CHAPTER 4

69 3 0
                                    

Wight's POV

So after naming mamasyal, umuwi na kami. Actually kanina pa. Nandito na ko sa kwarto ko ngayon. Si mommy nagpapahinga while Dwight, he went to the company. Someone want to talk to him. Mommy told him that he can just order his secretary to talk with that person but Dwight said he's not tired. Kaya tumuloy na siya kanina. Hindi na kami nagdinner kasi sa labas na kami kumain. Ako ito nanonood ng TV dito sa kwarto. Wala kong balita kina Twight pero sabi naman nina Yui, ayos lang naman daw sila. Hindi naman ako nagaalala, gusto ko lang malaman kung anong ginagawa nila. I'm happy that they're enjoying this time. Ako, wala kong maisip kung anong gagawin ko bukas at sa susunod na araw. Napaisip akong pumunta sa tagaytay pero tinatamad akong bumyahe. Pwede bang mag-teleport na lang papunta doon? And speaking of Tagaytay, nandoon si tito Tyron. If you all still remember, tito Tyron was dad's twin brother. Nandoon siya para libangin yung sarili niya. I already saw his pictures that he posted in Facebook.

He look so enjoyed. If dad is still here, siguro kasama niya siya doon. Tito Tyron decided to stay single. He doesn't want to get in a relationship now. Siguro dahil sa nangyari dati. Sino bang hindi mattrauma kapag naka-experience nun? But i'm hoping that one day, tito Tyron will find the right woman who will truly love him. Masakit din para sa amin na malaman na tinraydor or ginamit ka lang nung taong mahal mo para sa isang bagay. Nasaktan talaga siya ng grabe dun. Kaya nagpunta siya sa Tagaytay para mapagisa. Doon muna daw siya maninirahan pansamantala pagkatapos ay magsstay na siya sa amin kasama sina mommy. Okay naman sa amin. Kung saan siya komportable, okay lang din. And he promised to his brother that he will take care of us. Ang tanga lang kasi nung babaeng minahal niya noon. Mas pinili niya pang gumawa ng masama kesa mahalin si tito Tyron.  Hindi siya umiyak nung namatay yung ex niya. He said, he will just waste his tears sa kagaya nung babaeng 'yun which is right.

Pero ayos naman siya ngayon. May pinagkakaabalahan nga siya eh. Support lang din kami kung ano mang gawin niya. Sabi niya pa, ayos lang daw sa kanyang mamatay nang walang katuwang sa buhay, makakasama hanggang sa pagtanda. Kasi sapat na daw yung sarili niya. I don't know what to feel but i salute tito Tyron. I know, dad is also guiding him. Naniniwala pa rin ako na may taong magiging totoo sa kanya. Tahimik naman na kaming namumuhay ngayon. Wala ng nangyayaring kung ano gaya ng dati. Kasi sabi ni tito Liam, tapos na daw. Wala na daw natitira sa family Del Elliero. Nakakalungkot lang kasi kung kailan nawala na yung nanggugulo sa buhay namin, doon naman nawala si dad. I wish he was here. I wish, he can be able to celebrate the upcoming christmas with us. Damn it, wanted to see him. Kasi kahit sa panaginip, 'di ko siya makita. I'm imagining what his face looks like now. Sabi nila, hindi daw tumatanda yung mga kaluluwa ng isang tao. So it means na gwapo pa rin si dad? He always look handsome. And he will be the most handsome man in my eyes. At kahit mabulag man ako, dad will be the handsome man for me.

Habang nanonood ay naalala ko yung wallet nung lalaking kanina. Bwisit, panira ng moment. Isusubo ko na sana yung kakainin ko nang may pumasok sa isip ko."No, hindi. Hindi ko bubuksan yung wallet niya. No."sabi ko sa sarili ko. Napatingin na lang ako sa wallet niya na nasa ibabaw ng study table ko. Napaisip muna ko saglit."Wala namang masama 'di ba?"matapos kong sabihin 'yon ay kinuha ko na yung wallet.

Saglit ko muna itong tinitigan bago ko buksan. May bumungad naman sa akin na picture. Family picture yata ito. Kaya naman nilabas ko iyon mula sa wallet."Titignan ko lang naman eh."sambit ko sa sarili ko. Tinignan ko kung may nakasulat sa likod. At katulad ng inaasahan ko, meron."From didi and mimi, Dear our baby Adam."nagulat ako matapos Kong mabasa 'yun."So Adam pala pangalan niya?"dagdag ko pa at saka ko pinagpatuloy ang pagbabasa.

"Lumalaki na ang baby boy namin. Ayoko sana munang lumaki ka. Alam mo bang gusto namin ng daddy mo na makasama ka sa paglaki mo? but one day will come na hindi na namin magagawa 'yun. We will miss you baby. But don't worry, your dad and i will guide you. Kahit malayo na kami sayo, lagi mong tandaan na mahal ka namin. I love you Adam!"

Love Will PrevailWhere stories live. Discover now