Zaire's POV
Panay ang sulyap ko kay Gary nang magsimula na kaming kumain. Sya yung pumili ng pagkain nya pero pakiramdam ko hindi nya nagustuhan iyon. O, talagang wala lang syang gana sa pagkain? I don't know.
Nangangati na yung dila ko para magtanong pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagkunwari akong hindi napapansin ang kakaibang galaw nya sa harapan ng dining. Nakita ko ang palihim na pagsiko ni Millet sa kanya. I know there something's off.
Nilingon nya si Millet at binigyan ng alanganing ngiti bago bumaling sa akin ang kanyang paningin. Sinalubong ko ang kanyng titig pero agaran naman nyang binawi iyon.
Ano iyon, Gary? Mayroon ka bang gustong sabihin? Mayroon ka bang inililihim sa akin? Maktol ng utak ko habang nakatitig parin sa kanya.
Ikinagulat ko nang biglang tumunog ang aking cellphone. Nakalimutan ko palang i-silent ito kanina bago pa kami pumunta dito. Napansin ko ang mailap na tingin ni Gary nang tanggalin ko mula sa aking bulsa ang tumutunog na cellphone.
"Excuse me." Agaran ang aking pagtayo at malalaking hakbang ang ginawa ko para mapalayo mula sa table namin nang mabasa ang pangalan ng caller.
"Hello!" Nilingon ko ang pwesto ng table namin at nakita kong nakasunod parin sa akin ang paningin ni Gary.
Umalis man sya mula sa poder ko. Iniwan man nya ako at nagkunwaring wala na syang pakialam sa akin pero hindi parin nawala ang possessiveness nya. Nakaukit parin sa kanyang mga mata ang matinding pagseselos. Hindi man nya ibuka ang kanyang bibig para magsalita. Alam ko, mahal nya ako.
"Sir, Gareth Gavache is on the list. Nagkaroon nga sya ng appointment with Doctora Villana at the same date gaya ng sinabi mo. And the result of her check-up comes out that she is pregnant. Four weeks pregnant." Anang kausap ko mula sa kabilang linya.
Huminga ako ng malalim at dahan-dahang ibinaba ang hawak na cellphone matapos kong i-end ang call. Parang hindi parin ako makapaniwala sa narinig. Pakiramdam ko nananaginip lang ako pero hindi eh! Nasa realidad ako. At ang realidad na iyon ay magkatotoo na ang matagal kong inaasam. Ang magkaroon ng anak.
Muli akong bumalik sa pwesto ng table namin. Napansin ko ang pagpanic ni Gary nang seryoso ko syang titigan bago ako naupo.
Bakit mo inilihim sa akin ang tungkol sa pagbubuntis mo? Bakit mo inilalayo ang magiging anak ko? Tahimik kong panunumbat sa kanya.
Ito siguro ang dahilan kung bakit sya umuwi sa kanila at muling umalis at naisipan nyang magsinungaling na lamang sa kanyang pamilya. Sigurado ako na walang alam ang kanyang Ina base na din sa mga kwento nito sa akin noong mapagawi ako sa kanila.
Inangat ko ang wineglass at tahimik na tinungga iyon. Matapos kumain ay nagpaalam ang dalawang babae na pumunta sa restroom. Naiwan kaming mag-isa ni Edwin.
"What's wrong? May problema ba?" Pang-uusisa ni Edwin sa aking pananahimik.
Nilingon ko sya bago itinuon sa hawak na wineglass ang paningin.
"You're right, Dude!" Napabuga ako ng hangin matapos kong sabihin iyon.
"Huh?" Nalilitong tanong ng aking kaibigan.
"Hindi kasi ako mapakali noong mabanggit mo sa akin na baka buntis si Gary. So, i hired a private investigator. Sya yung tumawag kanina. At tama ang hinala mo. Gary is pregnant!"
"I told you!" Muntik ng mapaangat mula sa kanyang kinauupuan si Edwin.
"Pero bakit hindi parin nya sinasabi sa akin?" Kunot- noo kong tanong.
BINABASA MO ANG
Somehow, I love you
Literatura FemininaI still hope that you and i somehow end up happy together..