PROLOGUE
"Danica come back here!"
Rinig Kong sigaw ng mama ko ng makasampa ako sa kabayo.
"Saglit lang ako mom! Promise babalik din ako " ..
"Isususmbong kita sa lolo mo! Ang tigas ng ulo mo kapag nahulog ka diyan !" .
"I'll be fine mom, and lolo allow me to ride thunder!" Hinimas ko ang ulo ni thunder bago ito pinatakbo patungo sa lugar na paborito Kong puntahan kapag nandito ako sa hacienda ni lolo.
Nang makarating ako sa falls ay kaagad akong bumaba ng kabayo at itinali ko ito sa puno.
"Aaah. It's nice to see you again aking tambayan !" Hinubad ko ang suot Kong boots Pati na din ang aking pants at tanging t-shirt Lamang ang tinira ko bago ako tumalon sa malinaw at malinis na tubig.
Napasigaw ako ng bumalot sa katawan ko ang malamig na tubig.
"God I miss this place " bulong ko at paulit ulit na lumangoy hanggang sa mapagod ako.
Aahon na Sana ako ng maramdaman Kong namamanhid ang mga paa ko at hindi ko ito maigalaw.
"Oh god not now please" pinupulikat ako. " Help " sigaw ko bago ako lumubog sa tubig para galawin ang paa ko Pero manhid iyon.
"Help!" Sigaw ko ng maiahon ko ang ulo ko "he-" muli akong lumubog.
Para akong hinihila pailalim, unti unti na akong nawawalan ng hininga ng maramdaman Kong may pumulupot sa bewang ko at hinila ako pataas.
Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa damohan kasabay ng Pag dampi ng malambot na bagay sa akong labi."Miss? Miss naririnig mo ba ako? " Binigyan muli ako nito ng hangin bago ako umubo ng umubo kaya mabilis Niya akong pinaupo.
"Okey kana ba? Muntik ka ng malunod" Saad nito at hinimas himas ang likod ko.
"Sino ka? A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.
"Napadaan lang ako dito, pinapasyal ko yong ibang kabayo e " inalalayan Niya akong tumayo " ikaw yong apo ni Don Enrique diba?"
"Kilala mo ako?"
"Hindi, Pero nakita na kita noon e " inilahad Niya ang Kamay niya " I'm kavin nga pala, kavin Santillan. ikaw anong pangalan mo?"
"Rachel Danica"
"Ang ganda ng pangalan mo parang ikaw"
Naramdaman ko ang Pag init ng mukha ko dahil sa Sinabi Niya at ngumiti pa siya.
Mama ang gwapo Niya !!!! Bulong ko sa aking isipan.
"Uyy nag bblush siya " tumawa ito na Lalo Kong ikinapula.
What was that? Bakit ganun yong tunog ng tawa Niya ang sarap pakinggan.
"Ah. Ano uuwi na ako ,thank you sa pagligtas sakin "
"Wala yon. Sabay na tayo hatid na kita sa villa " tumingin ito sakin " but before that mag pants ka muna " tumalikod ito kaya mabilis Kong isinuot ang Pantalon ko at agad akong sumampa Kay thunder.
"I'm done kavin, let's race " ngumisi ako sa kanya kaya ngumiti ito ng malaki para lumabas ang maliit na dimple Niya.
"Kapag nanalo ako ipapasyal mo ako sa bayan bukas ng umaga" Saad ko.
"At kapag Natalo ka liligawan kita" nagulat ako sa Sinabi Niya Pero.
"Deal "
Ngumisi ito bago sumampa sa puting kabayo at ihinanda ang sarili.
"Gooo" malakas Kong sigaw dahilan para sabay na tumakbo ang kabayo.
The whole ride is fun and I'm won.
"So pano sasamahan mo ako bukas mamasyal ah"
"Teka lang papaalam muna ako sa lolo mo baka mamaya ano isipin nun "
"Wag na ako na lang magsasabi okey?"
"Fine! Boss baby "
Sabay na kinuha samin ang dalawang kabayo kaya naglakad kami pabalik ng villa at kaagad akong sinalubong ni mommy.
"Mabuti naman at nakauwi kana kanina kapa hinahanap ng lolo mo" Sabi Niya at lumingon Kay kavin " hello kavin,nice to see you again"
"Hello po tita, nice to see you din po Lalo Kayong gumaganda ah "
"Bolero ka talagang bata ka, pasok ka muna"
"Wag na po, may gagawin pa po kasi ako e next time na lang po tita, bye boss baby "
"Tsee!" Inirapan ko siya bago tumalikod kaya narinig ko pa ang tawa Niya. Kainis tumawa na naman.
At doon nag simula ang pagiging magkaibigan namin ni kavin.