Chapter 11
Kavin's POV
It's been two years mula ng mawala ang taong nagbibigay buhay sakin. But I'm still here always waiting for her.
Nakatingin ako ngayon sa lugar Kong saan nag tapos ang buhay ni danica, sa lugar Kong saan halos araw araw Kong pinupuntahan nagbabakasakaling muli ko siyang makita.
Tuwing nandito ako sa lugar na ito bumabalik sakin ang araw na nakarating sakin ang balita tungkol sa pagsabog ng sinasakyan ni danica, halos mamatay ako ng makita ko ang umuusok na kotse na lasog lasog na habang nasa ibaba ng masukal na bangin.
[The day ng umalis si nica.]
"Hoy kanina kapa tulala diyan anong meron?" Pangungulit ni Dex sakin habang nandito kami sa opisina ko.
"Alam mo Kav kung ayaw mo talagang mawala si Nica sa paningin mo bat di mo sundan?"
"Gago, baka naman isipin nun wala akong tiwala sa kanya. I'm just worried and I don't know why? Alam mo yong pakiramdam na kabado ka marinig mo lang ang pangalan Niya. It's wierd"
"Makapag Alala ka naman kala mo naman pupuntang gyera jowa mo - ay pota"
Napatingin ako sa kanya ng malakas na bumagsak ang isang picture frame na nasa ibabaw ng piano. Mabilis ko yong nilapitan at agad akong kinabahan ng makitang picture iyon ni Nica nung graduation Niya. Basag basag ang salamin ang frame.
"Fuck!"
"Sorry dude diko naman sinasadya e " agad niyang nilinis ang mga bubog.
Hindi ko maipaliwanag ang kabang bumalot sa buong pagkatao ko habang nakatingin ako sa picture na wala ng salamin.
I tried to call her Pero hindi ko siya ma contact, pranning na kung pranning Pero hindi ko gusto ang nararamdaman ko.
Kaagad Kong kinuha ang susi ng kotse ko at nag mamadali akong lumabas.
"Hoy teka Sama ako sandali " rinig Kong sigaw ni Dex Pero hindi ko siya pinansin at pumasok na ako ng sasakyan at binuhay iyon at kaagad Kong pinaharurot.
Paulit ulit ko pa ring tinatawagan ang kanyang cellphone Pero cannot be reached na talaga.
"Shit!" Inis Kong hinagis ang cellphone ko at kaagad naman iyong sinalo ni Dex.
"Tangina naman nito nanggugulat e "
Dumiritso ako sa bahay ni lolo at nang dumating ako doon ay may kausap siya sa telephono at nanghina ako ng marinig ko ang Sinabi ni lolo.
"Yes that's Danica's car "
"Lo? What happened? "
"Nasaan ang kotse mo? Come with me" sumunod ako sa kanya. At nagulat ako ng siya na ang naupo sa driver seat. " Get inside kavin " ..
Para akong sinasakal sa subrang kaba habang sakay ng kotse hanggang sa makarating kami sa lugar kung maraming tao ang nakatingin sa gilid ng kalsada. At sa ibaba ng nuon ay isang umuusok pang kotse. Mula sa baba ay kitang kita ko ang plate number ng sasakyan kaya nawalan ako ng lakas ay napaluhod ako.
"Kav"
"Si Nica? Nasaan si nica?!"
"Sir, sigurado ho ba Kayong apo niyo ang sakay ng kotse na yan? Na check na namin ang buong paligid Pati ang loob ng sasakyan Pero wala Kaming nakitang bakas ng tao bukod sa mga gamit sa loob ng sasakyan " Sabi ng isang police at inabot Kay lolo ang hawak na plastic.
Laman ng plastic ang handbag ni nica Pati na rin ang cellphone at Iba pang gamit.
"Kung wala diyan ang apo ko nasaan siya?"
"Sa ngayon hindi pa namin masabi-" natigil ito pagsasalita ng may biglang sumigaw sa kung saan kaya napatingin din siya doon.
"Sir may isa pang sasakyan na nahulog sa bangin Pero medyo malayo dito "
Kaagad na kumilos ang mga police pati si lolo at mabilis akong hinila ni Dex sa sasakyan at siya na mismo ang nag maneho patungo sa lugar na sinasabi ng mga police kanina.
Nang makarating kami doon ay agad akong bumaba. Sa isang malalim at masukal na bangin ko nakita ang isang sasakyan na bahagya pang umuusok. Sa subrang pagkalasog lasog nito ay halos Dina makita ang ibang parts ng sasakyan at halos abo na ang Kalahati nito.
"Nica!" Malakas Kong sigaw at sinubukan Kong bumaba Pero pinigilan ako ni Dex at ng ibang police " let me go!"
"Pasinsya na sir Pero delikado " patuloy ako sa Pag pumiglas hanggang sa makita ko ang dalawang lalaking may inaabot na black bag mula sa ibaba. Hindi ko Sana iyon papansinin Pero may nahagip ang mata ko.
"Sandali" agad naman Silang huminto.
Dahan dahan Kong nilapitan ang bagay na nakita ko at gumuho ang mundo ko ng makitang necklace iyon ni nica. Necklace na suot suot niya bago siya umalis. Ang necklace na bigay ko sa kanya.
"No !" Wala sa sariling umiling ako " hindi to totoo " umiiling na napatingin ako sa laman ng black bag isa iyong tao na sa subrang sunog ay hindi mo na makilala.
"Babeeeeee! Nandito na ako nasaan ka? Please magpakita ka na babe!" Sigaw ako ng sigaw habang bumababa ako ng bangin. Walang nakapigil sakin kahit si lolo at ang mga police.
Nakarating ako sa baba kulang na lang itaob ko ang sasakyan Pero wala na akong ibang makita bukod sa isang pares ng sapatos. Sapatos na Pag aari ni Nica.
Patuloy akong nag hanap hanggang sa abutin ako ng Gabi. Gusto Kong lusungin ang malawak na ilog sa ibaba ng bangin Pero hindi ko nagawa dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Napaluhod ako sa damuhan habang bumabagsak sakin ang malalakinh butil ng ulan. Nakikisabay sa sakit na nararamdaman ko.
"I'm sorry babe, I'm sorry " patuloy ako sa pag hagulhol.
Ilang araw matapos ang nangyari ay lumabas na ang result ng DNA test na pinagawa ni lolo at ng magulang ni Nica. At ang resulta ng DNA na yon ay ang tuluyang nagpaguho sa mundo ko. It's positive.
Back to present day.
"Kavin "
Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at agad ko siyang binigyan ng maliit na ngiti.
"Ma"
"Kav it's been two years mula ng mawala si nica and your still here? Are you waiting something?"
"I don't know ma, hindi ko kayang tanggapin na wala na si Nica. I can't live without her ma. It's been two years Pero hindi ko Alam Kong saan ako mag uumpisa kung paano ako babangon ulit kung paano ko haharapin ang bukas na hindi ko siya kasama " tuluyan ng kumawala ang Luha sa mga mata ko.
"I'm still hoping na Mali yong results ma, I'm still hoping na buhay pa siya and I'm still hoping na one day makikita ko siya ulit"
"I understand you Kav, kasi ganun din kami ng papa mo at ng lolo mo we are all hoping "
"I'm sorry po kung hanggang ngayon hindi ko magawang puntahan ang puntod Niya, hindi ko po kasi kaya "
"That's okey, naiintindihan namin "
Mula ng mawala si Nica para akong buhay na Patay babangon para mag trabaho at sa gabi ay nakakatulog ako dahil sa pag iyak.
Araw araw akong umuuwi sa bahay ko at sinasalubong ako ng matinding lungkot at pangungulila. Bawat sulok ng bahay ko ay may Alaala Niya. Bawat lugar na puntahan ko nandon ang Alaala Niya Alaala naming dalawa.
I'm sorry love, I'm sorry kung hanggang ngayon hindi ko matanggap na wala kana. And I'm sorry kung wala akong balak na tanggapin yon.