XI-Wish Upon a Star

5.3K 168 106
                                        

David POV

I was extremely worried when I received Maggie's text that she wanted to take a nap. I thought maybe she is still not okay and she only forced herself to report to office pretending she is in a better shape, but in reality, she is not. I wish I could wish upon a star now so she'll be strong and healthy and happy just like the first time when we met. She was full of enthusiasm and her smile is just breathtaking. Alam ko, it was not a good meeting at first dahil nag-away pa kami, pero after our lunch, mas naging panatag ang loob ko sa kanya.

Last night, I did plan on coming early so I could welcome her and give her orientation of the whereabouts of our English Center but I had to attend to a client that there was a need to set aside my longing of seeing her. I know this is not right but I can't help it. Hayaan ko na muna na ang nararamdaman ko, total hindi naman sila ni Brian di ba? So technically, kung mag worry naman ako kay Maggie, wala namang masama? Wala namang makaaalam. Ako lang at ang puso ko.

Kahapon, nung magkakasama kami, gusto ko sana ako yung kasabay niyang maglakad, alalayan siya at bilhan din siya ng icecream, kaso ang sakit lang na sa tuwing titingnan ko siya, nakikita ko siyang nakatingin kay Brian. Parang sinasaksak ang puso ko. Alam kong wala naman akong karapatang maramdaman yun pero ewan ba. Siguro, may past talaga sila ng kaibigan ko. Anong laban ko dun di ba? Kami ngayon lang magkakilala. Wala pa ngang isang buwan. Ano ba naman kasi tong feeling na to? Nakakaasar.

I decided to just focus my attention to Zen Choi. After all, she is a fellow Korean and it's just right to help her. Nakakatuwa nga na ang pagtulong namin ni Maggie sa kanya eh ang magiging dahilan para makaclose ako ng isang malaking deal. Blessing talaga. Nakakatuwa. Every day is a miracle. God's love never fails.

Zen works for a school in Korea and she said that she is here in the Philippines to look for possible partner to teach Koreans Conversational English. Mabuti nga raw at naligaw siya at nakilala niya si Maggie and the rest is history. We signed our contract this morning and in a month's time, students will be coming. Marami kaming gagawin ni Maggie. Baka mapagod siya. I will help her naman. Dalawa naman kaming magtratrabaho. Maraming pagkakataong makilala naming ang isa't isa.

I had to type, edit, and erase my reply before I finally decided that the best thing to do is to call her. I was anxious on what to tell her but I have to risk, yes risk, so I could hear her voice.

I dialled her number and was surprised with her answer.

"Good morning sir. Di na po pala ako inaantok. Hihintayin ko na lang po kayo sir. Sorry po Talaga.iinom na lang po ko Ng tatlong tasang coffee so that I will not be sleepy anymore."--- sunud-sunod na sabi niya.

Di ko napiligan ang sariling kong matawa. Paano ba naman, para siyang batang nag-eexplain kanina. Di naman ako terror na boss ah. Bakit siya takot na takot?

Mas lalo akong nagulat nang tanungin ko siya kung anong gusto niyang lunch. Wala naman talaga akong planong dalhan siya ng pagkain kasi my plan was to ask her out pero okay na rin siguro kung sa center na lang kami kakain para marami kaming matapos na trabaho at di na rin siya mapagod.

"Maggie, are you still there?"---- tanong ko ulit. Paano, medyo ang tagal niyang sumagot.

"Sir David, I'm actually good. But if you will be able to buy Yellowcab pizza, it would be great!"--- Nakakatuwa lang na pareho kami ng choice of food. Well, bukod sa Korean food, mahilig din talaga ako sa Pizza and mas magugustuhan ko yata ngayon ang pizza kasi kasama ko siyang kakain.

"Is that all that you want?"--- tanong ko ulit sa kanya. Para lang humaba ang usapan namin.

"Ahm... Yes.." --- napakaikli ng sagot niya. Di sapat para marinig ko nang matagalan ang cute niyang boses. Matinis na masaya. Nakakapagpagaan ng pakiramdam.

"Alright. What about dessert?"---tanong ko ulit. Wala na kasi akong maisip na tanong.

"Buko pie or sundae."---mabilis niyang sagot. Siguro gutom na rin talaga siya.

"Alright. Will be there in an hour."---Pero kung kakayanin kong less than an hour, gagawin ko.

"Okay, I'll see you later then sir. Bye."

"Ahm... Maggie..."--- Actually, di ko talaga alam kung bakit ko pa pilit pinapatagal ang usapan naming, eh wala na naman talaga na akong sasabihin pa.

"Sir?!"

-

-

-

"Sleep well."--- Di ba gusto niyang matulog? Gusto niyang mag take a nap? Kaya nasabi kong sleep well. Just the thought of her sleeping so peacefully made me smile. Siguro mukha siyang anghel di ba?

"Ahm.. Sir."-Akala ko binaba na niya ang phone. Pero di naman pala. Bakit kaya? Baka gusto niya rin akong makausap? Ewan.

"Yes?"

-

-

-

-

"Take care."--- Take care? Di nga? Galing yun kay Maggie? Take care? Sasagot pa sana ako ng You too nang marinig kong ibinaba na niya ang phone.

Pinilit kong pigilan ang pagtalon ng puso ko. Take care lang naman ang sinabi niya. Wala namang big deal dun pero ewan ba. Para akong teenager. Tuwang tuwa ako.

Malapit na ako sa parking ng Yellow Cab nang nagring ang phone ko. Marahil nagugutom na si Maggie o kaya naiinip. That was like 10 minutes ago ah. O baka naman may problema sa English Center. Kailangan kong bilisan ang pag-order at lumipad papuntang center.

Di ko na tiningnan pa kung sino ang tumatawag at agad tong sinagot.

"Maggie, I'm okay. Traffic lang. Im on my way. I think I have cookies in my drawer. You can take that first. Sorry di ko agad nasabi kanina. It slipped my mind."

-

-

-

-

"Pare. This is Brian and Maggie is still peacefully sleeping. Please give us time to talk. Kung okay lang. Thank you pare. I owe you a lot."

Seryoso? Si Brian? Nasa English Center? Si Maggie natutulog? Si Brian at Maggie mag-uusap? Pero bakit? Paano na ko?

-------------------------------------------

Read Hello There David any time, anywhere! Order your printed copy via https://www.materica.store/collections/new-releases/products/hello-there-david

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon