"Mayroon bang nakabukas na motel malapit dito?" Maya-maya ay tanong ko.
"Mmm...I'm not sure. Bakit,wala ka bang matutuluyan ngayong gabi?" Tanong ni Millet sa akin.
"Wala eh! Maghahanap sana ako ng mauupahang bahay? But, tonight... kahit lipasan ng oras muna." Napabuga ako ng hangin nang muling sumiksik sa akin ang malaking problemang kakaharapin.
Magtatago sa pamilya...mamuhay ng mag-isa...at pilit kalimutan si Zaire Hudson!
"Okay kung ganoon, isasama nalang kita sa apartment ko. Bukas nalang natin isipin ang paghahanap mo ng mauupahang bahay. Pero, mas makabubuti din kung sa akin ka nalang titira? Well, mag-isa lang naman ako doon. I mean, nasa ibang bansa ang parents ko."
Marahan akong napabaling sa kanya at pilit tinatantya ang sincerity sa kanyang mukha. Halos hindi ako makapaniwala sa narinig. Hindi ko lubos maisip na sa bawat problemang kinakaharap ko ay nakaatang din pala ang swerte. Kasi nakatagpo ako ng isang tao na handang tumulong sa akin.
"Hindi ba ako makakaistorbo sa'yo kung sakali? Pag-usapan natin yung tungkol sa upa, kaysa sa iba ako magbabayad... ibibigay ko nalang sa'yo." Sana mura nga lang ang hilingin nya sa akin.
Nagulat ako nang bigla syang mapatawa. Bahagya nyang hinawakan ang aking kamay at marahang pinisil iyon.
"No worries. Hwag mo ng isipin iyon. Pag-aari ko iyong apartment kaya wala tayong iisipin na babayarin. Kuryente at tubig sagot ko iyon, for now, gusto ko talaga na may makasama sa bahay and I'm glad that i found you."
Gusto kong mapaluha dahil sa kabaitan nya. Hindi ko alam na marami palang nagkalat na mabubuting tao sa mundo.
"Salamat! Tatanawin kong malaking utang na loob ang kabaitan mo." Naiiyak kong sabi.
Ngumiti lang sya sa akin bago tinungo ang ibang direksyon. Siguro patungo ito sa apartment na sinasabi nya.
Hindi naman kalakihan ang apartment na pag-aari ni Millet. May dalawang kwarto, sala at kusina. Hinatid nya ako sa isang kwarto na katabi lang ng inuukopa nyang silid. Dahil malalim na ang gabi wala ng panahon para makapag-kwentuhan pa kami.
Hinatidan lang nya ako ng mga prutas incase na magugutom daw ako at kinabukasan nalang daw sya maggrocery dahil hindi naman sya mahilig magluto kaya walang laman ang kanyang ref.
Nang mapag-isa sa loob ng kwarto ay saka ko binuksan ang aking maleta para kumuha ng mapagbihisan. Bukas nalang ako mag unpack ng mga gamit ko dahil ngayon ko lang naramdaman ang pagod sa buong araw sa byahe.
Marahan akong humiga sa malambot na kama at pilit ipinikit ang mga mata. Sa pagod ng katawan, isip at pati na ang puso ang akala kong magpaantok sa akin pero nagkamali ako. Habang nakapikit ay hindi ko namalayang muling naglakbay ang aking alaala three year's ago...
"This way po, Sir!" Magalang na sabi ng waitress habang nakataas naman ang kilay na nakatitig sa akin.
Napanguso ako nang mapansin ko ang masamang tingin na ipinukol nya sa akin. Bakit, nagseselos ba sya dahil ako ang ka-holding hands ng mala-artistang kasama ko ngayon? Napairap ako sa kawalan at napalingon sa dingding.
Kinilatis kong mabuti ang bawat painting na nakadikit sa dingding na nadadaanan namin. Gusto ko sanang hipuin iyon kaso hindi ako makalapit dahil hawak nga ng lalaking kasama ko ang aking kamay. Ayaw ko namang bitawan kasi baka tingin na naman nya sa akin ay aso.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
Chick-LitI still hope that you and i somehow end up happy together..