III-Daydreaming

14.4K 344 124
                                        

Maggie POV

"Kam sam hamnida."

Kung tatanungin niyo ko kung ano na namang pinagsasabi ko, well, nagpapasalamat lang ako sa Koreanong kaharap ko, dahil matapos ang medyo di namin magandang pagkakakilala, eh heto ako ngayon kumakaing kasama niya sa isang Korean Restaurant. Biglaan lang naman ang nangyari. Paano pareho naming napagtantong pareho kaming mali. Ako, nagpadala sa emosyon ko, nang-away ako, at siya, oh well, yung kapatid niya na talagang may-ari ng center eh bigla na lang nagbago ang isip na di na ituloy ang business dito sa Pilipinas dahil sa mga nangyayaring kaguluhan sa bansa eh wala naman siyang alam run. Ang sabi nga niya, kakarating lang din niya sa Pilipinas at dahil sa wala siyang lugar para mag-stay, dun muna siya sa center.

"So is it a deal? Since you need a job and I need to get away from my parents, you will help me with my business here in the Philippines so I could tell them that Im doing good here I cant go back to Korea."

Gustong takasan nitong si Mr. Kang ang arranged marriage sa isang kapwa Koreana kaya lumipad siya dito sa Pilpinas.

"What do I have to do then?"

"We will push through with our English Center. I'll tell my brother that I will be the CEO. I'll do anything. But.. "

"But what?" Medyo kinakabahan ako sa gustong sabihin nito si Mr. Kang? Paano kung sasabihin niyang magpapanggap kaming couple? Paano yun? bata pa ko. Di pa ko handa at ayoko talaga.

"Is it okay if I'll just give you for the mean time, allowance? I cant give you yet a decent pay since we are just starting. We needo to get students first, clients who will trust us. But promise, once we make it big, it will benefit the both of us."

Magiging choosy pa ba ako? Palagay ko seryoso naman siya sa sinasabi niya dahil kahit na singkit ang mga mata niya, may something na di ko maipaliwanag. Hahaahaha. Natawa ako sa sarili ko, ano naman tong iniisip ko?

"Sige. I mean, okay. I am okay with that."

"Salamat. Maraming maraming salamat."

Napaatras ako ng bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay na nakapatong sa mesa namin. Nagulat ako sa ginawa niya. Aba, dalagang Pilipina to no. Kaya nagulat ako. Di ako handa.

"Ahmmm .Patawad. Natuwa lang ako."

-

-

-

-

-

Teka, bakit di ako makapagsalita. bakit? Limang segundo.. Oo. Na freeze na yata ako. Oaoaoaooa. Ano tong feeling na to?

"Maggie?!"

"Natutuwa lang ako, ang galing mong magtagalog. Ang galing ng kaibigan mo. Naturuan ka talaga niyang magtagalog. Gusto ko siyang makilala balang araw." ----Pag-iiba ko ng usapan namin. Sana di niya mahalata na ang gulo ng isip ko ngayon. Kung anu-ano ang naiisip ko. Ahahahha. Pagtatawanan ko na lang ang sarili ko. Tama. Yun na nga and I need to stop my daydreaming this fast.

***

Di mo alam dahil sa 'yo
Ako'y 'di makakain
'Di rin makatulog
Buhat ng iyong lokohin
Kung ako'y muling iibig
Sana'y 'di maging katulad mo
Tulad mo na may pusong bato

Seryoso siya? Pusong bato talaga ang ring tone niya. Ayos. Kakaiba tong Koreanong to. Again, I am not a fan of Korean dramas, pero itong isang to, may kakaiba sa kanya.

"Im sorry. We have to go."

-

-

-

-

-

Okay. Limang segundo ulit bago ako nabalik sa realidad. Eh ang ganda ng ngiti niya, yung apologetic face na hanggang tenga yung smile. Yung ganun. Ang hirap i-explain.

"My friend is in the airport. I have to pick him up. You can go with me, I'll bring you home first or you can stay so you can eat everything. "

-

-

-

-

-

Huwag niyo po akong pagalitan please. Napakasweet lang kasi niya eh. See? Kahit na mukhang nagmamadali siya, eh tinanong niya pa kung anong gusto ko? Di ba? Nakataba yun ng puso? yung feeling na you are important. Bigla ko tuloy naalala ang mga magulang ko. Dahil sa nag-iisa nila akong anak, kahit na wala kaming kaya sa buhay, para akong prinsesa. Punung-puno kami ng pagmamahal, ng pag-aaruga, pero yun nga, sa isang iglap, nawala ang lahat. Lahat naman yun ang ending eh, lahat tayo lilisanin ang mundong ito, pero sana di yung ganoon kaaga gaya ng sa mga magulang ko.

"I guess, you are staying. Please enjoy your meal. I specially like this Black noodles. We call this Jajangmyeon. I can buy you another order before I leave."

"No need. I am good. You can leave me here and again, Kam sam hamnida."

Sa wakas, nakasagot ako agad. Di ako natulala, Di ako naghintay ng limang segundo.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng pintuan ng restaurant at saka ako ulit kumain. Anong nangyayari sa akin? Di ko rin alam. Pero salamat sa Diyos dahil di Niya ako pinabayaan. May TRABAHO na ako at mamahalin ko ang trabaho kong to!



********

Read Hello There David any time, anywhere! Order your printed copy via https://www.materica.store/collections/new-releases/products/hello-there-david

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon