"Nakakapagod! Alas-kwatro na! Wala pa rin tayong nakikitang Jenny! Ni anino nya wala!" Hinihingal na sambit ni Lynn habang nakaupo na sa gilid ng kalye at nagpapaypay gamit ang isang karton na napulot nya kanina.
"Hala! Ambagal nga ng lakad natin tas napagod ka pa." Sagot sa kanya ni Ben.
Nagpatuloy pa ang makasat na pag-uusap nila at natatawa nalang ako sa mga naririnig ko.
Napapatingin din ako kay Lynn. Maganda syang babae. Sa kanilang grupo, sa kanilang tatlong babae, sya lang ang mukhang mahilig mag-ayos ng itsura. Mas nagbigay ganda pa sa kanya ang kanyang pulang lipstick dahil sa kanyang taglay na kaputian. Nakalugay ang kanyang buhok na mapula ang kulay at nakasuot ng sya itim na sando na may ternong maikling maong na shorts.
"Ikaw kuya Drew? Nakakapagod diba?" Nakangiting sabi sakin ni Lynn. Nagulat ako at di agad nakaimik.
"Ah... Oo. Medyo." Tanging nasabi ko at nauutal sa pagkabigla.
"Nako! Nakahanap pa ng kakampi. Haha! Teka, ba't parang nauutal ka ata kuya? Type mo si Lynn no?" Sabay tawa ni Ben ng malakas na nakakaloko.
Natawa nalang din ako at napansin kong tumatawa na nakatingin sakin si Lynn.
"Ikaw talaga Ben! Kahit kailan ka." Sabi ni Lynn. "Nauuhaw ako. Bumili naman tayong tubig."
Tumayo na sya at nagsimula na muli kaming maglakad upang humanap ng tindahan na mapagbibilhan. Nagsimula rin muli ang pagaasaran ng dalawa. Noong nakakita na ako ng tindahan ay agad kong itinuro ito sa kanila.
"Pabili!" Hiyaw ni Ben habang kinakatok ng barya ang bakal na harang ng tindahan.
"Ano yun?" Bumungad samin ang isang matandang babae.
"Ay! Mineral water nga po, tatlo." Sagot ni Lynn.
Agad namang naibigay ito ng matanda at naiabot na rin namin ang kanya-kanyang bayad. "Salamat po." Sambit ko.
Tumalikod kami at akmang aalis na nang bigla kaming tinawag ng matandang babae. "Ay mga bata, hindi ko kayo namumukhaan. Mukhang hindi yata kayo taga-rito. Anong sadya nyo?"
"May hinahanap po kaming isang babae, nawawala po kasi sya. Eto po ang litrato nya. Nakita nyo po ba sya?" Sagot ni Ben at inabot niya ang litrato ni Jenny sa matanda.
Pinagmasdan nya ito at umiling. "Pasensya na iho pero hindi ko sya nakita. Hindi ko rin sya kilala." Paumanhin ng matanda sabay abot pabalik ng litrato.
"Ayos lang po. Maraming salamat." Sabi ni Ben.
Paalis na muli kami ng biglang may pahabol na sinabi pa ang matanda. "Mag-iingat kayong apat ah?"
Apat?!
Tatlo lang kaming magkakasama mula kanina.
Nagtinginan kaming tatlo at namuo sa amin ang takot.
Dahan-dahang lumingon si Lynn sa matanda. "Lola?"
"Ano yun iha?" Malambing na tugon ng matanda habang nakangiti.
"T-t-tatlo lang po kaming magkakasama."
"Oh dyus ko!" Biglang pumikit at napa-antanda ang matandang babae at nagsimulang magdasal.
Lahat kami ay tahimik lamang at parang tinahi ang aming bibig. Ni hindi man lang kami makaimik.
Ngunit si Lynn, wala pang ilang segundo ay napansin namin ang pag-urong nya ng mabagal at bigla nalang syang kumaripas ng takbo paalis.
"Lynn!" Tawag ko sa kanya at dali namin syang hinabol.
Mabilis siyang tumakbo, ngunit maya-maya ay bumagal din ang takbo nya at naabutan din namin sya, dahil siguro sa pagod na sya.

BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Sta. Rita
HorrorHindi porket wala kang kinalaman ay hindi ka dapat madamay.