"Nandyan ka na pala John." Sabi ni papa. "Ikaw na muna ang magbantay kay Jenny. Kailangan na naming bumalik ng bahay upang makapagayos. Maya-maya ay papasok na kami sa trabaho ng mama mo."
"Sige po. Magiingat po kayo." Pamamaalam ko sa kanila at hindi na sila nagpahatid pa palabas.
Nagtungo ako sa upuan malapit sa kamang pinaghihigaan ni Jenny.
Pinagmasdan ko sya. Bakas ang sakit at hirap na nararamdaman nya sa kanyang mukha.
Nakakalungkot...
Hinawakan ko ang kanyang kamay at hindi ko napigilan ang sarili kong muling maluha.
Isang tahimik na pag-iyak ang aking pinakawala.
Ilang saglit din ay kumalma na ako. Pinalakas ko ang aking loob. Alam kong ayaw ng kapatid ko na makita akong ganto. Alam kong magiging maayos din ang kondisyon nya ng tuluyan. Alam kong babalik din sya sa dati nyang sigla...
...
...
Bigla akong dumilat at napabangon sa kinahihigaan ko nung napansin kong nakatulog pala ako.
Pano ako napunta dito sa mahabang upuan?
"6:17 AM." Tapos tignan ang orasan sa pader ay sinulyapan ko ang lamesa malapit sa kama.
"Wala pa palang dinadalang pagkaen." Nang bigla akong may napansin...
Wala si Jenny sa kama!
Pagkatayo ko sa kinauupuan ko upang hanapin ang aking kapatid ay biglang namatay ang mga ilaw at ang aircon.
"Nawalan pa ng kuryente." Bulong ko sa sarili.
"Jenny! Nasaan ka?"
Napakadilim ng paligid. Wala ni konting liwanag ang naaaninag ko. Wala bang generator dito?
Sandali...
Ang oras! Naalala ko na umaga na nga pala.
Kumapa ako sa dilim at hinanap ko ang bintana. Nang matagpuan ko ito ay hinawi ko ang kurtina nito at bumulaga sakin ang kadiliman. Tipong parang may nakaharang sa bintana ng kwarto, pero hindi... Nararamdaman ko at alam ko na sobrang dilim lang talaga ng paligid. Bakit ganto? Parang may kakaiba.
Muli kong naalala si Jenny. "Jenny?" Sabi ko habang kumakapa sa pader sa loob ng kwarto.
Nagulat ako nang biglang may liwanag na lumabas sa espasyo sa ilalim ng pintuan ng banyo.
Dahil may konting liwanag na, agad kong pinuntahan ang switch ng ilaw ng kwarto malapit sa pinto.
"Ha?" Naka-on na pala ito ngunit hindi pa rin sumisindi ang ilaw ng kwarto. Pinatay at binuksan ko ito muli ngunit wala talaga. Hindi rin pala bumukas ang aircon, natatandaan kong nakabukas din ito bago mawalan ng kuryente. Parang nangyari na to. Hindi ko matandaan.
Maya-maya ay may narinig akong pag-iyak mula sa loob ng banyo.
Parang pamilyar ang boses nito.
Ang kapatid ko!
Gusto ko man magmadaling pumunta doon pero di ko alam at kinakabahan ako.
Mabagal akong lumakad papunta ng banyo. Nakasara ito nung huli kong makita ngunit bahagyang nakabukas na ito. Nasisilip ko ang lababo sa loob at ang naka-tiles na sahig at pader.
Naririnig ko pa din ang pag-iyak nya. Di ko maaninag ang tao sa loob dahil sa pinto pero nakakasigurado ako na yun ang kapatid ko.
Sa di ko malamang dahilan, magkahalong takot at kaba ang nararamdaman ko. Nanginginig ang buo kong katawan habang lumalapit sa banyo.
Nang marating ko na ang mismong harap ng pinto, huminga ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob.
Itutulak ko na sana ang pintuan ngunit biglang huminto ang naririnig kong pag-iyak. Parang nilamig ang buo kong katawan.
"Je-Je-Jenny?" Itinuloy ko ang pagbukas sa pintuan at nagulat ko sa sumunod na nangyari.
Sya nga!
Tumambad sa akin ang mukha ni Jenny sa bukas na parte ng banyo. Puno ito ng malalaking hiwa at parang natatakpan na ng nag-aagusang dugo ang kanyang mukha. Makikitang galit na galit sya base sa kanyang mga mata at bigla nyang sinara ng malakas ang pintuan.
...
...
Napaigkas ako sa kinahihigaan ko. Panaginip lang pala. Nakakatakot na panaginip. Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang pawis sa mukha ko.
Agad kong hinanap si Jenny at nakita kong natutulog sya sa kama.
Tumingin ako sa orasan sa pader.
"6:17 AM."
Kaparehas ng oras sa panaginip ko.
"Kuya..." Nakaramdam ako ng saya ng biglang nagsalita si Jenny.
"Oh? Gising ka na pala. Ayos ka na ba? Anong kailangan mo?" Pangangamusta ko. Lumapit ako sa kanya upang mas madali syang intindihin pag nagsalita sya. Ngunit yung mukha nya, makikita mo ang lubos na kalungkutan.
Hindi sya tumitingin ng direkta sakin mula pa kanina. Nakatitig lang sya sa isang parte ng kwarto. "Tubig. Nauuhaw ako kuya. Ayos lang ba?" Mahinang tugon nya sakin.
"Sige. Sandali lang." Naalala ko na may water dispenser nga pala malapit sa nurse station. Kumuha ako ng malaking baso at nagtungo sa labas.
Habang kumukuha ako ng tubig ay biglang tumunog ang cellphone ko. May mensahe. Si Jenny? Binasa ko ito...
"Kuya... Bakit hindi ka naniwala? Bakit mo ako pinabayaan?"
Jenny... Patawad. Kung pwede ko lang ibalik ang oras. Nagsisisi din ako.
Kakausapin ko sya ng maayos pagbalik ko sa kwarto.
Tutungo na sana ako pabalik sa kwarto nang bigla akong napahinto sa paglalakad dahil nawalan ng kuryente. Narinig ko ang normal na hiyawan ng mga tao dahil sa gulat pero ilang saglit lang ay nagkaroon din naman agad muli.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Pagbukas ko ng pintuan ay nagulat ako dahil wala si Jenny sa kama nya!
Ibinaba ko ang basong hawak ko sa lamesa at tinignan ko ang banyo, wala rin sya dito! Nasan ang kapatid ko?!
May napansin ako sa kama. Isang papel.
May nakasulat...
Sta. Rita?
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Sta. Rita
HorrorHindi porket wala kang kinalaman ay hindi ka dapat madamay.