XXXIII- Dancing in the Rain

3.1K 108 38
                                    


David POV

"So you are the manager? Dont you know how long I've waited to see you? And here's your personnel getting so strict?!"

I was shocked when I saw the customer. She's wearing a knee-length purple skirt with white Blouse with words saying "HUG ME."

And in an instant, para akong batang nakakita ng teddy bear na tumakbo at niyakap siya sa harap ng iba pang mga customers at ng mga empleyado ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Five years.

Five long years.

"Why didn't you tell me?"

"I wanna surprise you oppa."

"I miss you so much mahal. Di mo alam kung gaano mo ko napasaya." Napakaganda ni Maggie. Mas lalo na siyang dalagang tingnan ngayon hindi gaya noong 19 years old pa lang siya. Nawala na rin ang mga baby fats niya at medyo may pagka model na ang kanyang katawan.  Pakiramdam ko medyo mas nagdevelop ang kanyang... Erase that. Ano ba tong iniisip ko.

Nakikita ko ang mga pictures ni Maggie sa Facebook sa Dubai pero iba pa rin kapag nakita mo na ulit sa personal ang taong mahal mo. Mas maganda at mas lovable sa personal. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko. Kanina lang iniisip ko siya, tapos ngayon, kayakap ko na siya.

"People are staring oppa."

"I know. Eh na- miss talaga kita eh. Five years ba naman."

"Ako rin Pastor David Kang." ---Idiniin ni Maggie ang pagkakatawag sa akin na Pastor.

Natawa ako sa sinabi ni Maggie. Oo. Im a pastor and I should act one. I should set an example. Unti-unti kong tinanggal ang pagkakayakap ko kay Maggie at inayos ang polo ko.

Kapwa kami natawa ni Maggie at gaya noon, ginulo ko ang buhok niya na parang siyang bata.

Yeah. That smile of hers, that smile is taking my breath away.

***

Maggie POV

"I told you to go straight to my unit pero mapilit ka. Di ka pa tuloy nakakapag pahinga. Ayaw mo ba talagang matulog? May blanket ako diyan saka pillow sa cabinet. You take a rest please."

Wala talagang pinagbago tong si David. Hanggang ngayon, para ko pa ring tatay kung umarte. Ang daming sermon.  Inisin ko kaya to.

"Akala ko ba na miss ko mo? Eh bakit ang dami mong satsat. Ayaw mo yata ako dito eh."

"Not that I don't want you here. I want you to rest kasi."

Tumayo ako sa chair na katapat ng desk ni David at kunwari nag maktol.

"Kung ayaw mo ko dito, then I will leave."

Umalis ako at iniwan si David na mag-isa sa office niya.

"Maggie, umuulan. Maggie come back!"

Nagdirediretso ako ng lakad at kunwari di ko siya narinig. I just wanna test him if he will run after me. Na-miss ko kasi yung ganitong feeling eh. Yung kasama siya at kinukulit siya ng personal. Wala na rin naman yung mga empleyado kaya okay lang sigurong mag-inarte ako di ba?

Bubuksan ko na ang pinto ng cafe para lumabas nang bigla akong hatakin ni David at yakapin ng mahigpit.

"Dont dare you leave me Maggie. Dont dare."

He was gasping and his breath is just... I don't know. Iba yung feeling. It sends shiver to my skin.

"I wont leave you oppa."

"Uuwi na rin tayo. Magpapatila lang tayo ng ulan."

"Ayoko nga."

"Huh?"

"Let's dance in the rain!"

Hinatak ko si David palabas ng cafe, wala siyang nagawa kung di ang sumunod sa akin. Kapwa kami nagpakabasa sa ulan. I miss my David so much. I miss him.

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon