Malakas na kalampag sa tapat ng driver's window ang kumuha sa aking atensyon. Naaninag ko mula sa loob ang pigura ng isang babae.
"Buksan mo ito! Maayos ka lang ba dyan sa loob?" Narinig kong sigaw ng babae mula sa labas.
Marahan kong ibinaba ang bintana bago ako tumango. Maayos naman talaga ako at hindi naman ako nasugatan. Kung may sugat man dito sa katawan ko ngayon ay nasisiguro kong loob ng puso ko iyon.
"Bumaba ka na dyan at lumipat tayo sa sasakyan ko. Basag ang harapan ng kotse mo dahil sa malakas na impact kaya sigurado ako na malaking damage iyan."
Wala sa sariling sinunod ko sya. Tahimik akong bumaba bago kinuha mula sa compartment ng kotse ang aking maleta. Sa huling pagkakataon muli kong nilingon ang kotse na bigay sa akin ni Zaire bago ako tuluyang pumasok sa loob ng sasakyan nung babae.
Hinayaan ko syang ikabit nya ang aking seatbelt at ilang minuto pa ang lumipas ay namalayan ko na lamang na tumatakbo na ang kanyang kotse sa malawak na kalsada.
Matamlay kong ibinaling sa labas ng bintana ang paningin. At kasabay ng matulin nyang pagmamaneho ang syang bilis din ng paglalakbay ng aking alaala three year's ago.
Mabilis ang ginawa kong pagtakbo para lamang makawala sa mga bodyguard ni Papa na nakabuntot sa akin kanina pa. Sumama akong lumuwas dito sa Maynila nang magkaroon sila ng conference at heto nga habang nasa loob ng conference room si Papa ay gusto kong magkaroon man lang ng kalayaan. Pero paano mangyayari iyon kung kaliwa't kanan ang bodyguard na nagbabantay sa akin? Haist!
Mabilis kong binuksan ang pintuan sa may passenger's seat nang mapatapat ako sa isang magarang sasakyan na nakaparking sa tabi ng daan. Hindi ko na pinansin ang gulat na rumehistro kaagad sa mukha ng lalaki na may-ari ng sasakyan nang pasalampak akong naupo sa kanyang tabi bago humihingal na nagsalita.
"Paandarin mo bilis!" Utos ko sa kanya habang nakalingon sa labas ng bintana.
"Hindi ako taxi driver para utusan mong magmaneho, Miss!"
Saglit akong napalingon sa kanyang kinauupuan at kasunod nun ay ang pag-awang ng sarili kong bibig.
'Oh my God! Ang guapo!' Tili ko sa isip. Isa kaya syang artista? Para kasing nakita ko na sya sa isang magazine or sa tv kaya iyon? Ay ewan! Basta sa palagay ko ang lalaking kasama ko ngayon ay hindi bastang ordinaryong tao lamang.
"Miss Gareth! Lumabas ka na dyan sa pinagkukublihan mo kung hindi kami ang malilintikan sa Papa mo!" Sigaw ng isa sa mga bodyguard na humahabol sa akin.
Napadausdos ako pababa mula sa inuupuan para hindi nila ako maaninag. Pero salamat sa tinted window ng sasakyan dahil ni anino ko ay hindi nga maaninag mula sa labas.
Inabot ng kamay ko ang braso ng lalaki at nagmakaawa sa kanya para paandarin na nya ang sasakyan.
"Nakabukas ang pintuan, lumabas ka na. Hwag mo akong idamay sa issue mo." Mapanganib na utos nya sa akin.
Mabilis ang ginawa kong pag-iling at lumipat ang aking kamay sa ibabaw ng kanyang hita. Napatingin sya doon bago muling ibinalik sa aking mukha ang paningin.
"Ayoko! Mapapahamak ang buhay ko kapag mahuli nila ako. Parang awa mo na ilayo mo ako dito!" Napakapit ako ng mahigpit sa suot nyang pants bago iyinugyog ng mahina ang kanyang hita.
Muli syang napatitig sa aking kamay na nasa ibabaw ng kanyang hita bago napabuntong hininga. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang buhayin na nya ang makina.

BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
Literatura FemininaI still hope that you and i somehow end up happy together..