Chapter 3
Napadilat ako ng tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Mabilis Kong tinakpan ang mukha ko ng kumot ng marinig ko ang boses ni lolo.
"Apo,wala ka bang balak bumangon? Iniwan kana ng mama at papa mo"
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa Sinabi niya.
"Iniwan nila ako?"
"Oo, Maaga Silang umalis dahil meron Silang pupuntahan. Eh ayaw mo daw magising kanina kaya ayon iniwan kana "
"Ayaw ko pang bumalik ng manila lolo" muli akong nahiga.
"Dahil Kay kavin kaya ayaw mo ng bumalik don? Dati naman ayaw mo dito e "
"Lo, sino bang may Sabi na ayaw ko dito ang ganda dito e "
"Wala namang problema sakin kung ayaw mo ng bumalik ng Maynila apo, mas magiging masaya ako kung dito ka mamamalagi. Pero kailangan mong tapusin ang Pag aaral mo isang taon na lang din yon"
"Hays, sino maghahatid sakin lo?"
"Si kavin, andiyan na siya sa baba "
"Si kav?"
"Oo. May meeting siya bukas kaya don muna siya sa condo niya" naglakad ito patungong Pinto " bumangon kana at bumaba para makakain kana "
"Opo "
Nang makaalis si lolo ay bumangon na ako sa kama at inayos ang kama ko bago ako pumasok sa banyo para maligo.
Matapos maligo ay inayos ko ang mga gamit ko na kailangan Kong dalhin at saka ako lumabas ng kwarto at bumaba.
Nakita ko si kavin na nakatingin sa family pictures namin na nasa sala. At sa family pictures na yon ay kasama siya dahil last year lang iyon kinuhanan.
"Kav " tawag ko sa kanya at kaagad naman siyang lumingon sakin.
"Hi babe, ready kana?" Kinuha Niya ang mga gamit ko. "Kain ka muna bago tayo umalis "
"Wag na babaon na lang ako, wait lang papaalam ako Kay lolo " tumakbo ako papunta sa opisina ni lolo dito sa villa.
"Lo? Lo alis na po kami "
"Kailan ka babalik?" Tanong Niya at inikot ang swivel chair.
"Kapag di masyadong busy sa school po, don't worry I will visit you kapag di ako busy " niyakap ko siya.
"Okey, nandon naman ako next week " hinaplos Niya ang buhok ko " sige na, mag iingat kayo ni kavin "
"Yes lo, I love you "
"I love you apo ko " muli ko siyang niyakap bago ako lumabas ng opisina niya. " Kavin mag iingat kayo "
"Yes lo, I'll be back tomorrow afternoon po" tumango naman si lolo bago muling bumalik sa Silid.
Sumakay na kami ni kavin sa kotse at nag simula ng bumyahe. Pareho kaming tahimik ni kavin sa loob.
"Babe, inaantok ka?" Tanong niya.
"Opo, pwedeng matulog?"
"Oo naman, here" inabot Niya sakin ang unan at kumot at bahagya niyang pinababa ang upuan para makahiga ako. "Sleep well okey? Gisingin na lang kita kapag nandon na tayo "
"Okey, thank you "
***
Hindi naman ako nakatulog ng matagal dahil Nakaramdam ako ng gutom kaya nagising din ako agad.
Kinain ko ang dala Kong pagkain at paminsan minsan ay sinusubuan ko si kavin na seryusong nagmamaneho.
"Babe kailan ang start ng class mo?" Tanong nito matapos uminom sa hawak Kong tumbler.
