C-5

52 2 1
                                        

Nauna na akong lumabas mula sa clinic matapos ang aking check up at sa labas ko nalang balak hintayin si Millet. Nag-usap pa kasi sila ni Doctora, i think relatives or isa sa mga kaibigan nya iyon dahil sa nakikita kong closeness nilang dalawa.



Marahan akong naupo sa mahabang bench na katapat lang ng pintuan sa naturang clinic bago ko muling sinuri ang hawak na papel na resulta ng aking check up.



Sumilay ang ngiti sa aking labi bago ko hinipo ang himpis kong tiyan. 'Magpakabait ka dyan, baby..at maging healthy okay?' Kausap ko sa sarili.


Nakuha ng aking atensyon ang glass window nang bumuhos ang malakas na ulan. Kanina lamang ang liwanag ng kalangitan tapos ngayon bigla nalang umulan.



Sana walang kasamang kulog at kidlat...


Binalot ako ng matinding pag-aalala habang nakatanaw parin sa labas. At kasabay ng pagbagsak ng malakas na ulan sa labas ay ang biglang paglakbay ng aking alaala three year's ago...





Nasa kalaliman na ng gabi nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Nagising ako sa lakas ng tunog ng kulog at halos nakakasunog na pagguhit ng kidlat.


Nanginig ang aking katawan at mabilis akong sumuot sa loob ng makapal na comforter. Kung nasa bahay lang ako sa mga panahon na ito ay baka tinakbo ko na ang kwarto nila Mama at Papa at doon sumiksik ako sa katawan ni Mama para kahit papaano ay kumalma ang nararamdaman kong takot buhat sa pagkulog at pagkidlat.



Pero dahil malayo ako sa kanila ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Naghintay pa ako ng ilang minuto at nanalangin na sana tumigil na ang pagkulog at pagkidlat pero tila hindi naman pinakikinggan ang taimtim kong panalangin.



I love rain... pero ayokong may kasamang kulog at kidlat!


Nang hindi ko kayang mapakalma ang aking sarili ay lakas loob na akong bumangon at pikit matang nagtatakbo palabas ng kwarto. Iniisip kong nasa bahay lang ako at patakbong tumungo sa silid ng aking mga magulang.


Mabilis kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Zaire at salamat naman dahil hindi naka-lock iyon. Halos liparin ko na ang kinaroroonan ng kanyang kama na kung saan nakahiga sya doon at mahimbing na natutulog. Bigla kasing dumaan ang matulis na kidlat kaya naman ay muntik na akong mahimatay.



Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat dahil marahas nyang naiangat ang braso nang mabilis kong itinapon sa kanyang gilid ang aking katawan. Isiniksik ko sa ilalim ng kanyang braso ang aking mukha at ipinulupot sa kanyang dibdib ang nanginginig kong braso.



"Gary?" Tawag nya mula sa paos na boses.


Napakapit ako ng mahigpit sa kanyang katawan at natatakot na baka bigla nya akong ilayo. Sa ganitong sitwasyon, hindi ko kayang mag-isa. Hindi ko kaya!



"Nanginginig ang katawan mo, natatakot ka ba sa kulog at kidlat?" Narinig kong tanong nya.


Hindi ako makasagot basta ang gusto kong gawin ngayon ay ang pakalmahin ang aking sarili para mawala yung takot ko.


Naramdaman ko ang pagtagilid nya ng higa paharap sa akin bago nya ipinalibot sa aking katawan ang matitigas nyang braso. Ikinulong nya ako sa kanyang dibdib. Ang init na nagmumula sa kanyang katawan ay nagtaglay sa akin ng kaginhawaan.



Somehow, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon