Chapter 4

44 1 0
                                    

Chapter 4

Naging abala ako ng mga sumunod na araw at linggo hanggang sa nagsimula na ang pasok ko.

Ilang linggo ko na ding hindi nakikita si kavin dahil busy siya sa masteral Niya. Puro kami video call dahil yon lang ang magagawa namin sa ngayon na pareho talagang puno ang schedule naming dalawa.

"Uyy bhie may rehearsal ba today?" Cris ask me habang papalabas kami ng University.

"Wala..kasama ko si mommy mamaya for food tasting. Meet namin yong catering services"

"Ilang catering services ba meron sa birthday mo?"

"Apat" napakamot ako sa noo ng tingnan Niya ako habang malalaki ang kanyang mga mata.

"Ganun karami? "

"Gusto ni lolo e. Anong magagawa ko "

"Paranas naman maging ikaw bhie"

"Sige palit tayo "

"Ay gagang to !" Hinila Niya ang buhok ko bago siya tumakbo kaya hinabol Niya ito.

Pero napatigil kami sa pagtakbo ng makita ang mga nagkukumpulang Babae sa labas ng University nakatingin ang mga ito sa kulay itim na BMW na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nahigit ko ang hininga ko ng makita ko ang lalaking nakasandal sa kotse. His wearing cargo pants and plain white t-shirt and a black beanie on his head. Bakit siya Ganyan?? Mama ko bat ang gwapo!!!

Kumaway siya ng tumama ang paningin Niya sa pwesto ko at tinanggal din Niya ang suot Niyang  sunglasses at isinabit iyon sa damit Niya.

"Omgggg! Mukha siyang artista bhie ang gwapo niya" mahinang tili ni cris sa tabi ko.

Dahan Dahan akong nag lakad papunta sa kanya hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sakin. Tuloy Tuloy akong nag lakad patungo sa pwesto Niya habang nakasunod sakin si cris.

"Hi " saad ko ng huminto ako sa harap niya.

"Hello babe, I miss you " pinanggigilan Niya ang ilong ko bago ako niyakap.

"Kavvvv"

"What?"

"Namiss kita kainis ka." Natatawang niyakap Niya ako ulit.

"Sorry na ngayon lang ako nabakante, kaya nga ikaw agad pinuntahan ko e " inamoy Amoy ko siya kaya natawa siya.

"Ehem ehem " napalingon ako Kay cris " ah Kav si cris pala bff ko"

"Hello po " kinikilig na Sabi nito.

"Hi, I'm kavin boyfriend ng bff mo "

Boyfriend kailan ko siya sinagot?

"Ang gwapo mo naman kuya " Nakangiting Saad ni cris kaya natawa si kavin.

"Baby kung sino sino sinasabihan mong  gwapo "

Napatingin ako sa lalaking umakbay Kay cris at tumingin ito samin.

"Hoy Angelo bat ka nandito?" Tanong nito Kay kavin na parang hindi man lang nagulat.

"Sinusundo ko girlfriend ko bakit?" Maangas na sagot ni kavin kaya napatingin sakin ang lalaki.

"Hi I'm Dex Andrie Rivera best friend ni kavin " inilahad nito ang Kamay at handa ko na iyong tanggapin ng biglang agawin ni kavin ang Kamay ko.

"No touching"

"Ang damot nito, Mauna na kami meron kaming lakad e. Bye guys " hinawakan nito ang Kamay ni cris at bago ito umalis ay nilingon nito si kavin " gago hangout tayo soon after masteral mo "

 My Own True Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now