Simula

140 5 0
                                    

Mapayapa...

Tahimik...

Namiss ko ang lugar na ito.

Yung dating bahay namin... Tama. Baka nandoon nga sya.

"Oh? Saan ka pupunta?" Pagtataka ni Drew dahil dali-dali akong umalis sa aking kinatatayuan.

"Ha? Eh... Sa bahay namin dati." Sagot ko na nauutal.

"Iiwan mo pa ata kami eh. Tara na nga." Sambit ni Aldrin.

Sinabi din ni Aldrin na gamitin na namin ang dalang sasakyan kesa maglakad. Para din mas maging mabilis ang aming pagpunta.

Nagtungo kami sa aming dating bahay. Di rin naman iyon kalayuan sa aming pinuwestuhan kanina.

Maraming pumasok sa aking isipan. Mga alaala ng nakaraan habang nakikita ang bawat bagay sa labas ng sasakyan. Wala kasing ganong pinagbago ang lugar na ito.

"Dyan sa tabi..." Mahina kong sinabi sa kanila.

Pagkahinto ay bumaba agad kami at pumunta sa mismong harap ng bahay.

Ang aming lumang tirahan...

Ganoon pa din ang itsura nito.

"Katukin natin." Sabi ni Drew.

Sumang-ayon ako at lumapit sa gate.

Kumatok ako ng tatlong beses att may lumabas naman na tao. Isang malaking lalaki. Kinabahan ako dahil kahawig nito ang lalaking nasa panaginip ko ngunit ang kaibahan lang ay malinis syang tignan at maliit sya ng kaunti kumpara sa aking naaalala.

"Ano po yun?" Sabi ng lalaki na may napakalaking boses.

"Nandyan po ba si Jenny?" Nag-aalalang tanong ko.

"Wala pong nagngangalang Jenny dito sa aming bahay. Ako lamang po ang nakatira dito. Pasensya na po." Sagot sakin ng lalaki. "Sino nga po pala kayo?"

"Ako po si John. Anak po ako ng dating may-ari nitong bahay." Pagpapakilala ko.

"Ah. Kayo po pala ang dating may-ari nito. Pasensya na po talaga. Wala po talagang Jenny dito eh." Pagpapaumanhin nya.

"Sige po. Maraming salamat." Sagot ko habang tumatalikod at nanlulumo. Nasaan kaya sya kung wala sya dito?

Parang mababaliw na ata ako sa kakaisip sa kapatid ko. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sasakyan habang nakatingin sakin ang aking mga kasama.

"Makikita din natin sya kuya John." Mahinang tugon sakin ni Erik habang nakahawak sa balikat ko.

"Kuya John!!!"

May narinig kaming hiyaw ng isang babae sa di kalayuan.

Sila Anna? Umaano sila dito?

Nagmamadali silang lumapit samin. Kami namang apat ay nagtataka.

"Oh? Erik, Drew, Aldrin. Kasama pala kayo. Kanina pa kayo dito?" Tanong ni Anna.

Nagtataka pa din ako. "Ah... Oo. Bakit? Umaano kayo dito? Bakit nandito kayong tatlo?" Sunud-sunod na tanong ko sa kanya.

Lumapit si Ben at sya ang sumagot ng aking mga katanungan. "Nakatanggap kaming tatlo ng mensahe kuya. Pare-parehas. Galing kay Jenny. Nagulat nga ---"

"Ha?! Patingin nga." Pakiusap ko kay Ben. Nagulat ako at nabuhayan ng loob.

Ibinigay nya ang kanyang cellphone sa akin at hinanap ko ang sinabi nyang mensahe. Nakita ko ito at agarang binuksan.

"Ako ito. Si Jenny. Pumunta kayong Sta. Rita ngayon. Pakiusap. Nandito ako. Papunta na sila kuya. Tulungan nyo ako. Natatakot ako."

"Patingin nga din kami." Sabi ni Aldrin.

Inabot ko ang cellphone sa kanya at muling nagtanong kali Anna.

"Nagreply ba kayo? Tinawagan nyo ba?"

"Oo kuya. Kaso hindi na sya nagreply uli. Isa pa, nung tinawagan ni Anna eh nakapatay daw ang cellphone." Sagot ni Lynn.

Sinubukan kong tawagan si Jenny ngunit tulad ng kwento ni Lynn ay nakapatay nga ang cellphone nito.

Hindi kami aalis. Nandito nga sya.

Kahit lahat kami ay kapwa nagtataka at naguguluhan. Mas inintindi namin ang paghahanap sa kapatid ko.

Malakas ang kutob ko na nandito sya.

"Maghiwa-hiwalay tayo." Pagsira ni Anna sa katahimikan ng buong grupo.

Gusto ko ang mungkahi nya. Mas mapapadali nga ang paghahanap sa kapatid ko kung magkakahiwalay kami.

"Payag ako." Sagot ko. At gayundin ang iba pa naming mga kasama.

Kinausap ko ang lalaki kanina at nagpaalam kung pwedeng iwanan ang aming sasakyan sa kanilang bahay. Mukha naman kasi itong mapapagkatiwalaan at pumayag naman din ito kahit na hindi nya kami kilala.

Pumunta kami sa intersection malapit sa kinatatayuan namin.

Hinati namin ang aming grupo sa tatlo.

Si Lynn, Ben at Drew. Medyo malamya din daw kasi kumilos si Ben kaya pinasama na ni Lynn sa kanila si Drew.

Si Anna at Aldrin. Matapang naman si Anna sa aking napapansin at alam ko naman na hindi sya hahayaan ni Aldrin kung may mangyari mang di kanais-nais.

Si Erik at ako. Hindi ko alam ngunit gusto kong makasama si Erik sa paghahanap at ganoon din naman sya. Siguro dahil parehas kami ng lebel ng pag-aalala sa aking kapatid.

Nagtalikuran na kami at nagpunta sa kani-kanilang ruta.

"Magtext o tumawag kayo agad pag may balita na kayo ah?" Sabi ko sa kanila pagkalingon ko.

Tumango lamang sila at muli na akong tumalikod. "Salamat nga pala uli sa inyong lahat." At nagsimula na kaming maglakad.

Nandito ka Jenny... Alam ko...

Ang Lihim ng Sta. RitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon