XXX- Put Your Arms on My Shoulder

3.6K 114 76
                                    

                 


David POV

"Love never gives up, and its faith, hope, and patience never fail." 

1 Corinthians 13:7


I woke up today with a joyful heart, knowing that no matter where my Maggie would be, I know that Jesus will take care of her.


Yesterday, we have surrendered all our plans to Him. I know it would be hard for me to see her take the plane going to Dubai but if it's through this that she can fulfil her dreams, then by all means, I am willing to send her off, take her to the airport and embrace her for the last time.


The past 2 months have been a memorable one. Narealize ko na mahal ko na nga si Maggie at kaya kong magsakripisyo at maghintay para sa kanya. Hindi ko na nakikita pa si Minhee kay Maggie. Wala ng traces ng kahit na anong Minhee. Di na ko naghahanap ng kung anu-ano pa. Basta kasama ko si Maggie, pakiramdam ko, kumpleto na ko. Kaya kahit na maghihiwalay kami ng dalawang taon, ayos lang sa akin dahil alam kong siya ang nakalaan para sa akin.


Napakarami niya kasing pangarap at determinado siyang magawa ang mga iyon. At bilang nagmamahal, I will always be patient and I am willing to wait for God's proper time for the two of us.


Nang gabing nag jogging kami, alam ko na na may gumugulo sa isip niya, kasi di gaya ng dati na marami siyang kwento, tahimik lang siya at di mapalagay. Hindi nga niya naubos yung munchkins na dala ko na kung tutuusin, kung regular na araw lang eh naubos na niya yun.


Noong una, ang akala ko dahil naaalala na naman niya si Brian. Hindi naman kasi madaling mag move on di ba? Lalo kapag minahal mo ang tao? Hahanapin at hahanapin siya ng puso mo. Pero nagkamali ako. It was not Brian who is causing her pain.


"Maggie, please be honest with me. Were friends right? Is there anything wrong?"--- Huminto kami sa pag-jo-jogging at niyaya ko siyang maupo sa isang lumang bench na nasa park.

"Now, tell me. Anong problema? Kanina ka pa tahimik."

"Hindi ko na yata matatapos ang pag-aaral ko Sir David."---Bumuhos ang luha sa mga mata ni Maggie at aaminin ko na nagulat talaga ako. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak pero ang iyak niya ngayon ay ibang iba kumpara sa dati. Alam na alam kong bigat na bigat ang kalooban niya.

"Maggie, wag kang umiyak, baka akalain nila, nakikipagbreak ako say o. Eh hindi naman. Gusto ko nga na lagi kang kasama eh."--- I tried na mapagaan ang loob niya, pero lalo siyang umiyak.

"Hindi naman ako nag bibiro Sir David eh. Kanina kinausap ako ni Ms. Chell. The school will only give me 10% scholarship because of cost cutting. Paano, next year, mawawalan ng mga first year students dahil sa full implementation ng K-12.  At sa halip na magtanggal sila ng scholars, eh babawasan na lang nila ang discount. Paano pa ko magpapatuloy? Di ko kayang bayaran ang tuition fee ko."

"Eh di magtrabaho ka na lang ulit sa tutorial center. Actually, di ko nasabi sa yo pero I am not leaving for Korea anymore. Dito na ako at itutuloy ko na ang center. So dun ka na ulit magtrabaho sa akin."---Dito na lang ako Maggie, kasi nandito ka. Gusto kitang makasama, sigaw ng puso ko pero di ko naman masabi sa kanya kasi di ba broken hearted nga siya?

"Wala pa ring kasiguraduhan Sir David. Im sorry. Pero kung sa center ako, di ko alam kung makakaipon ba ako ng malaki para magbayad ng tuition fee. Wala pa nga tayong mga students eh. "

"Eh di Ill lend you money for your tuition fee then you can pay me later. May savings naman ako eh."

"Ayoko Sir David. Ang dami mo ng tulong sa akin. Ayoko ng abusuhin ang kabaitan mo."

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon