Ace Pov.
Friday na.
Weekends.
Pero bakit di ako masaya? Siyempre may mga tao sa paligid kong nalulungkot tapos ako magiging masaya?
Inaalala ko kasi si Sunny eh. Naalala ko yung sinabi ni Nanay Hilda, na kung pwede daw, samahan ko sila Sunny sa araw na ito. Di kasi pumasok si Sunny ngayon mukhang totoo nga yung sinabi ni Nanay Hilda. Mukhanh magkukulong lang sikang dalawa sa bahay nila. Si Frost din kasi di rin pumasok eh.
Nag-chat lang kasi si Sunny na di daw siya makakapasok ngayon dahil. something came up daw. Kahit di naman niya sabihin alam ko na rin naman eh. Kaya gusto ko siyang puntahan at samahan siya ngayon. Antalino ko talaga :>
Oo, tama kayo ng pagkakabasa. Natapos yung klase ko na malungkot kasi wala si sunny eh, pupunta na ako kila Sunny, nag-jeep lang ako papuntang subdivision nila, mabilis lang naman eh. Nang makababa na ako ng jeep, dumaretso na ako papasok sa subdivision, pinapasok naman nila ako, kasi kilala na ako dito eh.
Sana okay lang sila Sunny.
Nang makarating na ako sa gate nila, syempre nag-door bell muna ako. Bumukas naman agad yung maliit na gate sa gilid, tapos lumabas su Nanay Hilda.
"Hello po Nanay Hilda, andyan po ba su Sunny?" tanong ko sa kaniya.
"Oo iho, buti naman dumating ka, kaso wala dito yung kapatid niya eh. "
Wala si Frost?
"Ganun po ba? Pwede po bang puntahan ko si Sunny?" tanong ko kay Nanay Hilda.
"Sige iho, mabuti naman at naisipan mong pumunta dito, di kasi lumabas ng kwarto niya si Sunny eh, nag-aalala na ako, hindi pa siya kumakain simula pa kanina, " paliwanag sa akin ni Nanay Hilda habang nag lalakad.
"Ako nalang po muna ang kakausao sa kaniya Nanay Hilda, " paalam ko kay Nanay Hilda.
"Sige iho, yayain mo siyang kumain ha? Dun sa bandang kanan yung kwarto niya, " tumango nalang ajo at nagsimula nang umakyat patungo sa itinuro na kwarto ni Nanay Hilda.
Di pa kasi ako nakaka-akyat dito eh, ngayon lang. Madalas sa baba lang kami nag-aaral.
Nang marating ko na yung pinto ni Sunny. Dahandahang ko siyang kinatok.
*Tok, tok*
"Uhm, Sunny? Nandyan ka ba? Pwede ba kitang makausap?"
"Ace?" narinig kong sabi sa loob ng kwarto "ikaw pala Ace,anong ginagawa mo dito?"
Nagulat ako sa pag bukas niya ng pinto, pero nalungkot ako dahil namumugto yung mga mata ni Sunny. Halatang kakagaling lang sa pah-iyak. Tinitignan ko lang muna si Sunny bago nagsalita.
"K-kasi alam ko kung anonh pinagdadaanan mo ngayon Sunny eh, sinabi kasi sa akin ni Nanay Hilda. Di ka pa raw kumakain eh. Gusto mo ba samahan kita ngayon? Do you need a shoulder to cry on?" sinabi ko kay Sunny.
Nakita kong paiyak na si Sunny, di na ako nag-isip nag-atubilu pang yakapin siya para i-comfort.
Umiyak ng umiyak si Sunny.
"Sshhh, okay lang yan Sunny, andito lng ako ha, kaya kung kailangan mong umiyak, umiyak ka lang. Huwag mong itago sa sarili mo, okay ba Sunny? Kaibigan mo namn ako eh, so kapag kailangan mo ng tulong or may problema ka andito lang ako pwede mong malapitan, " pagpapatahan ko kay Sunny.
BINABASA MO ANG
The Only One Giving Me A Reason Why Should I Exist.
RomanceAng kwento ito ay tungkol sa isang simple, and problematic person na laging naka ngiti kahit anong problema ay hinaharap nya at di nya namalayan na may rason din pala bakit sya nag eexist sa mundo at dahil ito sa taong makikilala nya sa bago nyang u...