XXIV- I Lay My Love on You

3.4K 107 87
                                    

                 

Maggie POV

Four months, yes, it has been four months and counting since I started working as a student assistant in our library dito sa university. Apat na buwan na rin mula nang hiningi ni Brian ang approval ni Lola para ligawan ako. Mahal ko si Brian, ang unang lalaking nagpakilig ng puso ko, pero di ko alam kung bakit hanggang ngayon, di ko pa rin siya sinasagot.


Actually, masaya naman ako noong araw na yun. Pinadama sa akin ni Brian kung gaano ako kaimportante sa kanya. It was him who found a way para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko na hindi ko na kailangan pang mag-ipon. The paper he brought was an approval letter from the head of the scholarship committee. I work in the morning and attend to my class late afternoon hanggang sa maggabi. Medyo mahirap at nakakapagod pero kailangan kong pagbutihan kung gusto kong matupad ang mga pangarap ko.


Best didn't say anything that could hurt me. Kahit na nakita kong namula siya at di nakapagsalita nang lumuhod si Brian sa harap ni Lola at sabihing gusto niya akong makasama sa habambuhay.


Hindi ako sinumbatan ni Lucy. Wala siyang masamang sinabi sa akin. Ang sabi niya lang, at least hindi raw sa ibang babae mapupunta si Brian.  Nakakatuwa lang na mas importante sa kanya ang friendship namin.


Si Sir David, wala lang. Ewan ko ba dun. While everyone was celebrating eh nasa sulok at nagkakalikot ng laptop niya. Kung sa bagay, busy naman talaga si Sir David at sinamahan niya lang ako para i surprise si Lola. He is a very nice person. Sayang nga lang at di ko na siya nakilala pa.


Since that day, wala na kong narinig pa kay Sir David. I had to join Brian sa car niya at si best was with my boss.  I wanted to talk to him, clear things out with him dahil alam kong in a way, may kasalanan ako sa kanya. We were supposed to start the tutorial center together pero iniwan ko siya sa ere dahil sa scholarship ko. I thought of texting him, calling him or even dropping by the center pero nawalan ako ng chance, nawalan ng pagkakataon, naging busy, at yes, naunahan ako ng hiya.


"Ang lalim ng iniisip natin Maggie ah. Wag kang mag-alala, mahal ka nun, kaya ubusin mo na yang lunch mo."


It was Ms. Skylie. One of our senior librarians sa university. Napakaganda niya at nakapafriendly at para ko na siyang mentor, kasama nina Ms. Chell, Ms. Mylene at Ms. Jen. Sila lang yata ang mga librarians na nakilala kong di marunong magsungit. Laging naka smile at puno ng sigla. Nakakaenganyo tuloy ang magtrabaho. Kahit na pagal na ang katawan ko, tuluy-tuloy lang. Kasi you work with people who help you a lot. Ang trabaho, parang laro lang.


"Ms. Skylie talaga. Naisip ko lang po, ang bilis ng panahon. Parang kelan lang po, I just started as a student assistant, next month, tapos na po ang isang sem. Nakatutuwa lang na hindi talaga ako pinabayaan ng Diyos. Three more semesters and I'll have my diploma."


"Oo naman. Di naman talaga Siya nagpapabaya sa atin. We just have to fully trust in Him. Kahit na maraming pagsubok, we will overcome. Just like me. Alam mo, ilang beses din akong nabigo pero I finally got the deal!"


"Deal po?"


"Oo. Pero sikreto lang natin ah."


"Ahmmm.. Opo. Ano po ba yun?"


"I've got the publishing deal!"


"Publishing deal po?"


"Oo."


"You mean Ms. Skylie, ikaw si..."


"Yes. Ako yun. Hindi ba obvious na ako si Skylierreyes?"


"Seryoso po? Ibig sabihin mababasa ko na sina Arvin at Daphne, Kenneth at Mako, Sofia at Steve, Drew at Kathy, and Athena and Gail na printed? Di na lang sa wattpad? Yung maamoy ko na yung pages ng libro?"----Bigla akong naexcite na ang sinusubaybayan ko palang wattpad writer eh kasama ko lang pala sa trabaho. She is so down to earth. Walang ka-ere-ere.


"Reader din pala talaga kita? Kilala mo lahat sila eh."


"Opo. Silent reader po. Medyo nahihiya po kasi ako eh. Kahit nga po si Akane kilala ko. Pampalipas oras po. Saka pampagood vibes."


"Ikaw talaga Maggie. Pero remember, I want you to spend more time reading about your lessons and not just my books."


"Oo naman po Ms. Skylie. Nakakatuwa lang kasi yung mga kwento mo. It speaks of second chances. Na kahit na nagkamali pwede tayong bumangon at magsimulang muli."


"Which is true Maggie. We can always start anew."


"Ms. Skylie, tanong ko lang po, paano po kung may isang tao kayong gustung-gusto mong makausap pero parang walang chance na makausap siya. Ano po ang gagawin niyo?"


"Alam mo Maggie, you don't have to ask me that anymore, ayan na yung hinhintay mo, may dala pang red roses. Sige, iiwan ko na kayo."


I saw Brian in his signature smile, wearing blue polo shirt and faded khaki pants. I know I should be overly kilig but there's something in me that is stopping me from doing so.


"Ready for our date?" -Wala akong klase kapag Friday kaya usually, yun ang araw na we bond.  Lagi kami sa arcade. Naglalaro ng basketball o kaya naman hinahampas naming yung mga isda sa make shift pond. Minsan nasa museum kami kasi mahilig ngang magpaint tong si Brian. Naalala ko tuloy yung isa pang author na binabasa ko, si MjInDisguise. Magaling siyang magsulat at magpaint.


"Medyo masama ang pakiramdam ko Brian, pwede bang next time na lang?"---I just have to tell Brian the truth. Medyo wala talaga ako sa mood na lumabas.


"Sure. Lets drop by Mini Stop then let's go home and read these books?"

"Wow.. Books yan nina SeanzieWatty, VioletIce1302, Anjsmykynze at ni AH_Agustus. You bought all of these? Thank you ha."


"Maliit na bagay para sa babaeng mahal ko."


"Ahm, Brian."


"Yes?"


"Pwede bang ako na lang ang umuwi mag-isa? Kahit for today lang? Kaya ko naman ang sarili ko."


"What? May problema ba Maggie?"


"Brian, I am sorry. I am so sorry."---Di ko na napigilang pumatak ang luha ko. Kahit ako di ko alam kung anong nangyayari sa sarili ko.


"Hush, hush. Ano bang gumugulo sa isip ng mahal ko?"---Niyakap ako ni Brian at hinagod ang likod ko.


"Brian, I am so sorry. I don't want to hurt you anymore. I don't want to take advantage of your kindness... "


"Ano bang sinasabi mo Maggie?"

-

-

-

-

-


"I... I need space."

---------------------

AN

Pak. Space? Ano raw? Ano ang gumugulo sa isip ni Maggie? Matapos bigyan ng books ng mga favorite niyang wattpad authors? Ganoon?

Lesson for today? Kahit na nagkamali pwede tayong bumangon at magsimulang muli. Cheers!

Pasensya kung wala pa si David ah. Heheh. Broken-hearted eh.

Catch my other story, Relentless.  Visit www.lifethoughtsandinspirations.wordpress.com.

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon