Pinakatitigan ko si Mama matapos nyang ayusin ang suot kong evening gown na hinanda nya kanina. Talaga namang inantay nya ako hanggang sa matapos maligo at makapag-ayos. Naniniguro lang na hindi ako makatakas sa importanteng araw na ito. Pero iyon ang inaakala nila.
"Ma..." Kuha ko sa kanyang pansin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay bago ako nagpakulong sa kanyang dibdib.
"I'm sorry, Ma! I'm sorry for everything!"
Naramdaman ko ang paghagod ng kanyang kamay sa hanggang balikat kong buhok.
"I'm sorry kung natiis ko kayo ng tatlong taon. I'm sorry kung naging suwail akong anak. I'm sorry kung....mabibigo ko kayo, Ma! Sana kahit anong mangyari ay mapapatawad mo ako. Hayaan mo ng itakwil ako ni Papa hwag lang ikaw." Napapikit ako nang maramdaman kong uminit ang bawat sulok ng aking mga mata.
Hinawakan ni Mama ang magkabila kong balikat bago nya ako inilayo mula sa kanyang dibdib. Masuyo nyang pinunasan ang luha na bigla nalang lumandas sa aking pisngi.
"Naiintindihan kita. Pero alam mo, Anak... balang araw magpasalamat ka din sa amin ng Papa mo dahil napasakamay ka ng mabuting lalaki. Siguro kung hindi ko nagustuhan ang lalaki na napili ng Papa mo para sa'yo ay ako na mismo ang hahadlang. Pero Gary, trust me! Alam kong magiging masaya ka sa piling nya. Just give us a chance. Kahit ngayon lang..."
Hindi mo maintindihan, Ma... kasi wala kang alam sa sitwasyon ko ngayon. Usal ko sa isip.
Naistorbo ang pagmo-moment namin ni Mama nang biglang pumasok sa loob ng aking silid sina Yana at Eina. Nakabihis na din ang dalawa at napansin kong magkapareho ang suot ng dalawa magkaiba nga lang sa kulay. Lagi namang ganyan ang dalawa. Sa gamit at kahit sa pananamit ay hindi pwedeng magkaiba. Pareho ang kanilang gusto.
"Wow, you're stunning, Ate!" Napaawang pa ang bibig ni Yana habang pinasadahan ako ng paningin mula ulo hanggang paa.
"Mabuti nagkasya sa kanya ang gown, Ma." Segunda naman Eina.
"Yeah, mukhang tumaba nga ng konti ang Ate ninyo. Mabuti nalang at estimated ko ang laki." Puna naman ni Mama.
Napaatras ako ng bahagya at pasimpleng inayos ang sarili. Hindi pa naman halata ang tiyan ko pero naramdaman ko nga na tumaba ako ng kaunti.
"So, ready na ba ang lahat?" Nakangiting pinaglipat-lipat ni Mama sa aming tatlo ang kanyang paningin.
Napalunok ako ng mariin at mabilis na iniwas ang paningin. Para kasing kinukurot ang aking puso. Nakokonsensya ako dahil sa kabila ng sayang nararamdaman nila ngayon ay bigla nalang itong masisira mamaya.
Tahimik akong nagpatiuna sa may pintuan at tuluyang lumabas bago pa ako lamunin ng matinding konsensya. Tinungo ko ang hagdan at walang lingong-likod na bumaba.
Huminga ako ng malalim nang mamataan ko si Papa habang kausap ang isang may edad na lalaki na nasilip ko sa may bintana kanina. Nang marating ko ang panghuling baitang ng hagdan ay sinimulan ko na ang naisip kong plano na hindi nagpatulog sa akin buong magdamag.
"Humihingi ako ng paumanhin sa lahat!" Kuha ko sa atensyon ng lahat.
Kaagad na napalingon si Papa sa aking kinatatayuan at biglang napakunot ang noo. Kinakabahan man pero pinatatag ko ang aking dibdib mapanindigan lang ang gusto kong mangyari.
"Walang kasalanan ang aking mga magulang dahil wala naman silang alam sa kung ano ang nangyayari sa buhay ko. Papa, as you know tatlong taon akong nawala mula sa poder mo. At sa mga panahon na iyon ay nakatagpo ako ng lalaking labis kong minahal. Tatlong taon kaming magkasama. Hindi ko po intensyon na biguin kayo sa gusto nyong mangyari dahil alam ko para sa ikabubuti ko iyon. Pero Papa... mas nakakahiya kapag ituloy natin ang lahat ng ito."

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..