Byahe

144 4 0
                                    

"Hello Aldrin. Papunta ako sa inyo ngayon. Mukhang alam ko na kung nasaan si Jenny." Tinawagan ko ang kaibigan kong si Aldrin habang nakasakay ako sa taxi dahil alam kong may sarili syang van. Maaaring matulungan nya ako.

"Ha? Sige pare." Sagot naman niya.

Pagkatapos ng higit labing-limang minuto ay nandito na din ako sa bahay nya. Nakiusap ako sa kanya na kung pwede gamitin ang sasakyan nya patungo sa Sta. Rita. Di na sya nag-atubili pa at pumayag sya sa aking nais.

"Tawagan mo si Drew at Erik. Mas mainam na may iba pa tayong kasama." Sabi nya pa sakin. Pumayag ako at tinawagan ko nga ang dalawa.

Inihanda na ni Aldrin ang sasakyan at nagpaalam din sa kanyang magulang. Pumayag naman sila at sinabihan na mag-iingat kami. Ilang oras pa ay magkasunod na dumating ang dalawa na tinawagan ko. Sumakay na kami lahat sa van at binaybay na ang daan.

Higit isang oras na ang byahe namin. Nagdarasal ako na sana nandoon nga ang kapatid ko. Nakaupo ako sa harapan, katabi si Aldrin na abala sa pagmamaneho. Sinilip ko ang dalawa naming kasama sa likod. Tulog si Drew at si Erik naman ay tulala na nakatingin sa bintana. Bakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Mukhang importante nga sa kanya ang aking kapatid. Malungkot man ako ngunit natutuwa ako dahil sa tingin ko eh swerte din si Jenny kay Erik kung magkatuluyan man sila. Mukha naman itong matino at maayos na lalaki. Naaalala ko tuloy ang mga kwento ni Jenny sakin tungkol sa lalaking ito. Kunyari pa syang naaasar, nahahalata ko naman sa tono ng kanyang pagsasalita na gusto nya din si Erik.

Ilang oras nalang, mararating na namin ang Sta. Rita.

Napatingin ako sa aking kanan at nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Isang napakalaking lalaki! Siguro ay nasa walong talampakan ang tangkad nya.Nakakatakot ang itsura nya. Napakarumi nyang tignan. Mahaba't malago ang kanyang buhok, puro sya bahid ng putik at nakasuot sya ng sira-sirang damit.

Nagtayuan lahat ng balahibo ko. Di na ako nakapagsalita at natulala ako sa takot. Ang mas nagbigay pa sakin ng takot ay nung napansin ko na sinusundan nya ng masamang tingin ang sasakyan namin.

Noong nakalagpas ay agad kong sinabi ito kay Aldrin. "Pare! Nakita mo ba?!"

"Alin? Bakit mukhang takot na takot ka?" Pagtataka nya.

"Yung lalaki kanina! Sa bandang kanan natin! Di mo ba---" Napatigil ako ng biglang humito ang aming sasakyan.

"Anong nangyari?!" Sambit ni Drew na nagising bigla.

"Hindi ko alam." Sagot ni Aldrin at tinapakan nya ang accelerator. "Ayaw din tumakbo ng sasakyan pero umaandar naman ang makina." Pagtataka pa nya. "Teka, lalabas lang ako."

"Sama ako." Sabi ni Erik sabay baba sya ng van.

Nanatili akong kinakabahan sa nangyayari. Alam kong malapit lang kami sa lugar kung saan ko nakita ang lalaki. Hindi kaya---

Paglingon ko, nakita ko ang lalaki sa bintana sa likod na nakahawak sa van at pinipigilan ang pag-andar nito. Tinuro ko ito kay Drew. Nagulat siya sa kanyang nakita at akmang lalapit na ang lalaki sa pintuan namin.

Gusto kong humiyaw ngunit di ako makapagsalita sa takot.

"John!"

"Nandito na tayo!"

Nagising ako at nakita ko si Aldrin na inaalog ako. Isang masamang panaginip nanaman. Tinignan ko yung dalawa sa likuran. Wala sila.

"Nasa labas sila. Tara na!" Sabi ni Aldrin.

Pagbukas ko ng pintuan ng van ay nasa labas nga sila at tinitignan ang lugar.

Nilibot ko ang aking paningin. Eto na nga. Nandito na ako. Sa wakas.


Ang Lihim ng Sta. RitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon