Maxine's POV
Nag-text sa akin si Dwight na pauwi na daw siya. Tinanong niya din sa akin kung tumawag na ba ang kapatid niyang si Wight. Nagpanic ako kanina kaya naman nasabi ko sa kanya na hindi pa. Sure akong nasa byahe na ngayon si Dwight. Habang yung mga kapatid niya, nandito sa salas sa itaas, nagvvideo game. Hindi ko masabi sa kanila ang totoo dahil sure akong magaalala sila sa kapatid niya. Ayaw nilang nakikita si Wight na umiiyak lalo na nasasaktan. Pero kahit anong gawin kong pagtatago ng totoo, kailangan ko pa rin sabihin sa kanila. May pakiramdam na kong mapupuno ng galit si Dwight. Dahil sa kanilang tatlo, si Dwight ang pinaka-strict kay Wight. Sure din akong sinusubukan na din niyang tawagan ang kapatid niya. Sinubukan ko din ng makailang beses tawagan si Wight pero hindi ko na talaga siya ma-contact. Parang nakapatay yata ang phone niya. Hindi ako mapakali kaya naman pumunta ako dito sa kusina at nagkape. Nagiisip ako kung ano na bang ginagawa ni Wight ngayon.
Sana hindi pabayaan ni Adam ang anak ko. Dahil hindi ako magdadalawang-isip na lumipad papuntang Amerika para makita lang siya. Tumawag kani-kanina sa akin sina Lisa. Alam na din nila ang nangyayari sa mga anak namin. Kiniwento daw ni Louise sa nanay niya kung ano ang nasaksihan niya. Tinanong ko si Lisa kung alam ba ng anak niya kung saan nagpunta sina Wight pero ang sabi lang ni Louise na bigla na lang silang umalis nang hindi nagsasabi kung saan pupunta. Wala din daw siyang idea kung saan nagpunta sina Wight. Kaya mas lalo akong nagaalala. Pero ang mas inaalala ko kung totoo ba yung sinabi niyang ayaw niya na muna umuwi dito. Eh 'di saan siya tutuloy? At paano na yung pagaaral niya dito? Paano na lang kami? Alam kong masakit para sa kanya ang nangyari pero hindi naman niya kailangan gawin 'yon kasi mas lalo lang kaming magaalala sa kanya. Kanina, sinubukan kong tawagan yung number na binigay sa akin ni Adam. Pero hindi naman siya sumasagot. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko ngayon at kung paano ko sasabihin kina Dwight ang nangyari.
May narinig naman akong bumusina sa labas kaya nabalik ako sa wisyo. Nakita ko namang pababa ng hagdan sina Twight at Bright."Mom."tawag sa 'kin ni Bright habang naglalakad silang dalawa ng kapatid niya papunta sa 'kin."Have you called Wight?"tanong niya sa 'kin.
Nakita ko namang bumukas ang pinto ng mansyon at nakita kong niluwal nito si Dwight na mukhang pagod. Wrong timing."I'm home."narinig ko siyang nagsalita.
Nilingon siya ng mga kapatid niya. Agad namang dumeretso sa akin si Dwight at bumeso sa akin."M-mukhang pagod ka anak.. magpahinga ka muna."bigla naman akong nautal at nagiwas ng tingin sa kanya.
Pakiramdam ko namang tinignan ako ni Dwight."Are you alright mom? You look cried."sambit ni Dwight.
"Mom, i'm asking you. Have you called Wight? Because Twight and i tried so many times to call her but we can reach her. Seems like she turned off her phone."paguulit ni Bright.
"Me too, i can't reach Wight. I tried to called her earlier."saad ni Dwight.
Napakagat na lang ako ng labi dahil parang gusto kong maiyak."Mom are you okay?"nagaalalang tanong ni Twight.
Napayuko na lang ako ng ulo."Did something happened?"tanong naman ni Dwight sa akin."Mom, tell us the truth."pagpupumilit niya.
Napakuyom tuloy ako ng kamao. Bumuntong-hininga muna ko bago magsalita."Tinawagan ako ng kapatid niyo kanina."tinaas ko na ang ulo ko bago ko sabihin 'yon."Sabi niya, ayaw niya na munang umuwi."sabi ko pa.
Mukha namang nagtaka sina Twight at Bright."Bakit daw po?"tanong ni Bright.
Parang nagdadalawang-isip naman ako kung sasabihin ko ba or hindi. Pero wala na kong choice."M-mukhang hindi maganda ang nangyayari sa kapatid niyo.. dahil ang sabi niya sa 'kin, nakita daw niya si Louie na may kasamang babae sa iisang kama.. nang n-nakahubad daw.. kaya yung kapatid niyo, umiiyak habang kausap ako kanina.. tinanong ko siya kung gusto niya bang sunduin ko siya doon pero ang sabi niya ayaw niya na muna daw umuwi. Hindi ko siya pinayagan pero nakipagmatigasan sa 'kin si Wight. Kaya wala na kong nagawa.."kwento ko sa kanila.
YOU ARE READING
Love Will Prevail
Short StoryA side story of Louie Razzle Astaril and Wight Silent Fuegeras. *** How many years has been passed but Wight and Louie were still together. They're relationship got stronger than they expected. Louie and Wight are in a same school in college. Usuall...