Gareth's POV
Naging malikot ang aking mga mata nang makapasok sa loob ng condo unit. Inaanalisa ang bawat sulok ng bahay sakaling may mga bagay na nabago o, may bakat na kalat na magpapatunay na may ginawang milagro si Zaire habang wala ako dito.
Patay talaga sya sa akin kung nagsinungaling sya para lamang mapaamo nya akong muli. Pero sa kasamaang palad para namang sinuswerte ang binata dahil wala man lang akong nakitang ebidensya sa loob ng bahay.
Sinundan ko sya sa kusina at natagpuan kong nagsasalin sya ng tubig sa may baso. Umangat ang gilid ng kanyang labi pero pinigilan nito ang pagngiti hwag lang akong mainis sa kanya.
"Sa kwarto, hindi mo ba susuriin? Baka may undies ka doon na nakaipit sa unan." Humalakhak ito ng tawa bago nya ako hinila papalapit sa kanya.
Napakurap ako habang nakatingala sa kanyang mukha. "Gago!" Sabi ko habang nakanguso.
Tumaas ang aking kamay para hipuin ang kanyang pisngi. Ngayon ko lang inaamin sa sarili ko na na-miss ko pala sya ng sobra. How i love this idiot so much!
"Hindi ka man lang nag-ahit." Komento ko.
"Mamaya mag-aahit ako. Nawala sa isip ko kasi wala ka naman eh!"
Namula yung pisngi ko sa kanyang tinuran. Masyado kasing delicate ang balat ko.Lahat ng madadaanan ng labi nya ay mamumula kaagad kapag hindi sya makapag-ahit ng bigote at balbas.
Kaagad kong iniwas ang aking mukha pero naagapan nyang hawakan ang aking baba. Bago pa ako makapagsalita ay naramdaman ko na lamang ang paglapat ng aming mga labi.
*
*
*
Pagkatapos kong maligo ay mabilis ko ng hinila ang nakasabit na bathrobe at mabilis na isinuot iyon bago ako lumabas mula sa sariling banyo. Sumilay ang matamis na ngiti mula sa aking labi nang saglit kong pagmasdan ang sarili sa full length size mirror.
Set aside the worry sa kung anuman ang kahihinatnan pagkatapos ng lahat ng ito. Ang mahalaga, pinagbigyan ko ang aking sarili na magiging masaya muli bago pa man mawala sya ng tuluyan mula sa piling ko.
Huminga ako ng malalim bago tinungo ang aparador para maghanap ng damit pantulog. Mabuti nalang at may natira akong damit dito, kung hindi wala sana akong mapagbihisan ngayon. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makabalik pa ako sa condo unit ni Zaire pagkatapos ng break-up naming dalawa?
Matapos kong tanggalin mula sa lagayan ang napili kong damit ay bigla kong naalala yung mga guhit na palihim kong iginuguhit noon kapag mapag-isa ako sa bahay. Mabilis kong binuksan ang pinaglagyan ko pero nanlalaki ang aking mga mata nang mapagtantong empty iyon.
Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip ng malalim. Hindi ako maaaring magkamali basta dito ko iyon itinago. Oh! Hindi kaya?
Marahas kong isinara ang pintuan ng aparador at wala sa loob na ipinatong nalang kung saan ang hawak kong damit bago malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. Wala sa loob kong binaybay ang daan papunta sa kwarto ni Zaire.
Kaagad kong itinulak pabukas ang pintuan at ni hindi na ako kumatok. Pero pinagsisihan ko ang bigla nalang pagpasok sa kanyang silid nang madatnan kong kalalabas din lang nya mula sa banyo. Nakatapis lang sya ng maikling towel habang abala sa pagpupunas ng kanyang basang buhok.
![](https://img.wattpad.com/cover/295156744-288-k819995.jpg)
BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..