Nakapikit ako ngunit parang umiikot ang aking paligid.
Napadami ata ang inom ko kanina.
Tumutunog ang cellphone ko.
Agad ko itong kinuha sa lamesa sa tabi lamang ng aking kama. "Si Jenny?" Magkatabi lang kami ng kwarto pero bakit kailangan nya pang tumawag?
Nung sinagot ko ang tawag...
"Hello... Kuya..." Pabulong nyang bungad sakin.
"Bakit? Bakit pabulong ka pa magsalita?" Sagot ko ng puno ng pagtataka.
"Pumunta ka dito kuya. Please... Natatakot ako..."
Binaba ko ang tawag at agad na pumunta sa kwarto nya. Binuksan ko ang ilaw at nakita ko si Jenny na nakatalukbong ang halos buong katawan ng kumot. "Anong nangyayari sayo?" Lumapit ako at umupo sa kama, sa tabi nya.
Binaba nya ang kumot na tumatakip sa kanyang mukha. "Wala ka bang nadinig kanina kuya? Parang may ibang tao dito sa bahay. May nadinig akong naglalakad." Mahahalata mo sa kanyang mukha ang takot habang nayakap sya ng mahigpit sa unan.
"Baka si mama lang yun o kaya si papa. O baka naman imahinasyon mo lang, nakainom ka din eh. Titignan ko nalang ang buong bahay. Matulog ka na at ganun din ako. Nahihilo pa ---"
"Teka kuya!" Sabay hawak nya sa aking braso nung akmang patayo na ako sa kama.
"Wag ka nang magalala. Matulog ka na." At tuluyan na akong namaalam sa kanya. Pinatay ko ang ilaw at lumabas na ako ng kwarto.
Inikot ko ang loob ng bahay tulad ng pangako ko sa kanya kanina. Di ako ganong makatingin at makakilos ng maayos ngunit nagawa ko naman. Bumalik ako sa kwarto nya para sana sabihin na wala syang dapat na ipagalala ngunit napansin ko na tulog na sya. Kaya muli na akong bumalik ng kwarto upang matulog at maya-maya nga ay nakatulog na ako.
Makalipas ang higit dalawampung minuto ay tumunog muli ang cellphone ko. Si Jenny. Sya pa rin pala. Sasagutin ko sana ngunit dahil sa antok at hilo ay nakatulog uli ako habang hawak-hawak ang cellphone.
Nagulat nalang ako nung madinig ko ang malakas na hiyaw ng kapatid ko mula sa kanyang kwarto. Bumangon ako at dali-dali akong tumakbo papunta doon.
Binuksan ko agad ang ilaw.
Bukas ang bintana at ang kurtina nito ay hinihipan ng malakas na hangin.
Si Jenny...
Duguan sya at may nakabaon na mahabang screwdriver sa tyan nya!
Sobrang gulat at takot ang nadama ko. "Jenny!!! Mama!!! Papa!!! Si Jenny!!!" Buhat-buhat ko sya habang nasa sala na ako.
"Dyus ko! Ang anak ko!" Umiiyak na sambit ni mama.
Tumakbo agad kami palabas ng bahay. Papunta sa kotse. "Yung susi!" Natatarantang tanong ko.
Agad na pumunta si papa sa loob ng bahay upang kunin ang susi ng kotse at nakabalik din sya agad. Pinatakbo agad ni papa ang sasakyan. Magkakasama kaming sumakay sa sasakyan patungo sa ospital. Karga ko parin si Jenny na nakahiga sa hita ko habang yakap-yakap sya ni mama na humahagulgol sa iyak. Di ko mapigilang maluha. Napansin kong napakadaming saksak sa katawan nya. Napakahayop ng gumawa nito sa kanya!
Nakarating na kami ng ospital. At nagmamadali naming dinala si Jenny sa loob. Mabilis naman din ang responde ng mga nurse at doktor kaya nadala na agad sya sa operating room.
Magkakatabi kami nila mama at papa sa upuan at nagdarasal para sa paggaling ng kapatid ko.
"Dyus ko... Bakit ba nangyari sa kanya to?" Bulong ko sa sarili habang lumuluha.
Tatlumpung minuto...
Isang oras...
Dalawang oras...
Lumabas na ang doktor mula sa operating room.
"Dok. Kamusta na po ang anak ko?" Nag-aalalang tanong ni papa.
"Medyo maayos na ang kalagayan nya. Ngunit kailangan nya pang manatili dito upang magpahinga. Labing apat na tusok ang natamo nya sa kanyang katawan. Buti at naisalba namin ang buhay nya. Hindi ko din alam pero..." Biglang napayuko at natigilan ang doktor.
"Pero ano po?" Lubos na pag-aalala ko sa pagtigil nya.
"Wala. Basta. Pagpahingahin muna natin sya dito sa ospital hanggang sa maging tuluyang maayos na ang kalagayan nya." Ang nasagot ng doktor.
"Sige po. Maraming salamat po dok." Sagot ni mama na medyo gumaan na ang pakiramdam.
Nanguha na kami ng kwarto para sa kapatid ko. Hiniram ko ang susi kay papa upang bumalik sa bahay at kumuha ng ilang mga damit at kagamitan.
Habang binabaybay ko ang daan patungo sa aming bahay. Kinausap ko ang aking sarili. "Jenny... Sana maging maayos ka na ng tuluyan... Bakit kasi hindi ako nakinig sayo? Kasalanan ko to..." Sabay hampas ko sa manibela at naluluha sa inis. Nang makarating na ako ng bahay, kinuha ko na lahat ng dapat kunin. Pagpasok ko sa kwarto ni Jenny, bumalik sa alaala ko ang masasayang pagsasama namin ng kapatid ko. "Sana sa akin nalang nangyari yun... Kung sino man ang gumawa nito sa kanya, hindi ko sya mapapatawad!" Sabi ko sa aking sarili.
Sinigurado kong nakasara ang lahat ng pintuan at bintana ng bahay bago sumakay sa kotse. At muli ko nang tinungo ang ospital.
"Pangako... Di na kita papabayaan..."
BINABASA MO ANG
Ang Lihim ng Sta. Rita
HorrorHindi porket wala kang kinalaman ay hindi ka dapat madamay.