Chapter 28:1 ( Avoiding Mr. Frost)

142 4 3
                                    

Ace POV

Natapos ang klase ko ngayong araw na walang taong yelong nagparamdam .

Simula nung nangyari kanina , yung paghatak sa akin ni Frost mula kay Daniel , hindi na siya nagpakita . Aba ! Buti naman noh ! Masakit ang paghila niya sa akin , baka akala niya siguro bato ako eh .

Ewan ko ba don kung bakit bigla nalang siya susulpot kung saan - saan tapis bigla nalang manghahatak . Baliw din yun eh !

" Ace , tara na punta na tayo sa house namin , " pag - aya sa akin ni Sunny .

Katatapos lang kasi ng last subject namin at ngayon ay palabas na kami ng room . Papunta kami sa bahay nila , na naman ! Para mag group study .

>_<

Thankful na nga ako kasi di siya nangulit ngayon eh at absent rin siya kanina sa accounting class .

Lumabas na kami papuntang labas ng university para puntahan yung driver ni Sunny . Sasabay nalang din ako kay Sunny para tipid pamasahe hehehehe

" Ace , nakita mo ba si Kuya Frost ? Di ko kasi nakita kanina sa university eh , pati na rin kanina sa cafeteria , " sabi ni Sunny .

" H - ha ? D - di ko rin kasi nakita Sunny eh , b - baka umabsent ? " di siguradong sagot ko sa kanya .

" Huh ? Impossible naman kung aabsent siya , maaga siyang umalis kanina , para daw sunduin ka , " sabi sa akin ni Sunny .

O-oo nga pala ! Tinakasan ko si Frost kanina ! " G - ganun b - ba ? M - maaga kasi akong umalis ng apartment e - eh , b - baka naman nakauwi na si K - kuya Frost , " pagsisinungaling ko kay Sunny . Sorry Sunny HUHUHUHUHU

" Hmmm . Ganun ? Baka nga nasa bahay na sya , " sagot ni Sunny .

Matapos ang ilang minutong biyahe papunta sa bahay nila Sunny , nakarating na rin kami. Pumasok na kami sa loob ni Sunny . Di ko akalain na makikita ko si Frost na pababa ng hagdan , nagulat din siya nung makita nya ako .

" Kuya Frost ! Saan ka galing ha ? Bakit di ka namin nakita kanina sa university ? " pagtatanong ni Sunny .

Sumama ang timpla ng mukha niya nung mapatingin siya sa akin . B - bakit k - kaya ?

" Tch . Um - absent ako , there something happened . Why are you here ? " galit na baling sa akin ni Frost .

Bakit siya galit sa akin ?

" Hoy ! Kuya Frost , nakalimutan mo na ba ? May study session kayo , remember ? " sabat naman ni Sunny .

Masama pa rin yung tingin na pinapakita niya sa akin . Para bang galit na naman si Frost .

" I don't need your help . Just go with my f * cking best friend , Daniel , and flirt with him . Besides you're enjoying his company , tsk , " galit na sabi ni Frost at umakyat na ulit sa taas papunta sa kuwarto niya .

E-eh?!

Ano naman kinalaman ni Daniel dito?

Edi wag siyang magpaturo! Siya na nga tong tinuturuan sya pa yung galit!
Hmp!

"0-oy! K-kuya Frost! Anong nangyari dun?" habol na pagtawag ni Sunny.

"Hayaan mo na Sunny, uuwi nalang muna ako para makapagpahinga, okay lang ba?" pagpigil ko kay Sunny sa pagtawag ng kuya
niya.

"Ha? Uuwi ka na? S-sige, kakausapin konalang si Kuya Frost. Sorry sa sinabi niya sa'yo ah, hayaan mo Ill punch him for you!" gigil na sabi ni Sunny.

"Ano ka ba okay lang! Uuwi na muna ako ha? Bukas na lang siguro ako mag-tuturo sa kaniya."

"S-sige Ace! Sure ka ba? Ipapahatid nalang kita sa apartment mo," alok sa akin ni Sunny.

"Hala! Wag na, mag-jeep nalang ako, salamat ah! Sige na, bye na Sunny! Una na ako ah!" paalam ko kay Sunny.

"Sige~ if you say so. Ingat ka Ace, see you tomorrow!" paalam din sa akin ni Sunny.

Naglakad na ako palabas ng bahay nila. Grabe naman yun si Frost, wala naman akong ginagawa para magalit siya ah! Hmp! Kung ayaw niyang magpatulong, ediwag!
Bahala siya sa buhay niya!

(• _• )

Sunny POV

Ano na naman kayang ginawa ni Kuya
Frost?

At bakit nadamay ang pangalan ni Kuya Daniel? Galit na galit siya nang tingnan niya si Ace eh, parang may halong selos ang pagsasalita niya kanina.

Wait-?!?

Nagseselos si Kuya Frost kay Kuya Daniel? Ano bang nangyari kanina?!

Dapat malaman ko kung anong ganap!

Umakyat ako papunta sa kwarto ni Kuya Frost para tanungin kung bakit niya pinaalis si Ace. Grabe yung ginawa niya eh, pinalayas ba naman yung nililigawan niya? Amp. Napaka-tanga talaga ni Kuya Frost!

Kahit na dahilan lang nun ay nagseselos siya mali pa rin yung ginawa niya! How dare him na ganun yung kaibigan ko? Babatukan ko talaga siya!

Dire-diretso akong pumasok sa kwarto ni Kuya Frost, walang katok-katok. Duh! I need to give him advice para naman di ma-turn off si Ace sa kaniya. Parang ewan
eh, magagalit ng walang dahilan. Nakita ko naman agad si Kuya Frost na nakahiga sa kama niya at nakadapa sa bed niya. Habang nakahiga siya, binatukan ko siya na
ikinabigla niya, buti nga sa'yo!

"F*ck! Why did you hit me?!" galit na sigaw niya sa akin.

May gana ka pa talagang magalit ha?!
Binatukan ko ulit siya for the second time. Mas lalo siyang nagalit, pero bago siya magsalita inunahan ko na siya.

"Ano ba kasi ang nangyari kanina? Bakit ka galit kay Ace, pati na rin kay Kuya Daniel ha?" mahinahon na sabi ko sa kanya.

"Tch. Earlier, I went to Kitten's apartment to fetch him up, but he escaped from me again. And it turns out that he's with Daniel. I saw them laughing that made my head burst in anger," he explained.

Nakita niya lang tumatawa, nagalit na agad siya?!

"Eh baliw ka pala eh!" binatukan ko ulit siya for the third time.

"What the f*ck! What the hell is that for?!"

"Why did you judge them? Tumatawa lang naman sila ah? Masyado mo binibigyang meaning yung mga bagay-bagay! Tapos nag-sungit ka pa kay Ace! Wala ka na talagang pag-asa Kuya Frost!" I said with dismay.

"I just f*ckin' got jealous of them! I saw him being happy with Neon while I'm here, wishing that I could be with him."

"Alam mo Kuya Frost, you don't need to be jealous. There's nothing going on between the both of them. Just continue courting Ace, and oh! By the way, you should apologize for what you've said to him a while ago,"

"A-Alright! I'm going to apologize to Kitten.I just can't help myself being jealous, damn this feelings I have for him!" iritableng sabi niya sa sarili nya.

Haay, love is in the air~

Dapat talaga mag-sorry siya kay Ace. Kung hindi, makakatikim siya ulit sa akin ng hampas sa batok, mga LIMA!





_

To be continued...

End of Chapter 28:1 hope nagustuhan nyo ang kwento continued reading lng po thankss...follow me to easily receive updates : vote and comment na rin kayo para malaman ko thoughs niyo about this story! Thank you!.

                                                               - Author

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 24, 2024 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Only One Giving Me A Reason Why Should I Exist. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon