"Kamusta naman ang unang araw mo sa trabaho?" Biglang tanong ni Zaire habang pinaglalaruan ng kanyang daliri ang aking ring finger.
Napakagat ako sa aking labi at kinakabahang bumaba ang paningin sa aking kamay na hindi parin nya binibitawan kanina pa.
"Okay naman. Iniisip ko nga sana noon ko pa ginawa ito. I mean sana noon pa naisipan ko ng magtrabaho." Palihim ko syang tinapunan ng paningin at salamat naman dahil nakatuon sa daan ang kanyang atensyon.
Saglit nya akong nilingon bago seryosong nagsalita.
"Hindi rin. Para sa akin, mas nakabubuti kapag nasa bahay ka lang. Mawawalan kasi tayo ng oras para sa isa't-isa kapag pareho tayong may trabaho."
"Hindi ba mas nakabubuti kung lagi tayong magkasama? Katulad nito halimbawa... pagkatapos ng trabaho sabay tayo sa pag-uwi."
Ipinagtaka ko kung bakit napunta sa ganito ang usapan namin. Bakit ba namin binabalikan ang mga what if's noong nagsasama pa kami? Siguro wala lang talaga kaming mapag-uusapan.
"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam na alam mong sa pag-uwi mo pagkatapos ng mahabang oras sa trabaho ay may nag-aabang at naghihintay sa'yo. Hindi mo alam ang excitement ng nararamdaman ko kapag pauwi na ako sa bahay."
"Sabagay..." Nagkibit ako ng balikat.
"Bakit, hindi ka ba nagiging masaya sa haba ng panahon ng pagsasama natin? Pinagsisihan mo ba ang lahat ng iyon?"
Mariin akong napalunok. Gusto ko sanang sabihin na hindi, kaso dumating pa kami sa punto na unti-unti ng nagkakalabuan. Iyon ang hindi ko maintindihan.
"I'm sorry, Gary...." Marahan nyang pinisil ang aking kamay. "I'm sorry kung nasaktan kita."
Palihim kong pinahid ang gilid ng aking mga mata nang maramdaman ko ang biglang pagsulpot ng luha doon. Ibinaling ko sa labas ng bintana ang paningin at piniling manahimik na lamang.
Kung alam mo lang ang pinagdadaanan ko sa buhay ngayon, Zaire... ni hindi ko alam kung paano harapin ang aking mga magulang. Ni hindi ko alam kung paano aaminin sa'yo ang totoo. Alam ko kasi na kapag ginawa ko iyon, malaking gulo ang magiging dulot nito. Kaya mas makabubuti kung ilihim ko nalang ang katotohanan kahit na nga ba alam ko ay unfair iyon pagdating sa'yo.
*
*
*
Nagdalawang-isip pa ako kung tatanggapin ko ba ang palad ni Zaire na nakaabang sa akin para alalayan akong makababa mula sa passenger's seat?
Ano, pauunlakan ko ba sya sa kanyang gusto? O, ibalewala nalang.
'Todohin mo na gaga! Hindi mo alam baka yan na ang panghuling beses na makasama mo sya at mahawakan ang kanyang kamay.' Hiyaw ng makulit kong utak.
Huminga ako ng malalim bago inangat ang braso para hawakan ang nakaabang nyang kamay.Mabilis nyang pinagdaop ang aming mga palad bago kami sabay na naglakad para tunguhin ang entrance ng restaurant.
Naantala lang ang aming pagpasok nang mapansin ang dalawang bulto na parehong nakahalukipkip sa tapat ng pintuan habang nakatitig sa magkadaop naming palad.
"So, ibig sabihin ba nito ay nagkaayos na kayo? Wala ng iwanan at wala ng taguan?" Si Edwin at hanggang tainga ang ginawang pagngisi.
Mabilis kong binawi ang aking kamay pero nabigo ako sa ginawa dahil mahigpit ang pagkakahawak ni Zaire.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..