Chapter 17

41 1 0
                                    

Chapter 17

Makalipas ang isang linggo ay tuluyan ng nasampahan ni lolo ng kaso si mich. Pero sadyang ayaw magpahuli ni mich dahil nag tangka itong lumaban ng araw na dinakip ito sa mismong hotel namin.

Nabaril siya sa binti kaya naman ngayon ay nasa hospital siya nagpapagaling.

"Ma'am baka mapagalitan po tayo ni sir kavin. Bawal po Kayong pumunta sa hospital e "

"Just drive kuya, akong bahala sa sir kavin mo. I just want to talk to her "

Nang makarating kami sa hospital ay kaagad akong nag tungo sa kwarto Kong nasaan ang sadya ko. Pinapasok ako ng pulis na nag babantay sa labas ng pinto ng kwarto.

Pumasok ako sa loob and I saw her lying in hospital bed habang naka posas ang isang Kamay nito sa gilid ng kama.

"I have special visitor pala". Bungad Niya ng maisara ko ang Pinto ." Have a sit " Alok Niya.

Tiningnan ko lang siya at pilit Kong hinahanap ang expression sa mukha Niya Pero wala akong makita kundi blangkong mga mata Niya habang nakatingin sakin.

"Why are you here?" Untag Niya.

"I just want to ask you something"

"About what?"

"About Cassie! Bakit mo siya dinamay sa galit mo sakin?"  I saw her smile and it's creepy as hell.

"Gusto mong malaman ang totoo? Cassie is my best friend. Kakampi ko siya sa lahat Pero lahat nag bago ng makilala Niya si kavin. Minahal Niya ang lalaking gusto ko."

Nanlisik ang mga mata niya matapos niyang sabihin yon.

"Sagabal siya sa plano ko. That day sasabihin Niya sayo lahat ng plano ko kaya nadamay siya sa galit ko at isinama ko siya sayo !" She smiling again." Matalinong tao si Cassie Pero mahina ang loob dahil tinakot mo lang siya ay nabahag agad ang buntot Niya! Well that's fine with me at least mawawala siya sa landas ko. Pero hindi ako papayag na sirain Niya lahat ng plano ko sayo kaya ayon. "

"Anong kasalanan ko sayo? Bakit ganun na lang kalaki ang galit mo sakin?"

"Malaki. Malaki ang kasalanan mo at ng pamilya mo sakin " bumalik ang galit sa mga mata niya " kasalanan ng lolo mo kung bakit namatay ang mommy at daddy ko, kasalanan ng lolo mo kung bakit nasira ang buhay ko !"

"A-anong ibig mong sabihin?"

"Nung namatay ang  mga magulang ni kavin masaya na Sana kami dahil samin mapupunta lahat ng kayamanan nila na matagal ng inaasam ni daddy. Pero ng dahil sa lolo mo nalaman ng mga pulis na si daddy ang may gawa ng car accident na nangyari nahalungkat lahat ng mga pulis lahat ng illegal na negosyo ni dad kaya nakulong siya. Pero hindi Niya kinaya sa loob ng kulungan kaya nagpakamatay siya at ng mawala si daddy hindi kinaya ni mommy. Inatake siya sa puso!! Sabay Silang nawala sakin naulila ako sa isang iglap at kasalanan yon ng lolo mo!" Sigaw Niya sakin tapos bigla siyang tumawa." Ng mailibing sila sinunog ko yong bahay namin at napaniwala ko ang lahat  na kasama ako sa sunog na yon. After that Namuhay akong mag isa sa America. Binago ko ang pangalan ko ang buhay ko and then I come here and I saw kavin again but he don't know me hindi Niya Maalala na minsan Kaming naging magkaibigan I'm his childhood sweetheart!"

"Everything is perfect okey kami ni kavin hanggang sa dumating ka sinira mo lahat! Wala Kang pinag kaiba sa lolo mo pareho Kayong mahilig manira ng kaligayan ng iba !!"

"You know what nanghihinayang ako na hindi kapa natuluyan Edi Sana wala akong problema ngayon! Sana namatay kana lang din katulad ni Cassie. At kapag wala kana isusunod ko ang pamilya mo-"

Hindi Niya natapos ang sasabihin Niya ng bigyan ko siya ng dalawang malakas na sampal.

"Wala Kang karapatan na kumuha ng buhay ng isang tao. Walang kwenta ang pinaglalaban mo Alam mo ba yon? Walang kasalanan ang pamilya ko sa pamilya mo. Kasalanan ng pamilya mo kung bakit kayo humantong sa ganun at ikaw wala Kang karapatang mag higanti!" Muli ko siyang sinampal ng malakas kaya dumugo ang labi Niya " para yan sa sakit na binigay mo Kay kavin ng dahil sa ginawa mo sakin!" Sa subrang galit ko ay sinakal ko siya.

Pero nagawa niyang tumawa kahit hawak ko ang leeg Niya.

"Go on kill me ! Para maging katulad din kita" nakangisi niyang bulong kaya binitawan ko siya.

"Your sick " tiningnan Niya ako ng masama.

"Ito ang tatandaan mo sisiguraduhin Kong pagbabayaran mo ang lahat ng kasalanan mo !" Tinalikuran ko siya matapos Kong sabihin ang salitang iyon.

Pakiramdam ko pagod na pagod ako kaya pabagsak akong naupo ng makapasok ako ng kotse.

"Okey lang kayo ma'am?"

"Yes po, sa villa tayo ni lolo kuya " mabilis naman siyang nag maneho patungong villa at ng makarating kami don ay agad akong bumaba at pumasok sa bahay.

Tuloy Tuloy akong umakyat ng hagdan hanggang sa marating ko ang opisina ni lolo.

Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob.

"Nica" humalik ako sa kanyang pisngi bago ako naupo sa couch. "Something wrong?"

"Lo, can I ask you something?"

"Sure, go ahead"

"This is about mich! What is her connection to kavin's family?"  Nakita Kong huminga ng malalim si lolo.

"Mich father is adopted son ng parents ni Kelvin. Nothing's wrong with him but one day his change. He is become an alcoholic at laging nasasangkot sa gulo sa school Man o sa labas lagi siyang napapaaway. He  change a lot  ng bumalik si Kelvin from his study abroad. Nag simula siyang pamahalaan ang negosyo ng magulang niya. He build his own family a happy family. Nang mawala ang magulang ni Kelvin napunta sa kanya lahat ng ari Arian ng mga Santillan, of course he is a biological son his the only one heir. At yon ang ikinagalit ng father ni mich. Too much ambition ang nag tulak sa kanya para gawan ng masama si Kelvin.

Nang mamatay ang magulang ni kavin dahil sa car accident I'm the only one na hindi naniwala na talagang car accident yong nangyari. Masyadong maingat si Kelvin kapag nagmamaneho he always check the car bago gamitin kaya I'm not convinced na car accident yon. Pinaimbistigahan ko ang kaso ni Kelvin and I found out na sinadya ngang putulin ang preno ng kotse. At doon ko sinimulang paimbistigahan ang father ni mich at doon nalaman ng batas ang mga illegal niyang negosyo at dahil sa ginawa Niya Kay Kelvin ay sinampahan ko siya ng kaso at nakulong siya. And I know you know what happened to him and his wife . "

"Si mich akala ko namatay siya nung masunog ang bahay nila kasi may natagpuang bangkay sa loob ng bahay nila at inakala naming siya yon". Napailing si lolo " I never expect na mangyayari ang lahat ng to. That woman is sick she need a doctor but i don't think so kung tatanggapin Niya "

Para akong napako sa kinauupuan ko dahil sa mga narinig ko. Si kavin nawalan siya ng magulang dahil sa galit at ambition ng taong kinupkop nila.

"Si kavin Alam ba Niya ang tungkol Kay mich at sa family Niya ?"

"Nung isang araw Niya lang nalaman kaya hindi Niya kayang harapin si mich."

Umuwi ako sa bahay na parang wala sa sarili at ng makarating ako doon ay nakita ko si kavin na nag aayos ng dining table.

Dahan dahan akong nag lakad papalapit sa kanya. And he automatically smile ng makita ako. Pano niya nagagawang ngumiti sa lahat ng nangyari sa buhay Niya mula noon?.

"Hi" nakangiti siya at mabilis ko siyang niyakap bago ako umiyak ng umiyak.

Hindi ko Alam Kong bakit ako umiiyak, pakiramdam ko kinuha ko lahat ng bigat sa dibdib ni kavin kaya ako Ganito. Ako yong umiyak ng umiyak para sa kanya.

Simula ngayon hindi kana mag iisa. Ako ang magiging karamay mo sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay mo.

Pangako mamahalin kita ng buong buo higit pa sa sarili ko.

Wala ng pwedeng manakit sayo.

 My Own True Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now