Kaarawan

231 5 0
                                    

"Mukhang ayos naman na ang lahat." Bulong ko sa sarili.

Nakakapagod. Sobra. Tinulungan ko sila mama at papa na magayos ng bahay at maghanda ng mga pagkain.

"Makapagpahinga nga muna." Umupo ako sa sofa at tinignan ko ang cellphone ko. 4:06 PM na. Walang tawag o kaya man lang mensahe. Pupunta kaya sila? Siguro di naman nila sisirain ang pangako nila sakin.

"Jenny! Ang mga bisita mo!" Hiyaw ni mama na nasa tabi ng pinto. "Tara! Pasok kayo."

Nagmadali akong tumakbo patungo sa pintuan upang salubungin sila. Nang biglang...

"Happy birthday Jenny!!!" Hiyaw ng mga bisita ko. "Tara! Kanta na tayo!" Sabi ni Anna, ang matalik kong kaibigan. At nagsimula silang kumanta. Nakakahiya man pero nakakatuwa.

Maya-maya ay pumasok ang isang kasama nila na may hawak na cake at may nakasinding kandila. Si Erik, ang lalaking binibiro nila sakin. Pagkatapos ng kanta ay humiling na ako at hinipan ang kandila.

Tapos ng palakpakan ay pang-aasar nanaman nila sa amin ni Erik. "Ay nako nga! Kumain na kayo at gutom lang yan." Ang tanging nasambit ko.

Sumabay din ako sa kanilang kumain. Napatagal dahil sa kwentuhan at tawanan. Maya-maya din ay dumating si kuya kasama ang dalawa niyang lalaking kaibigan at nagyaya ng inuman. Doon nalang daw kami sa labas, sa tapat ng bahay. Umiinom naman ako pero konti lang. Ayos lang din naman kila mama at papa ang ganitong gawain. Ang mahalaga lang daw e kaya naming alagaan at dalhin ang sarili namin. Sumali din lahat ng kaibigan ko. Muli nanamang nagsimula ang walang katapusang kwentuhan.

"Haaay! Kelan mo ba sasagutin si Erik, Jenny?" Tanong ng pinakamakasat sa aming magkakaibigan, si Lynn. "Bahala ka. Mahirap humanap ng ganyang kabait na lalaki."

"Darating din sya dyan. Maghintay lang tayo." Dugtong naman ni Benny, o Ben kung tawagin namin dahil yun ang gusto nyang itawag namin sa kanya. Parang pangbabae raw kasi ang kanyang pangalan.

Hay nako. Ako nanaman ang napagtripan ng mga to. Di nalang ako nagsalita. Ngumiti nalang ako at tumawa sa mga sinabi nila.

Tumunog ang telepono namin. "Ako na ang sasagot." Pagpigil ko sa pagpasok ni kuya sa bahay.

Pagsagot ko ay tumaas ang balahibo ko sa unang salita palang ng nasa kabilang linya.

"Happy birthday to you. Happy birthday to you. Happy birthday dear Jenny. Happy birth---"

Binaba ko bigla ang telepono, parang may nagtulak sa akin na huwag ko itong patapusin. Isang babaeng may katandaan ang boses. Hindi ko alam kung bakit ako natakot at di man lang napapagsalita upang magtanong. Hindi din pamilyar sa akin ang boses nya.

Agad akong bumalik sa labas, sa mga kaibigan ko, at kinuwento ang nangyari. Baka prank call lang daw yun o baka kamag-anak ko. Para mawala ang bumabagabag sa pakiramdam at isip ko ay inenjoy ko nalang ang sarili ko upang makalimutan din ang nangyari.

10:00 PM.

"Kailangan ko nang umuwi. Anong oras na eh." Sabi ni Lynn habang nakatingin sa kanyang relo.

"Edi tara na. Sabay-sabay na tayo. Di ko na rin kayang uminom pa eh." Dagdag pa ni Anna.

Nagkasundo sila na sabay-sabay nang umuwi. Kasabay na din nila ang dalawang kaibigan ni kuya. "Mag-iingat kayo ah?" Sabay kaway ko sa kanila.

Napakasaya ng araw na ito.

Inayos at nilinis ko ang lugar na pinaggamitan namin. Tulog na kasi sila mama.

Pumasok ako ng bahay at napatingin ako sa sofa.

Si kuya. Doon na pala nakatulog.

"Kuya." Ang sabi ko habang tinatapik ang balikat nya. "Kuya. Dun ka na sa kwarto mo."

"Oh? Jenny. Pasensya na." Tumayo sya at tumungo na ng kwarto.

Napansin ko na pasuray-suray ang lakad nya. Napainom ata sya ng sobra. "Alalayan na kita kuya." Ngunit sumenyas sya na ayos lang sya.

Pagpasok nya sa kwarto ay naramdaman ko sa aking balat ang malamig na pag-ihip ng hangin.

Yung pintuan. Nakabukas. Baka naiwan ko lang na bukas kanina nung pumasok ako ng bahay. Sinara ko ito at siniguradong nakakandado.

Pumunta na ako sa kwarto ko upang magpahinga at matulog.

Papikit na ako nang may marinig akong bumasag sa katahimikan.

Mga yabag ng paa.

Nararamdaman kong mahina at dahan-dahan ang naririnig kong tunog ng paglakad mula sa labas ngunit parang napakalakas nito sa aking pandinig.

Kinakabahan ako na ewan.

Malakas ang kutob kong patungo sya sa aking kwarto, sa akin. Kung sino man sya...

Ang Lihim ng Sta. RitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon