SCDahan dahan kong inilapag ang hawak kong bulaklak sa ibabaw ng lapida.
"Hi Cass, sorry ngayon lang ako nakadalaw ulit " sinindihan ko ang kandilang dala ko at inilagay iyon sa lagayan.
Saglit akong nag dasal nag pasalamat sa kanya at tumambay ako ng kaunting oras sa harap ng kanyang lapida bago ako umuwi.
Nang makarating ako sa bahay ay agad Kong nakita si kai na kumukuha ng soft drinks sa ref.
"Kai baby it's too early for that" Kumamot siya sa ulo bago binalik ang hawak at pinalitan iyon ng fresh milk.
"San ka galing mom? Hinahanap ka ni dad kanina " tanong Niya at niyakap ako.
"May pinuntahan lang ako, where's your dad?"
"Sa gym"
"What do you want for breakfast?"
"Anything mom, punta ako Kay dad samahan ko siya mag gym" tumango ako kaya naman tumakbo siya pabalik sa taas.
Napailing na Lamang ako habang sinusundan ko ng tingin ang nag iisa Kong anak na lalaki. Kai is really looks like kavin halos magkaugali din silang dalawa at para silang pinagbiyak na bunga.
Nag simula akong mag Luto ng agahan namin, Ganito ako kapag weekend ako ang nag luluto ng agahan at hapunan namin.
Abala ako sa pag aayos ng mga pagkain ng biglang may yumakap sakin at agad ako nitong hinalikan sa leeg.
"Hi babe, good morning"
"Morning, gising na ba mga anak mo?"
"Si kai pa lang ang nakikita ko, happy anniversary my love. I love you " he give me a bouquet of roses before he kiss me on my lips " mahal na mahal kita "
" Mahal din po kita ,happy anniversary babe "
Today is our anniversary Pero hindi kami mag paparty this time dahil napagkasunduan naming pumunta ng japan sa bakasyon ng mga bata.
"Kain tayo sa labas mamayang dinner? Nag pa reserved na ako sa isang restaurant"
"Yes po "
Nanatiling nakayakap sakin si kavin ng biglang may sumingit sa gitna namin at napangiti ako ng makita si ahmee. Antok pa itong nagpabuhat sa kanyang ama.
"Daddy I'm sleepy po " ungot nito kaya hinaplos ni kavin ang buhok nito.
"Do you want to sleep more?" Tumango lang ito at pumikit. " Okey, tulog ka ulit baby "
Ang laki laki na ni ahmee Pero kayang kaya siyang buhatin ni kavin na parang sanggol.
"Good morning dad and mom " humalik sa pisngi naming mag asawa si emerald at stelle .
"Sige na kumain na kayo" Saad ko sa Kanila bago ko nilapitan si kavin na buhat pa din ang bunso namin.
"Tulog ba yan babe?"
"Check mo " tiningnan ko ang mukha nito at napangiti ako ng makitang natutulog na nga ito ulit.
"Akyat ko ulit sa kwarto"
"Dito mo na lang sa sala babe, magigising din yan kapag iniwan mo sa kwarto " tumango naman siya at nag lakad papunta sa may sala namin at inilapag doon si ahmee Pero hindi bumitaw ang anak namin kaya ang muli itong binuhat ni kavin at naupo na lang ito sa sofa.
"Mauna na Kayong kumain babe, sabay na lang kami nitong baby na to mamaya "
Napabuntong hininga na lang ako bago tumango at muling Bumalik sa dining area.
