Wight's POV
Hanggang ngayon na gabi na, nandito pa rin kami sa Central Park dito sa New York. Ang dami na naming napasyalan. Tuwang-tuwa ako kasi ngayon na lang ulit ako nakapunta dito. Kung saan-saan na din kami naglakad-lakad ni Adam. Yung phone ko, baka ma-full storage sa dami ng magagandang place na napicturan ko. May picture na nga din si Adam sa 'kin eh. May isa pa kong hindi nattry, yung skating. Sabi ko kasi kay Adam na mamaya pupunta kami doon kapag na-bored na ko sa kakalakad. Kung ano-ano na lang din yung kinakain ko habang naglalakad. Natatawa na lang ako kay Adam kasi hinahatak ko siya sa kung saan-saan kahit ayaw niya eh. Feeling ko, nasa isip niya na dapat pala, hindi na siya sumama sa 'kin. Eh paano naman magiging enjoyable yung mga araw niya dito kung hindi siya mageenjoy gaya ng ginagawa namin? Ginawa ko na nga lang siyang taga-bitbit ng gamit ko at photographer. Pero ang galing din siyang kumuha ng mga shots. Feeling ko tuloy, magaling siya sa photography.
Naglakad-lakad kami ngayon papunta doon sa Wollman Rink kung saan nagsskate yung mga tao dito. Ang lamig na nga ng paligid eh. Feeling ko tuloy, ano mang oras ngayon, uulan ng snow. Gabi na at hindi pa kami kumakain ni Adam ng dinner. Hindi pa naman ako nagugutom kasi busog ako kanina, kung ano-ano yung kinain ko eh. I asked Adam is he's hungry and he said, not yet. So, later na lang kami kakain after namin magskate. Actually, hindi pa ko nakakapagskate eh. Kahit nung huling punta namin dito kasama sina mommy, hindi ko nasubukan. Feeling ko kasi pagkatayo ko, maa-out of balance kaagad ako. Syempre hindi marunong eh. Pero kasi what if pagtawanan ako? Ta's kasama ko pa itong isang ito. For sure na pagtatawanan din ako nitong si Adam. But i really want to try this time. Ewan ko kung na-try na ni Adam mag-skate. Nasa bucket list ko kasi yung pagsskate. Actually, dapat si Louie ang kasama ko na magsskate. 'Yun yung nakalagay sa bucket list eh. Pero dahil si Adam ang kasama ko and nandito na rin kami, wala ng atrasan ito.
Makalipas ang ilang minutes na paglalakad ay nakarating na kami dito."Ako na magrrent ng skate shoes. Dito ka lang."prisinta ni Adam.
Hindi naman na ko tumanggi pa. Napangiti na lang ako nang may kasabay na pag-cross arms. May nakita akong mauupuan kaya umupo muna ko habang wala pa si Adam."Ang ganda pala dito."sabi ko habang nililibot ko ng tingin ang paligid.
Bigla namang may skate shoes na nagpakita sa harap ko. Tinignan ko kung sino yung may hawak at nakita ko si Adam."Tutulala ka na lang ba magdamag?"bigla naman siyang nagsalita.
Kaya nabalik ako sa wisyo. Kinuha ko na 'yon sa kamay niya."S-sorry naman.."paghingi ko ng tawad.
Umupo siya sa tabi ko at sinuot niya na yung kanya. Sinuot ko na lang din yung akin pero nakalimutan kong hindi pala ako marunong magsuor nito. Umarte na lang ako na parang sinusuot ko ito."Stupid."narinig kong nagsalita si Adam.
Nakita kong tapos niya ng suotin yung kanya. Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko."H-huy anong ginagawa mo..?!"tanong ko sa kanya.
Para niya kong tinarayan sa titig niya."Of course helping you to wear this, stupid. What do you want me to do? Tumunganga na lang habang nagiisip ka ng paraan na masuot 'to?"aniya.
Napaiwas na lang ako ng tingin dahil hindi ko na gusto pang asarin siya. Hindi naman nagtagal ay natapos na siya sa ginagawa niya. Tumayo na siya habang ako ay hindi alam kung tatayo na ba."A-adam.."tawag ko sa kanya.
Nakita kong nakatayo siya na parang nakatayo lang sa lupa."Hindi mo ba kayang tumayo?"tanong niya sa 'kin. Umiling na lang ako bilang sagot."Dammit."narinig kong napamura na lang siya.
Nagpigil na lang ako ng tawa. Nilahad ko na lang yung kamay ko para maalalayan niya ko sa pagtayo."W-wait.."sambit ko.
Nang mahawakan niya ang kamay ko ay tumayo na ko pagkatapos ay napahawak ako sa balikat niya dahil madulas. Parang magsasayaw tuloy kaming dalawa sa position namin."Stand properly. You might lose your balance. Just hold my hand as your support. I will let go of your hand later so you can learn on how to skate by yourself."aniya."But first, hold my two hands and distance yourself from me a little."paliwanag niya.
YOU ARE READING
Love Will Prevail
Short StoryA side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're relationship got stronger than they expected. Louie and Wight are in a same school in college. Usuall...