Buong araw akong naging abala sa pagguguhit dahil ayon kay Millet kailangan nyang maipakita sa company ang sample. Sana daw makahabol pa, okay lang naman kahit anong motif basta may maipakita daw sya.
Kaya naman iba-ibang motif ang naisipan kong iguhit. Ang panghuli ay itong ginuguhit ko ngayon. Ang magandang mukha ni Millet. Kasi pakiramdam ko sya ang naging inspirasyon ko para mabuhay muli ang aking matagal na pinapangarap.
Palihim ko syang tinititigan habang abala ang aking kamay sa ibabaw ng sketchbook. Wala syang kaalam-alam na sya pala ang iginuguhit ko sa kasalukuyan.
"Ah, Gary...okay lang ba kung may itatanong ako tungkol sa personal mong buhay?" Humarap sya sa akin bago seryosong napatitig sa akin.
"Go ahead!" Sagot ko habang pinag-aaralan ang kanyang mga mata.
"Magkakilala ba kayo ni Zaire Hudson? Amm... noong gabi sa party nakita ko kasi na hatak-hatak ka nya palayo sa bulwagan. Hahabulin sana kita kaya lang kaagad akong naharangan ni Adriana."
Muntik ko ng masira ang kanyang mata na kasalukuyan kong ginuguhit nang hindi ko inaasahan ang klase ng kanyang tanong. Napatuwid ako ng upo pero hindi rin kaagad nakapagsalita.
Muli kong tinuloy ang pagguhit hanggang sa matapos iyon. Nang makontento ay saka ko isinara ang sketchbook. Job well done!
Napakagat ako sa aking labi bago itinuon kay Millet ang atensyon. Nakatitig parin sya sa akin habang nag-aabang sa aking sagot.
"Well, he's my ex-boyfriend!"
Muntik na syang mapatayo dahil sa gulat. "Ex-boyfriend?" Ulit nyang tanong sa aking sinabi.
Tumango ako bago nagsimulang magkwento. "Tatlong taon kaming magkasama sa iisang bubong. At kamakailan lang, suddenly he broke up with me!"
Nababanaag ko sa mukha ni Millet ang matinding amusement. "Really? But why?"
"He love somebody else, Millet! Diba nga, ayon sa social media na pinakita mo kahapon, malapit na ang engagement nila ng half-sister mo? Thats the reason why."
Napapailing sya. "Alam mo alam kong may mali. Ang dahilan kung bakit labis akong kinamumuhian ni Adriana dahil ako ang dahilan kung bakit umatras ang pamilyang Hudson sa pagkakasundo nila sa pamilyang Alkantara. Fixed na ang usapan, si Zaire Hudson ay ipagkakasundo kay Adriana Alkantara not until nang malaman ng pamilyang Hudson ang existence ko. You know, the Hudson Family is always upright ayaw nila sa pamilyang may lamat ang pangalan."
Napaawang ang aking bibig buhat sa narinig. Pinagkasundo lang pala sila. "At bakit muli silang nagkabalikan? Nagbago kaya ang isip ng parents ni Zaire?" Or, ipinaglaban nila yung pagmamahalan nila sa isa't-isa kaya naman kahit ayaw ng pamilya ay wala ng magagawa pa ang mga ito.
Nagkibit lang ng balikat si Millet. "Pero teka...don't tell me na isang Hudson yang dinadala mo sa sinapupunan mo ngayon?" Nanlalaki ang kanyang mga mata nang marealize ang tungkol sa pagbubuntis ko.
Naintindihan nya ang aking pananahimik. "Alam ba nya ang tungkol sa pagbubuntis mo?"
Umiling ako bilang sagot.
"Paano iyan, hindi naman pwedeng ilihim mo yan habangbuhay. And take note! Makapangyarihang tao ang binangga mo. Aminin mo sa kanya ang totoo hanggat maaga pa, Gary."
Napailing ako. "Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pwede bang sa ating dalawa muna ito? Kapag magkaroon ako ng lakas ng loob sasabihin ko sa kanya. Pero, hwag muna ngayon Millet. Natatakot kasi ako. Ayokong isipin nya na ginagamit ko ang bata para bumalik sya sa akin."
BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
ChickLitI still hope that you and i somehow end up happy together..