Kandado

68 1 0
                                    

Imposible!

Kitang-kita yun ng dalawang mata ko!

Ang nakahimlay nyang katawan at ang nagilit nyang leeg.

Hindi... Hindi... Hindiiii!!!

Patay na sya! Hindi totoo itong nakikita ko!

Pero kahit na ganoon pa man ang nasa isipan ko ay agad kong tinanggal ang nakabarang laman-loob sa kanyang bibig saka sya sumuka. Hindi talaga ako makapaniwala kaya't kinapa-kapa ko pa ang kanyang mukha at katawan upang makumpirma na buhay nga sya.

"Paano-"

"K-Kuya, iligtas mo ako! Umalis na tayo dito! Dali!" Nagmamakaawang sabi nya habang pilit na kumakawala sa pagkakatali ng kanyang kamay at paa.

Hindi ko na napansin ang iba pa naming kasama dahil ang tanging nasa isip ko lamang ay si Jenny, ang makalaya sa mundong ito kasama sya.

Humihiyaw nang walang nabubuong salita, nakikiusap ang tatlo na kalagan sila ngunit nanatili ang aking pokus sa pagkalas ng sinturon na nakatali sa mga kamay ni Jenny. Di pa man tapos ang aking ginagawa ay may tumusok na bagay sa aking leeg. Parang kagat ng langgam, isang dambuhalang langgam. Dahan-dahang nanghina ang aking katawan na aking ikinabagsak sa sahig.

"Ang ayoko sa lahat ay yung pinapakealaman ang mga laruan ko." Malaki at may kembot ang boses nung lalaki. Dinakma niya ang aking buhok, inangat ang aking ulo, at itinapat ang kanyang mukhang natatakpan ang kalahati ng face mask. "Ang kinis... Ito ang tipo ko, ikaw na ang napili ko, mahaaaaal koooo." Bahagyang naging singkit ang kanyang mga pulang mata at tuluyan na ngang nagdilim ang aking paningin habang dinidilaan niya ang aking pisngi.

"Pakawalan mo kami!"

"Hayop kaaaa!"

"Maawa ka sa'min. Pakiusap."

...

...

Ang ingay naman.

Pagdilat ng aking mga mata ay nabigla ito sa liwanag na nagmumula sa itaas.

"Kuya!"

Pagkalinaw ng aking paningin ay nasa harap ko ang apat, mula sa kaliwa ay si Jenny, Anna, Rose, at Erik, wala nang nakasalpak sa kanilang bibig at lahat sila'y nakatutok sa akin dulot ng nakaangat na parte ng kama sa kanilang likuran. Lalapitan ko sana sila ngunit nakatali din ang aking mga kamay at paa dito sa upuan. Napuno ng hiyaw, langitngit ng kama at kalansingan ng bakal ang silid, pare-parehas kaming umaasa sa taglay naming lakas upang makatakas.

"Open sesameeeee!!!"Bumukas ng malakas ang pintuan at tumambad sa amin ang lalaki na nakatingala't nakataas pa ang dalawang kamay. Naka-face mask pa rin sya, medyo may kahabaan ang buhok, matangkad, saktuhan lang ang laki ng katawan, at puno ng mantsa ang kanyang puting kasuotan na pang-doktor, wari ko'y nagmula ito sa mga dugo at kalawang. Suminghot ito ng malalim at huminga ng buong pwersa habang nakayakap sa sarili. "Gustong-gusto ko talaga ang amoy ng takot. Ang saraaaap!!! Anong gagawin natin ngayon... mahal ko?"

Matalim nya akong tinignan, mabilis na tumakbo sa aking direksyon tsaka ako niyapos ng yakap at muling dinila-dilaan ang aking pisngi. Kaunti kong iniiling ang aking mukha, hindi ko magawang tignan siya ng masama o pagsalitaan siya ng pabalang dahil sa namumuong kaba sa aking dibdib, para bang isang maling kilos ko lang ay may matindi itong kapalit. Ganoon din ang aking mga kasama-

"Tigilan mo ang kuya ko! Hayop kang bakla ka!"

Nagulat din si Jenny sa kanyang nasabi, nakagawa siya ng isang bagay na magbubukas sa pintuan ni kamatayan.

"Ha?" Marahang nilingon ito ng lalaki, "Gusto mo rin ba? Naiinggit ka ba?" Tsaka ito lumapit kay Jenny.

"Pero pasensya na dahil ayoko sa babae."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lihim ng Sta. RitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon