XXXV- Saranghae, Mahal Kita

3.8K 109 109
                                        



David POV

"David Kang, oppa, will you marry me?"

Muntik ko nang mabuga yung iniinom kong tea sa sinabi ni Maggie. Mabuti na lang napigilan ko kung hindi sa mukha mismo ni Maggie tatama ang tsaa. We decided kasi not to sit beside each other dahil we are trying to avoid intimacy. Kaya we are sitting opposite each other.

I was just surprised na siya na mismo ang gumawa ng move para mapag-usapan ang tungkol sa kasal at aaminin ko, walang mapaglagyan ng tuwa ang puso ko. Yes we are engaged but I really don't know how to start asking her about the wedding.

Alam ko naman kasing kailangan niya munang magtapos ng pag-aaral bago kami bumuo ng sarili naming pamilya at kung ipapasok ko ang usapan tungkol sa kasal, natatakot ako sa kung anong sasabihin niya. Pero wala naman pala akong dapat ikatakot dahil willing si Maggie na makasal sa akin.

Oh, I cant wait to see her wear her wedding dress. And just thinking about it makes me want to wrap her in my arms and make her feel how much I love her. Pero kailangan kong magpigil at iharap siya sa Diyos ng buong buo. Kahit na hanggang ngayon, dama ko pa rin ang tension na dulot ng mga nangyari kanina. Dama ko pa rin ang lambot ng mga labi niya and the scent of her perfume still lingers.

I just have to resist this temptation. I really have to.

"Hey, what's wrong? Dont you love me anymore?"

Lumipat ng upusan si Maggie at tumabi si akin at dinikit ang noo niya sa braso ko na parang pusa.

"I told you not stay beside me Maggie eh. You are tempting me."

Kunwari kong tinulak palayo si Maggie sa akin pero mas lalo naman siyang nagsumiksik.

"I'm not teasing you. I just wanna stay close."--- Sabi ni Maggie na lalong nagsumiksik sa tabi ko.

Pinilit kong tinago ang kilig na nararamdaman ko para sa babaeng pinkamamahal ko. Naalala ko tuloy itanong sa kanya ang isang bagay na noon pa man ay gusto ko ng itanong pero laging walang chance na mapag-usapan, and perhaps, this is the best time to ask her.

"Mahal, do you still have your old wallet? Yung may Winnie the Pooh? Yung color yellow."

"Huh? Saan naman nanggaling yang tanong mo?"

"Basta."---Para akong batang sumagot kay Maggie.

"Alam mo ikaw, I am asking you if you would want to marry me tapos yan ang tanong mo."—

Umiikot ikot na naman ang mata ni Maggie, signal na hindi na siya natutuwa sa kung anong pinag-uusapan namin, pero habang naiinis siya, mas lalo naman siyang gumaganda. Kaya okay lang na inisin ko siya di ba?

"May gusto lang akong malaman."

"Alam mo naman na yung wallet na yun ang gift sa akin ni nanay noong 18th birthday ko kaya kahit na luma na, hindi ko pa rin pinapalitan, kahit na kaya ko ng bumili ng bago. Tapos andun yung family picture namin, picture ng lolo at lola ko, picture ni best, saaka picture ni.."----

Natawa ko nang biglang nagbago yung mukha ni Maggie at huminto siya sa pagkwekwento. I am pretty sure she remembers that my picture is in her wallet gaya ng kwento ng lola niya sa akin noon. Pero paano nga siyang nagkaroon ng picture ko? Does that mean noon pa man may space na ako sa puso niya?

"Picture nino?"---I want to hear the words from her lips that she still has my picture and I wonder kung anong itsura ko dun?

"Huh? Wala. Nevermind."

"Sino nga?"---Pinipigilan ko pa ring tumawa kasi alam kong ayaw niyang aminin. Nakakatuwa lang siyang asarin.

"Wala nga."

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon