Chapter 16 (We're Partners )

277 33 3
                                    

Kinabukasan

Ace Pov.

Maaga akong nagising kanina para makapasok sa university. Pumunta kasi ako dito sa library para makapagsulat at makapag basa na rin nh advance lessons.

Yup! Tama kayo ng pagkakabasa, ako ay pumunta sa library ng ganito kaaga eu HAHAHAHA

7:00AM

Nakarating na ako dito ng ganoong kaaga,syempre para makapag sulat ako.ayoko sa apartment ko eh, una wala akong extra books na related sa topics sa pagaaralan. Pangalawa, mabango yung libro sa library,  diba? parang ang refreshing kaya ng amoy ng libro. Amoy National Bookstore! HAHAHAHAH

So, ayun na nga. Gagawa rin pala ako ng lesdon plan para sa napag-aralan namin ni Kuya Frost at ishashare ko rin syempre kila Sunny at Daniel. Sasama na rin pala si Daniel sa amin. Kaya kailangan may susunduin kaming lesson na pagpag-aralan, alangan namang aral lang kami ng aral kahit di namn related sa topic :>

Sinabi na rin kasi ni Sir Tim na gumawa daw ng pag-aaralan para mas madali lang daw sa amin makuha yung lessons. Nasabihan ko na kasi na pumayag na ako at si Kuya Frost na mag tutor eh. Kaya ayun, masaya si Sir Tim, akala mo naman siya yung mag-tutor, bida-bida kasi si Sir Tim akala mo naman siya yung magtuturo eu HAHAHAHA

Char!Joke lang yun Sir Tim!  Hehehe

Masaya naman ako na mag-tutor, feeling ko nga teacher ako eh. Buti nalang talaga di na galit lagi si kuya Frost. Ewan ko ba dun, minsan naman mabait madalas masungit tas palamura.

Nagpatuloy na ako sa pagsusulat kasi malapit na rin kasing mag-frist subject. Sa first subject namin classmate ko si Sunny. Pagkatapos kong mag sulat, niligpit ko na yung gamit ko at pumunta na ako sa unang subject ko for today.

Lalalalala~~

Habang naglalakad ako papuntang room ko, di ko maiwasang ma-imagine na ang dami nang nangyari di sa akin sa Godsdom University. Una, nakilala ko si Sunny at naging kaibigan. Pangalawa, nalaman kong mayaman talaga si Daniel at kaibigan niya si Frost. At pangatlo, si Kuya Frost, sa una nagagalit siya sa akin about sa first meeting namin which is i bumped into him but i never expected na medjo makikilala ko siya at tuturuan.

Haiss...

"Ace?Hi good morning sayo", may biglang tumawag sa pangalan ko habang nagdi-daydream ako.

Si Sir Tim??

"Kayo po pala Sir Tim, good morning din po", masayang sabi ko.

Grabe fresh si Sir Tim ngayong umaga, I mean lagi naman siyang fresh eh, iba lang talaga pag umaga. So sana all talaga Sir Tim!

"I approached you kasi i have something to tell you", nakangiting bungad niya.

The last time na may sinabi siya sa akin ay naging tutor ako ng isang palamurang tao.

--_--

Ano na naman ba Sir Tim ha?

"Ano po yun Sir Tim? ",takang tanong ko sa kaniya.

"May activity kasi akong papagawa sa inyo later, and I want to partner you to Mr. Demetri", panimula ni Sir Tim.

Sinasabi ko na nga ba eh. HUHUHU

"S--ir?? ",

"You see, since ikaw naman yung nag tuturo kay Mr. Demetri, ikaw nalang din ipa-partner ko sa kanya", masayang balita si Sir.

Masaya kapa Sir?? .

"Paano po pag di ako pumayag? ", malay mo may chance noh!

"Wala kang choice Mr. Evans, kasi ako teacher mo", nakakalokong sabi ni Sir.

The Only One Giving Me A Reason Why Should I Exist. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon