Chapter 13

40 1 0
                                    

Chapter 13

(Back to kavin's POV)

Kung nananaginip man ako Sana Hindi na ako magising, mas gugustuhin Kong matulog na lang at least sa Pag tulog ko kasama ko siya.

Nagulat ako ng tapikin ni Hans ang likod ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"Let's talk, saglit lang to gusto ko lang malinawan " he said kaya naman sumunod ako sa kanyang opisina. "Now talk"

"Anong talk? Anong sasabihin ko?"

"Siya ang namayapa mong girlfriend diba? What is really happened to her?"

"I really don't know Hans, believe me hindi ko Alam Kong pano siya napunta dito sa hospital mo. Gulong gulo na ako Pero masaya ako na she's back "

"Isang lalaki ang nag dala sa kanya dito ang Sabi niya kailangang maoperahan ng kasama niya. Actually hindi ko inaasahan na mabubuhay pa siya. Malaki ang sugat Niya sa ulo at may tusok ang kanyang hita at leeg niya. Ang dami niyang damage all over her body at subrang daming dugo ang nawala sa kanya " sumandal siya sa kanyang upuan " ilang beses din siyang sumuko ,ilang beses din huminto ang tibok ng puso niya but look at her now she's alive"

"Bumalik pa ba yong lalaking nagdala sa kanya dito?"

"No, hindi ko na siya nakita ulit. Hindi ko naman pwedeng sukuan at pabayaan ang pasyente dahil nakikita Kong lumalaban siya kahit kunti na lang ang Pag asa"  he smile at me " she's really brave, siguro nararamdaman niyang naghihintay kapa rin"

"So anong plano mo ngayon na nakita mo na siya ulit? "

"Investigate again, pwede bang ibyahe si Nica?"

"Maybe tomorrow, I need to be sure na Maayos na nga talaga siya. And she need a regular check up and therapy para makalakad at bumalik sa dati ang pananalita niya. "

"Yeah , thank you so much Hans. Thank you kasi Hindi mo siya pinabayaan'

"I'm a doctor kavin, trabaho ko ang tulungan ang mga taong nangangailangan ng tulong ko. " Tinapik Niya ang balikat ko "now she's back so be happy with her "

"Thank you "

Matapos namin mag usap ni Hans ay muli Kong binalikan si danica, Pag pasok ko ay agad na lumipad ang mga mata Niya sakin at maliit siyang ngumiti.

"Baby "

"K-kav, s-san k-a g-galing?"

"Nag usap lang po kami ni doc hans, how are you feeling? Wala bang masakit sayo?" Tanong ko at inayos ko ang kanyang buhok.

She have a long hair umabot na iyon sa kanyang bewang.

"K-kav w-why I don't r-re-member my name and more?"

"You lost your memories baby and that's normal dahil sa accidente na nangyari sayo" I hug her so tight " don't think too much okey? Hindi makakabuti sayo " kaagad naman siyang tumango. 

Nanatili siyang nakayakap sakin hanggang sa maramdaman ko ang mabigat niyang paghinga. At ng tingnan ko siya ay nakatulog na ito sa dibdib ko.

Nang maihiga ko siya sa kama ay kaagad Kong tinawagan ko si lolo na agad naman nitong sinagot.

[Kavin]

"Lo, I have something to tell you "

[About?]

"About nica lo, I found her at kasama ko siya ngayon"

[Calm down and keep it a secret for now]

Nagulat ako na hindi man lang siya nagulat sa Sinabi ko.

"Lo, what really happened?"

[Let's talk Pag uwi mo, for now please take care of danica at iuwi mo siya sa bahay mo dito mas safe siya doon]

"Bukas ko pa siya maiuuwi lo "

[Okey Kav]

Nang mawala si lolo sa Linya ay napasandal ako sa pader, hindi ko Alam Kong ano ang Alam ni lolo na hindi ko Alam. Punong puno ng tanong ang isipan ko Pero pilit Kong kinakalma ang sarili ko para Kay Danica.

Huminga ako ng malalim bago ako bumalik sa loob at kinausap ko si Alice.

"Mamayang gabi sa condo ko muna ikaw matulog, ako ng bahala dito -"

"Dito na lang ako boss ayuko sa condo mo at may extra akong damit dito "

"Pero Alice dika makakatulog ng Maayos dito "

"That's okey, sa byahe na lang ako babawi bukas "

"Bahala ka "

Nilapitan ko si nica na mahimbing na natutulog. Hinawakan ko ang Kamay niya at hinalikan iyon.

"My heart telling me that your alive at pinanghawakan ko yon, thank you for coming back to my life babe"  I kissed her hand again and again.

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog hanggang sa dalawin ako ng Antok.

************

Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa nakabukas na bintana ng kwarto ko.

Napabangon ako at nasapo ko ang ulo ko ng kumirot iyon ng matindi. Shit!!

Akmang bababa ako ng kama ng meron akong Maalala. Bakit ako nandito? Nasa hospital lang ako kanina ah?

What the hell is happening?

Is just a dream? Panaginip ba yon? Si Danica she's alive.

Patakbo akong lumabas ng kwarto ko at nanlumo ako ng sumalubong sakin ang malungkot kung bahay.

Panaginip na naman ba? Panaginip na naman.

"Sir kavin"

"Ate Lea? Si Danica po? Nakita mo siya ?"

"Ha? Sir naman Alam niyo namang wala -"

"Stop don't say that again " bulyaw ko bago ko siya tinalikuran at pumasok ako sa kwarto.

Napaupo ako sa gilid ng kama, napasabunot ako sa sarili Kong buhok.

Is just a fucking dream!!!

Akala ko totoo na akala ko totoong nandito siya akala ko totoong mayayakap at makikita ko na siya katulad ng dati!.

Bumalik ang matinding sakit at kirot sa dibdib ko dahil sa pangyayari. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa mapagod ako.

Tangina akala ko magiging masaya na ulit ako. Paasa kang panaginip ka!!


 My Own True Love (COMPLETE)Where stories live. Discover now