Continuation...
Wight's POV
Naglakad-lakad ako ngayon kasama si Adam habang umiinom kami ng Milk Tea. Grabe, hindi ko ine-expect na hanggang ngayon, siya pa rin yung makakasama ko! Halos five thirty na ng hapon pero nasabi ko naman kay mommy na sino yung kasama ko. Na-curious kasi ako sa buhay ni Adam kaya 'yun, nakichismis ako. Gaya nga ng sinabi niya, his parents died because they both saved his son's life. Nabasag daw yung harapang salamin ng sasakyan tapos sa lakad daw ng pagkahulog nung sasakyan nila,tumalsik si Adam. But luckily, may bagay siyang nahawakan biglang makakapitan. Hindi pa 'yon nahuhulog n'on. Kumbaga, sumabit muna daw yung likod ng sasakyan sa isang bagay bago tuluyang mahulog yung kotse. But before that, Adam's parents immediately think a ways on how they will save their son's life. They didn't hesitate to help their child! Sabi ni Adam, wala na din daw time para humingi ng tulong nun kasi mahulog na daw yung kotse. Tapos bigla naman daw may naisip na gawin yung daddy niya.
Lumabas siya ng kotse at may nakita siyang mahabang sanga na sa tingin ng daddy ni Adam na matibay iyon. Kaya maingat siyang lumabas ng sasakyan para hindi ito gumalaw. Nagtungo siya sa sanga na 'yon at dahan-dahan siyang gumapang papunta sa anak niya. He tried to reach his son's hand. At sa kabutihang-palad, naabot niya ang kamay ng anak niya. Pinakapit daw niya si Adam sa sangang 'yon hanggang sa pinanggapang niya yung anak niya papunta doon sa itaas dahil may mga nagsidatingang tao. Nang makuha daw si Adam ng mga tao, sinigawan daw niya yung daddy niya na magingat sila ng asawa niya. Kaya pagkabalik ng daddy ni Adam doon sa loob ng kotse ay maingat naman silang lumabas na dalawa. Pero sa kasamaang-palad, hindi sila nakaligtas. Because the car suddenly moved. Yung sanga kasing nakasabit sa likod ng sasakyan ay biglang naputol. Siguro dahil hindi na nakayanan nung sanga na alalalayan pa yung kotse kaya bumitaw na.
Kaya 'yun. Sumabog yung kotse pagkabagsak sa bangin at tanging pag-iyak na lang daw yung nagawa ni Adam. He said, he felt guilty that time. Kasi wala man siyang naitulong, wala man siyang naiambag na kung ano para hindi daw nangyari yung bagay na 'yun. Hindi daw halata sa kanya pero para sa kanya, kasalanan niya kung bakit nawala yung mga magulang niya. He also said that he's living alone. Sometimes, he felt alone. Kasi sino ba namang hindi makakaramdam ng magisa kapag sa malaking bahay ka nakatira 'di ba? Napadaan kasi kami doon sa bahay niya kanina. Hindi kami pumasok, napadaan lang talaga kami. Magisa na lang daw talaga sa buhay si Adam. Malapit lang naman sa kanya yung relatives niya pero mas gusto niya daw tumira doon sa bahay ng mga magulang niya kahit magisa siya doon. Mas nakakalungkot pala yung buhay ni Adam. Both his parents lost to him and he's only child. I remember, dad is also only child. But he survived living with bad peoples around him. Pero ang ending, kinuha pa rin siya sa 'min.
Until now, palakad-lakad pa rin kami ni Adam dito sa park malapit sa village kung saan siya nakatira."It hurts to lost someone you love right? Buti sayo ama lang nawala, eh sa 'kin? Parehas."bigla siyang nagsalita.
Hinampas ko siya sa braso."Gaga ka ba? Mawalan na nga ng isang mahal sa buhay halos mawalan na ko ng pag-asa na mabuhay eh."sabi ko pagkatapos ay humigop ako sa ini-inom ko.
Bigla siyang napaupo sa sementong mauupuan dito sa gilid kaya tumabi na ko."Do you know? This bench is where my family used to seat here."aniya.
Nagulat naman ako sa sinabi niyang 'yon. Bigla tuloy akong kinilabutan, sorry hehe."Jusko, baka mamaya dalawin ako ng parents mo ah! Wag na lang kaya ko umupo dito?"biro ko.
Natawa naman siya. Oh my god! This is different when i met him in the cemetery. Pero bagay sa kanya na ngumiti, hindi halatang walang modo."Do you still find me a rude and unprofitable guy?"tanong niya.
Umarte naman akong nagisip-isip muna."Oo."biro ko.
Bahagya siyang napahagikgik."I won't blame you if that's what you believe."aniya."Ganito lang siguro ako kasi ako lang mag-isa sa buhay. I didn't experience to be with someone again because even my friends left me when i needed them the most."dagdag niya pa. Mas lalo pang naging mas emosyonal ngayon si Adam.
YOU ARE READING
Love Will Prevail
Short StoryA side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're relationship got stronger than they expected. Louie and Wight are in a same school in college. Usuall...