I-Dream Job

55.7K 720 501
                                    

(Maggie Pov)

"Annyeonghaseyo... This means hello or good morning, got it Maggie!?"----- explains her bestfriend.

"Maggie."

"Maggie."

"MAAAAAGGIEEEEEE to earth. Hello! Are you still with me!?

Nabasag ang eardrums ko sa sobrang lakas ng sigaw ni Lucy, ang kinakapatid ko slash best friend na rin. Dahil nga sa mahilig si Lucy sa Korean dramas, mas excited pa siya sa akin sa bago kong work. Dream job nya raw ang makapunta sa Korea kaya naman nang malaman niyang I'll be working in an English Center, halos maglulundag siya sa tuwa, at ako naman, heto, nagmamaktol---masakit ang puso, nagdaramdam sa sitwasyong meron ako.

I'm Maggie, I just turned 19 and I don't know what to do with my life. At 19, I have to find a job to sustain me, to make it through life. Dad passed away when I was 10, my mom left me a week ago, with no resources left, I have to do something so just to finish college.

I don't blame God but I feel bad. Bakit ako pa? Bakit ngayon pa?! Malapit ko ng matupad ang pangarap ko para kay mama nang mamatay siya, at heto ako ngayon, trying to make ends meet Pero di ko alam kung saan magsisimula.

"Kakausapin mo ba ko o ibabato ko tong si Pikachu?" ----si Lucy ulit at medyo napipikon na.

Si Pikachu, ibabato ni best? Naku di ako papayag, Kahit na stuffed toy yun at di mababasag, ayokong marurumihan si Pikachu Dahil sa.... Dahil sa.... Ahmmmm... Dahil sa gusto ko Ang Pokemon... Oo yun Lang yun... Walang kinalaman si Pikachu sa first love ko. Wala Talaga. Promise.

"Ano, titigan mo na Lang talaga ako?! Di ka magsasalita!?"

Alam ko galit na si best... Kitang kita ko nang umuusok ang ilong niya, sa sobrang init eh pwede ng mag fry ng egg. Nag peace sign ako at nag smile para humupa ang galit niya. Buti na lang alam ko kiliti ng best ko at tumakbo siya sa akin para yakapin ako.

"Best I know this is hard for you. But you have to hold on. Mas malulungkot sina Tita at Tito if they would see you like this. Di ba? You have to do this. Alam ko namang ayaw mo Ng korean drama pero you need this, para maging okay Ang work mo. At Isa pa, aminin mo, crush mo si Lee Jong-suk, kahit patpatin yun kapag nag smile, busog ka na. Kaya, sige na. Ituloy na natin to please."

Tuluyan na akong napatawa ni best sa sinabi niya. Oo nga naman. Isa pa, magaling ding umarte yung artistang yun. Bagay na bagay siya sa mga roles niya at nakakakilig talaga... Pero syempre wala pa ring tatalo kay... kay... Naku, erase, erase, kung sinu-sino na naman ang iniisip ko. Di ko na siya dapat isipin pa. Kung nasaan man siya ngayon... Sana lang...

"Ano naman Ang iniisip mo best?!"

Ayokong malaman ni best na iniisip ko yung taong yun...

"Naisip ko Lang best, ikaw na lang kaya ang mag work dun? Total naman mas excited ka pa s a akin. Tapos Malay mo, dun mo na makilala Ang true love mo."

"True love? Patawa ka. Isa Lang kaya Ang one and only true love ko. At nabasa ko sa status niya na uuwi na siya Ng Pinas."

Hindi to maaari. Uuwi na siya. Uuwi siya ng Pilipinas. Anong gagawin ko?

"Best...." ------parang naiiyak na di mapakali ang boses ni Lucy

"Huh!?"

"Ano kayang una kong sasabihin sa kanya?"

"Ahm.... Ewan ko.... Hi---- Hindi ko alam. Siguro... Ahmm,... "

"Tama! Alam ko na best! I'll bring him sa National Museum."

"National Museum?!"

"Oo. Kasi ang tanda ko, sabi niya noon sa akin, enjoy daw siya sa mga artifacts. Dahil daw parang nabuhay na rin siya noong unang panahon."

"Ahh. I see."

Yun Lang ang nasabi ko. Di ko na talaga naiintindihan pa ang sinasabi ni best eh. Dahil nagsisikip ang dibdib ko. Kahit na Anong gawin kong pigil, di ko mapigilang umiyak ang puso ko. Pakiramdam ko, unti-unti tong nadudurog.

"Sorry best. Na excite Lang ako. Let's continue our lesson."

Mabuti na lang naalala ni best na tinuturuan niya ako. Palagay ko di na naman niya ko mahahalata. Huminga ako Ng malalim ng di ko namamalayan.

"Best, mahirap talagang ipronounce ang korean, Pero magagawa mo naman to best. Matalino ka naman eh."

Mali ng akala si best. Kailangan ko Lang gawin yun para lumuwag ang paghinga ko. Dahil ang totoo, kahit na kailan, di dapat malaman ni best ang tunay na nararamdaman ko.

"Annyeonghaseyo... This means hello or good morning. Tama best!?-------

Nakita kong nangislap ang mga mata ni best. At long last nakuha ko. Naiintindihan ko. Well, may kirot man sa puso ko, kakayanin ko. Kaya ko to. Sabi nga sa mga drama, ajah, fighting.

"Best.. ahmmm. pwede mo ba kong samahan kapag nakipagkita ako kay Brian?"

Nagulat ako na hindi pa pala tapos ang usapan namin ni Lucy about Brisn. Akala ko magfo-focus na ulit kami sa pag-aaral ng Korean, pero parang ganoon yata talaga ang epekto ni Brian sa buhay namin ni best.

"Best, akala ko ba mag-aaral tayo? Eh bakit parang lumulutang ang isip mo? Kanina lang, excited kang turuan ako. May pa Maggie, Maggie to earth ka pa tapos ngayon tulala ka diyan. Lucy to earth."

"Sorry best. Bigla ko lang ulit kasi naalala yung nangyari noong high school graduation natin. Masama bang sinabi kong mahal ko siya? Naging honest lang naman ako sa feelings ko. Tapos umalis siya at lumipad papuntang Japan nang di nagpapaalam sa akin."

"Baka naman may reason siya. Hayaan na lang natin siya. Wag mo na Lang di yang isipin."

Paano nga ba niya sasabihin na siya ang dahilan kung bakit umalis si Brian? Ang totoo, mahal niya si Brian, at alam niya ring mahal siya ni Brian. Pero she let go of him nang malaman niyang mahal ng bestfriend niya ang dream guy niya. Oh well. Her best is like her sister so ganun Talaga. Kailangang mamili...

It was their graduation day. She was planning to finally give the most awaited YES when she got a text from Lucy. Lucy was more than excited--- she would confess to Brian, she would face her fear and tell Brian how much he meant to her, and being the good bestfriend that she is, she turned down Brian for Lucy's sake and the rest is history.

"Best, umiiyak ka ba?"

Di na pala niya napigilang pumatak ang luha niya na kanina niya pa pilit tinatago kay Lucy. Naalala niya kasi yung mukha ni Brian nang pinagtulakan niya to palayo sa kanya. Masakit pero mas mahalaga sa kanya si Lucy na para na rin niyang kapatid.

"Ewan ko ba Lucy. Parang ang sakit na ng ulo ko. Di ko na yata maiintindihan yung lesson natin."

"Ganoon ba? Ako nga rin, di na makapagconcentrate. Kasi naman naalala ko pa si Brian. Anyway Best, this time, alam ko, di na niya ko i-tu-turn down. Because I will fight for him whatever it takes."

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Read Hello There David any time, anywhere! Order your printed copy via https://www.materica.store/collections/new-releases/products/hello-there-david

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon