dito sa bayan kaya ayaw ni Papa na magkaroon ng kahihiyan. Malaking issue ito kung sakali, mabuti nalang at hindi anak nya ang nagdala ng problema kung hindi ay ewan ko nalang."
Napatigil ako sa paghakbang at marahang napahawak sa aking tiyan. Oh my God! Malaking problema ito! Halos hindi ako makapaniwala mula sa mahabang salaysay ni Yana.
Anong gagawin ko?
"Ate, bakit?" Si Yana at nagtatakang napalingon sa akin.
"Ah, wala...wala... napagod lang siguro ako mula sa byahe." Pilit akong ngumiti habang pinapakalma ang sarili.
*
*
*
"Gary naman, tatlong taon kang nawala at ngayon ka lang ulit bumalik tapos aalis ka naman ba?" Si Mama at kulang nalang ay uusok ang ilong nang marinig ang pinagtagpi-tagpi kong kwento.
"Iyon na nga Ma, umuwi ako para magpaalam kasi palipad na ako papuntang Italy. Maganda doon, madaling makilala yung mga painting ko." Pagsisinungaling ko.
Kailangan kong gawin ito para hindi na madagdagan ang kahihiyan ng aming pamilya. Hindi pa nga nabubunyag ang aking lihim ay para ko ng nakikita ang pagwawala ng aking Papa. Naiintindihan ko iyon, sino ba naman kasi ang gustong magkaroon ng lamat ang iniingatan nyang pangalan sa loob ng mahabang panahon?

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..