Buhay

127 2 0
                                    

"Ang laki ng pinagbago..."

Yun ang nasabi ko habang tinitignan namin ang itsura ng tapat ng simbahan gamit ang napulot namin na flashlight kanina sa daan, sakto naman dahil aksidente kong nabitawan ang gasera kanina.

Hindi tulad sa itsura nito dati, mas malaki na ito ngayon, mga nasa 30 metro siguro ang taas. Puro mga lumot din ito at gumagapang na halamang ligaw. Nagmukha tuloy itong luma.

"Papasok talaga tayo kuya John?" Tanong ni Erik.

Iyon din ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung dapat ba naming pagkatiwalaan ang matanda na nakausap namin. Baka naman isa din sya sa mga sinasabi nyang gwardya. Pero may alam sya kung nasaan si Jenny, ang inaalala ko lang ay kung ano ang kalagayan ng aking kapatid ngayon dahil sa mga nangyayari.

"Oo. Wala naman tayong ibang pupuntahan eh. Tsaka alam nya kung nasaan si Jenny." Sagot ko.

Nakabukas ang malaking pintuan ng simbahan. Pumasok kami at gumulat samin ang isang nakakasilaw na liwanag.

"Kuya John! Erik!" Sigaw ng isang babae na nagtutok sa mukha namin ng flashlight.

Ang mga kasama namin!

Sinalubong kami ng yakap ni Lynn. Tuwang-tuwa ang lahat dahil magkakasama na muli kami. Nagkamustahan at nagbalitaan tungkol sa mga nangyari sa isa't-isa. Nagulat ako sa kwento ni Drew na sinagot ko daw ang tawag nya kanina at ako ang nagpapunta sa kanila dito samantalang tulog pa yata ako ng mga oras na iyon at kung gising man ako ay hindi ko naman ito nagamit dahil nawawala ito. Nalaman din namin ang nangyari kay Ben. Nakakabigla at nakakalungkot ngunit hindi na namin maibabalik ang oras. Pinakilala din nila si Rose sa amin.

"Buti pala nakasalubong namin sina Drew." Sabi ni Aldrin.

"Oo nga. Nga pala, sigurado ba kayo na si Jenny ang nakita nyo kanina?" Tanong ni Drew.

"Oo, sigurado kami." Sagot ni Anna.

"Mga masunuring bata..."

Napatingin kami lahat sa iisang direksyon, sa pintuan.

Yung matanda, sa wakas at nandito na sya. Dahan-dahan syang lumakad papunta sa amin, sa altar.

"Sino ka ba talaga?" Bungad ko.

"Diba kilala mo na ako? Ako si Sonya." Ngumisi pa ito sa akin na parang nang-aasar. "Matagal na matagal na ako sa lugar na ito, pwede nyong sabihin na dito ako nakatira."

"Ipaliwanag mo sa amin ang nangyayari dito!" Singit ni Lynn at akmang lalapitan ang matanda ngunit pinigilan sya ni Erik dahil hindi nga namin alam kung kakampi o kalaban namin itong matandang ito. Wala kaming alam kung bakit ganun nalang ang naging asta nya, siguro ay ito ang sinisisi nya sa sitwasyon namin ngayon.

Kalmado lang sya at pumuwesto sya sa harapan, malapit sa altar, para syang isang pari na magsisimula ng isang misa. "Magpapaliwanag ba talaga ako? Siguro mas akma ang terminong magsasabi ako ng katotohanan. Marahil ay nagtataka kayo kung bakit walang liwanag sa lugar na ito, iyon ay dahil sa kawalan ng oras. Umaandar man ang mga orasan at ang inyong mga relo ay wag nyo nang pagaksayahan pa ito ng panahong tignan. Wala na 'yang mga silbi."

Oo nga. Oras na ng umaga ngunit madilim pa rin, kung gabi naman ay wala namang buwan.

"Sunod naman ay ang mga gwardya, sila ang mga naninirahan dito--"

"Naninirahan? Nagpapatawa ka ba? Tsaka bakit nila kami gustong patayin?" Sabat ni Aldrin.

"Libangan... Minsan ay pagkain. Ganoon ang paraan ng pamumuhay nila dito. Wag na kayong magtaka dahil mga dayo lang kayo dito sa Isla."

Ang Lihim ng Sta. RitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon