CHAPTER 18

47 3 0
                                    

Flashback: When Wight is about to go in her dinner date with Adam.

Wight's POV

Himala at maaga akong pinauwi ng boss namin ngayong gabi. Pero ayos na din. Para hindi ako malate sa date namin ni Adam tonight. Honestly, Adam tried everything to make me happy in the past nine years. He really did everything to make me fall in love with him everyday. Mukhang hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya. Masaya kaming namumuhay ng magkasama. Hindi ko alam na aabot kami sa ganito. Wala naman kasing imposible kapag mahal mo eh. Of course, naging mahirap din para sa 'ming dalawa. Walang madali sa lahat ng napagdaanan naming dalawa na magkasama. We both still haven't back in the Philippines. Ako, nagpapadala ng sulat kina mommy. Si Adam naman, walang kamag-anak na naghahanap sa kanya. Kaya mahirap sa 'kin na makita ang isang 'yon na malungkot everytime na maalala niya yung parents niya. I'm thinking if Adam wants to go back in our country to visit his parents but he can't just say it because he don't want me to be alone here.

Nasa sa kanya naman kung gusto niya munang umuwi para mabisita niya yung parents niya. Wala namang issue sa 'kin 'yun kasi mga mahal niya 'yun sa buhay eh. Me? I really wanted to see my family, especially mommy. She's getting older. But i can't imagine what she looks like now. Pero alam kong maganda pa rin siya, gaya ng araw-araw. Sana naman, nakakarating sa kanila yung mga sulat na pinapadala ko. Until now, hindi pa rin ako makapag-decide kung kelan ba ko babalik ng pilipinas. Masyado na kasi akong nag-enjoy dito at nasanay na din ako sa mga taong nasa paligid ko. I met a lots of people here and i became friends with them especially when i'm in college. Nakakamiss naman yung mga ka-batch namin noon ni Adam. I missed teasing him with Clarence, our gay classmate. He really likes Adam that time but Adam keep avoiding himself from Clarence. We still seeing each other. Kahit na may sari-sarili na kaming trabaho ngayon. Ang bilis nga ng panahon eh.

Habang nakadungaw ako sa labas ng bintana nitong taxi ay may napansin ako."Uhm excuse me? I'm gonna stop here."sabi ko sa driver. Tinabi niya na muna sa gilid ang taxi. Nagbayad muna ko bago lumabas.

May nakita kasi akong shop na nagtitinda ng dessert kaya napababa ako ng biglaan. Naalala ko kasing favorite ni Adam ang sweets. Papasok na sana ako sa loob nang may kumalabit sa 'kin ."Wight?"boses ng isang babae.

Nakita kong may kasama siyang isa pang babae."Uhm.. do i know you?"sabi ko sa kanila.

Para naman silang nakakita ng multo sa reaction ng mukha nila."Oh my god... She can't remember us!"sambit nitong babaeng maikli ang buhok.

Nagtataka na tuloy ako sa sinasabi nila. Hindi ko rin naman naiwasan na makaramdam ng takot dahil sa kinikilos nila."Wight.. this is me! Louise."pagpapakilala nu'ng babae medyo matangkad."And this is Dani."pinakilala naman niya yung babaeng kasama niya."We are Louie's siblings!"dagdag pa nito.

Hindi agad ako naniwala. Pero nang tignan ko ng maigi ang hitsura nila ay nagulat na lang ako."L-louise?? D-dani?? Anong ginagawa niyo dito??"tanong ko sa kanila. Hindi tuloy ako nakapagsalita at makakilos ng maayos dahil sa sobrang pagkagulat.

Louise suddenly grab my hand."Wight please don't run away.. we need you to listen to us please.. Hindi na nagiging maayos ang lagay ni Louie.."sabi niya.

Love Will PrevailWhere stories live. Discover now