Chapter 12

42 1 0
                                    


Chapter 12

Alice's pov. (Bigyan natin ng pov si Alice).

Maaga akong pumasok sa opisina dahil luluwas kami ni sir kavin ngayon para sa kanyang check up.

Pagdating ko sa opisina Niya ay nakita ko siyang nakaupo sa swivel chair habang nakatingin sa isang picture frame na nasa ibabaw ng kanyang office table.

It's been two years mula ng mawala si ma'am Danica at mula ng araw na iyon ay parang hindi ko na kilala si sir kavin.

Habang tumatagal unti unti siyang nag babago mas lumala ang pagiging tahimik at seryuso niya at hindi ko na siya nakikitang ngumiti man lang.

Mas gusto Niya laging mag isa at malayo sa lahat ng tao.

"Sir nasa baba na po si kuya Jun. Alis na po tayo " sabi ko sa kanya and as usual tumango lang siya bago tumayo at dinampot ang kanyang cellphone at nauna ng lumabas sakin.

Inayos ko muna ang gamit Niya sa ibabaw ng table bago ako sumunod sa kanya at nakita ko siyang tahimik na pumasok ng sasakyan.

Mula ng mawala si ma'am danica ay hindi ko na nakitang nagmaneho ng sasakyan si sir kavin. Kinuha siya ni president ng personal driver niya na lagi naming kasama 24/7.

Subrang laki ng pinagbago ni sir kavin , bumagsak ang kanyang katawan at nawalan ng kulay ang kanyang mga mata.

Subrang Hirap mawalan ng taong minamahal. At si sir kavin ang example. His fighting his depression and anxiety kaya kinailangan niyang mag therapy at meron siyang iniinom na gamot para makatulog siya.

Tahimik ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami mismo sa hospital kung saan naka duty ang doctor Niya.
Pumasok Kaming private elevator kung saan ang deritso nun ay sa opisina mismo ni doc.

Nang makapasok kami sa loob ay kaagad namin siyang nakita na mukhang inaabangan ang Pag dating namin.

"Hey buddy, how are you?" Tanong nito Kay sir kavin.

"Fine" matamlay na sagot nito Kay doc.

"Any progress? " Tanong nito at umiling si sir kavin kaya napasandal sa swivel chair si doc at tinitigang mabuti ang kaharap.

"Hindi kapa rin nakakatulog ng Maayos kahit may gamot kana?"

"Give me a sleeping pills na high dosage! Baka sakaling makatulog ako ng Maayos"

"You know I can't do that.yong binigay ko sayo last time mataas na ang dosage nun Pero wala pa ring epekto sayo." Bumuntong hininga si doc " you need to help yourself kavin. Hindi ka pwedeng umasa sa gamot kailangan mo ring tulungan ang sarili mong bumangon ulit "

"Tell me. How? "

"Kav. Wala sakin ang sagot kundi nasayo"

Pinanuod ko kung paanong pumikit si sir kavin at sumandal sa upuan. Para siyang pagod na pagod sa buhay.

"I'm so tired. I can't take it anymore" bulong Niya kasabay ng Pag alpas ng luha sa kanyang mga mata.

His crying again. Wala yatang araw na hindi umiiyak si sir kavin. Madalas ko siyang makitang umiiyak sa opisina niya.

Mag sasalita Sana si doc ng tumunog ang intercom nito na nasa ibabaw ng table.

"Doc gising na yong pasyente!" Tinig ng isang Babae kaya agad na napatayo si doc at binalingan si sir kavin.

"This is an emergency Kav, I'll be back later okey? Check ko lang siya " tumango Lamang si sir kavin kaya naman mabilis na lumabas si doc ng opisina nito.

"Al?"

"Sir?"

"Can you get me some water please?"

"Sure po, wait lang boss kunin ko lang sa kotse yong tubig niyo" hindi ko na siya inaantay na sumagot at mabilis akong lumabas ng opisina at nag tungo sa elevator.

Mabilis Kong kinuha ang tubig sa sasakyan at sumakay ulit ako ng elevator. Nang lumabas ako ay nakita ko si sir kavin na lumabas din ng opisina ni doc at nag lakad sa hallway kaya naman sinundan ko siya.

Binaybay namin ang mahabang hallway hanggang sa mapahinto si sir kavin sa isang private room.

Kunot noong pinag masdan ni sir kavin ang salaming pinto bago unti unting nanlaki ang mga mata nito kaya naman napatingin ako sa salamin at halos mahimatay ako sa pagkagulat ng makita ko kung saan siya nakatingin.

Omg is this for real?

Dahan dahang humakbang si sir kavin sa Pinto at maingat niya iyong tinulak kaya nakapasok kami sa loob.

"May masakit ba sayo? What is your name?" Mahinahong tanong ni doc sa pasyente.

At mas Lalo akong nagulat sa sagot nito.

"K-kavin "

"Kavin? Kavin ang pangalan mo?" Muling tanong ni doc at tinapunan ng tingin si sir kavin na natulala na.

"K-kavin "

"Kav? Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni doc Pero hindi sumagot si sir kavin. Nanatili siyang nakatingin sa babaeng nakaupo sa hospital bed. "Kav, hintayin mo na lang ako sa labas. "

"No " binalingan nito si doc " siya yong pasyente kanina? What's her name? "

"Yes. Pasyente ko siya. She's being coma at ngayon lang siya nagising and that's a miracle. Halos dalawang taon na din siyang nakaratay dito "

Napatakip ako ng bibig ko dahil sa Sinabi ni doc. Napatingin ako ulit sa pasyente at nakita Kong nakatingin siya Kay sir kavin.

"What the hell " bulong ni sir kavin bago Dahan dahan na lumapit sa kama. Naupo siya sa gilid ng kama sa harap ng Babae.

"K-k-kav" Sambit ng Babae na tuluyang nagpaiyak sa kaharap.

"Y-yes I'm kavin. Do you remember me? Ikaw Alam mo ba kung ano ang pangalan mo?"  Napayuko ang kaharap bago umiling.

"It's okey, hmm? It's okey "

"B-but  I r-re-member y-you " Hirap na Hirap siyang mag salita.

Umiiyak akong napatingin sa Kanila at sa isang iglap bigla Kong nakita ang Pag Silay ng ngiti sa labi ni sir kavin.

His smiling in front of his girlfriend. His smiling in front of his world in front of ma'am Danica.

Litong lito man sa kung ano ang nangyari Pero masaya ako na muli siyang bumalik sa buhay ni sir kavin.

 My Own True Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now