CHAPTER 16

45 4 0
                                    

4 years later...

Maxine's POV

Ang bilis ng panahon.. apat na taon na agad ang nakakalipas matapos magdesisyon ni Wight na mamuhay ng magisa. At sa loob ng apat na taon, wala man lang kaming nabalitaan tungkol sa kanya. Wala kaming natanggap kahit na ano tulad ng tawag, text or sulat man lang. Yung pagaalala ko sa kanya, araw-araw. Sina Twight at Bright hindi din mapakali. Last year, graduated na silang tatlo nina Dwight. Ngayon, may kanya-kanya na silang trabaho. Si Dwight, lalong mas naging busy sa kumpanya. Para ngang wala na siyang time para sa sarili niya. Hindi na rin niya binabanggit si Wight. Pero sure akong pati siya nagaalala para sa kapatid niya. Hindi ko naman pinabayaan ang kalusugan ko dahil hindi gugustuhin malaman ni Wight na hindi ko inaalalagaan ang sarili ko. Halos gabi-gabi akong hindi makatulog sa gabi kakaisip kung ano na bang sitwasyon ngayon ng anak ko. Ang pamilya nina Louie, umuwi ng pilipinas four years ago pagkatapos nu'ng nangyari. Si Louie, pabalik-balik dito sa bahay.

Siguro nagbabakasakali siya na baka isang araw, biglang umuwi dito si Wight. Pero apat na taon na ang nakakalipas. Wala pa din siya. Gumraduate na lahat ng kaibigan ni Wight last year. Hindi ko alam kung nagaaral pa ba siya. Nangako pa naman siya sa daddy niya na magtatapos siya ng pagaaral niya. Simula noong mamuhay ng magisa si Wight, tumamlay at nawalan na ng gana ang lahat ng tao dito sa bahay. Maski yung mga katulong namin. Nakakalungkot din dahil yung isa sa mga katulong dito na pinaka-close ni Wight na si Manang na naging katulong pa nina Tayler noon, binawian na ng buhay tatlong taon na ang nakakalipas. Sigurado akong malulungkot si Wight kapag nalaman niya 'yung nangyari sa pinaka-close niyang katulong dito sa bahay. Siguro nagtatampo na din si Tayler dahil apat na taon na siyang hindi dinadalaw ng anak namin. Sana naman, alam niya kung nasaan ngayon si Wight. Kasi nagaalala talaga kami para sa kanya.

Ang hirap matulog kapag wala yung anak mo. Minsan, napapanaginipan ko pa si Wight. Kesyo nakauwi na daw siya ng bahay. Lagi araw nagtutungo sa kwarto niya para linisin yung mga gamit niya doon. Hays, sana bumalik pa siya. Dahil ayokong mawala sa mundong ito nang hindi ko man lang nahahagkan at nahahalikan ang anak ko. Tumatanda na rin ako. 53 years old na ko ngayon. Sa loob ng ilang taon ko dito, Wala kong ibang ginawa kundi alagaan ang mga anak namin ni Tayler. Maayos naman ang naging paglaki ng mga anak namin. Lalo silang nagiging mature. Kahit sa edad na 53, hindi pa rin ako tumitigil sa trabaho ko bilang may ari ng coffee shop. Titigil lang ako kapag nandito na si Wight. Napagdesisyonan ko na ibigay na sa kanya Yung coffee shop pagkauwi niya dito. Malakas ang kutob kong may balak pang umuwi ni Wight. Apat na taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin ako nawawalan ng pagasa na umuwi siya dito ng malusog at buhay na buhay. Napabuntong-hininga na lang tuloy kayo habang pababa ng hagdan.

"Madam, mga sulat po na nasa mail box."tawag sa 'kin Cristine na inutusan kong kunin yung mga nasa mail box.

Kinuha ko na 'yon."Okay thank you."pagpapasalamat ko naman.

Tinignan ko naman ang mga ito habang papunta ako sa salas. Napatigil ako sa paglalakad nang may mabasa akong pamilyar na pangalan."Twight, Bright! Halikayo dito! Dali!"sigaw ko sa mga anak ko."Twight, Bright!"muli ko pa silang tinawagan.

Nakita ko namang nagsibabaan na silang dalawa."Bakit po?"tanong ni Bright.

Pinakita ko sa kanila ang isang sobre na nakita kong may pangalan ni Wight pero walang nakalagay na address kung saan ito galing."Basahin mo na agad mom!"excited na pagkakasabi ni Twight. Kaya naman hindi na ko nagdalawang-isip pa, agad ko na itong binuksan.

"                                                          April 6, 20**

Dear mom and my brothers.

Love Will PrevailWhere stories live. Discover now