C-4

36 2 1
                                        

Nakahanda na ang breakfast nang lumabas ako mula sa kwarto. Naligo muna kasi ako nang umayos ang pakiramdam ko kanina.



Nakangiting mukha ni Millet ang sumalubong sa akin.


"Kamusta na ang pakiramdam mo? Pinag-init kita ng gatas, maganda ito para sa baby."


"Thank you pero sana hindi ka nalang nag-abala nakakahiya na sa'yo. Wala ka bang trabaho?" Baka kasi nakakaistorbo na ako sa oras nya.


"Wala." Maikli nyang sagot bago hinila ang single chair na katapat na para sa kanya. "Mabuti iyon at para masamahan kita sa clinic mamaya."



"Mamaya na ba ako magpa-check up?" Tanong ko bago naupo.


"Yes! Naka set na yung appointment. Mabuti iyon para maresetahan ka din ng mga vitamins."


Napatango-tango ako bago marahang dinala sa bibig ang gatas na nakahanda para sa akin.


"Marunong ka bang magluto?" Maya-maya ay tanong nya. "Baka kasi mayroon kang gustong kainin. Sabihin mo lang sa akin."


"Marunong naman." Natuto din ako sa tagal ba naman ng tatlong taon na nasa poder ako ni Zaire Hudson. "Pero sa ngayon parang wala pa naman akong hinahanap na pagkain na gusto kong kainin."


"Mmm...i see." Sagot nito.


Pagkatapos naming kumain ng agahan ay tinulungan ko sya sa pagliligpit kahit na nga ba ayaw nya akong humawak na kahit na ano.


Dahil maaga pa naman ay naupo na muna kami sa loob ng living room habang nagpapalipas ng oras. Nakasara pa daw kasi ang clinic kaya napagpasyahan namin na mamaya nalang aalis ng bahay kung oras na ng pagbubukas para hindi kami magtatagal sa paghihintay.



"Oh, nagkabalikan pala sila?"


Napalingon ako sa kinauupuan ni Millet nang bigla itong magsalita habang nakatitig sa screen ng ipod nito.


"Sino?" Wala sa sarili kong tanong.


Lumapit sya sa aking pwesto para maipakita sa akin kung sino ang kanyang tinutukoy. Pero muntik ko ng mabitawan ang ipod nang makilala kung sino ang dalawang tao na nasa loob ng larawan.



'Zaire Hudson and Adriana Alkantara, the engagement is coming soon!' Basa ko sa nakasulat doon.



"Kilala mo?" Pilit kong pinatatag ang boses. Kung alam nya lang na ang lalaking iyan ang ama ng baby na nasa sinapupunan ko ngayon?


"The two richest family in the city! Of course, kilala ko sila."


Napalunok ako ng mariin at ibinaling sa labas ng bintana ang paningin. Pilit kong pinipigilan ang pamumuo ng luha mula sa sulok ng aking mga mata. Kaya pala ganoon lang kadali para sa kanya ang makipag-break sa akin dahil ganito pala ang mangyayari. Papalapit na ang kanyang engagement at hindi pa sa kanino lang babae kundi kay Adriana! Sa kanyang ex-girlfriend! Sa babaeng pinagseselosan ko ng husto!



Tumayo ako at dumungaw sa nakabukas na bintana. Ang sikat ng araw sa umaga na tumambad sa aking balat ay nakakatulong para mapawi ang panghihina ng aking kalooban. Marahan kong hinipo ang ibabaw ng aking tiyan. Kailangan kong magpakatatag para sa magiging anak ko.



Tiningala ko ang langit. Matingkad iyon at asul na asul. Napangiti ako, mabuti naman at maganda ang panahon. Bahagya akong napapikit habang nilalanghap ang mabining hangin na dumampi sa aking mukha. At kasabay ng aking pagpikit ang paglipad ng aking alaala three year's ago.



Somehow, I love youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon