XXXVIII- Back to You (Part 1 of 2)

3.1K 76 36
                                    

Maggie POV

I decided to run away from David para maka-pag-isip. Di naman ganun kadaling kalimutang mahal siya pero nakakalungkot lang na hinayaan niya akong maniwalang buntis ako ng ilang araw. Kung sinabi niya lang sana sa akin agad, siguro hindi ganito kasakit ang mararamdaman ko. Baka mas mabilis kong matatanggap na wala talagang pag-asa. Pero hindi yun ang nangyari. He kept everything from me. Mas lalo tuloy akong nasasaktan.



"Hey there ate! I know I'll find you here."





Out of nowhere eh biglang sumulpot ang magaling kong pinsan at may dalang mga prutas na galing pa yatang Zambales. Paano naman kaya nalaman ng babaeng to na nandito ako sa bahay nina best? Not unless mismong si Lucy ang nagsabi sa kanya kahit na nangako siya na hindi niya ipagsasabi sa kahit na kanino. How long has it been na nga? I guess almost a week na when I decided to bring Blueberry here and tell her that we are on vacation dahil summer naman at si David eh may gagawing out of the country mission. Yeah. I lied to my daughter pero yun ang kailangan eh. Masisisi niyo ba ako?





"What are you doing here Engineer Gem Trixia Boniceli?"


Pang-iinis ko sa kanya. Ayaw na ayaw kasi niyang tatawagin siya sa fullname niya dahil para raw siyang pinapagalitan ni Lola.


"Dahil sumugod lang naman sa Zambales ang asawa mo Ate Margareth Maggie Boniceli Kang. At lasing na dumating. Na hindi naman niya ginagawa dahil nga Pastor siya di ba? At mabuti na lang, naitago siya nina Denmar at Gbon dahil kung hindi, makikita siya ni lola sa ganoong sitwasyon at baka mag panic pa yun at makasama sa kalusugan niya lalo at matanda na talaga si Lola."

"I'm sorry kung ganoon ang nangyari."

"Ano ba kasing problema ate? Di ba matagal niyo na namang tanggap na 30 percent na lang ang chance na masundan ang pamangkin ko? Eh bakit pinapahirapan niyo pa ang mga sarili niyo? Tapos ngayon magmumukmok ka dito ate. Nasaan si Blueberry? Anong sinabi mo sa kanya?

"Ikaw naman, ang dami mong tanong at ang dami mong sermon. Ako pa rin ang matanda sa yo."

"Yun na nga eh, ikaw yung matanda sa akin, pero ikaw yung pabalik mag-isip. Ano ba yan ate, gising, gising din pag may time."


Sabay kaming nagtawanan sa pag-uusap namin ni Gem. Itong babaeng tong talaga. Kahit na paano niya pa ako kausapin, di ko magawang mainis sa kanya kasi nga mahal na mahal ko tong pinsan kong to. Isa siya sa mga reasons kung bakit nakayanan kong magsurvive noong mga unang buwan na namatay ang nanay at isa pa, prayer partner ko rin siya noong nasa Dubai ako. We will chat each other and send our prayers via chat.


"Sorry na. Gusto ko lang namang mag-isip eh."

"At anong naisip mo?"

"Wala."

"Mahal mo pa ba si Kuya David?"

"Di naman mawawala yun agad-agad eh."

"Eh bakit pinapahirapan mo pa yung tao? Bakit ayaw mong magpakita sa kanya?"

"Wala. Ewan ko. Di ko alam. Nahihiya rin ako kasi di ko siya mabibigyan ng junior. Tapos pareho kaming umasa, tapos nagsinunggaling siya sa akin."

"At sa palagay mo ate, ang pagtatago mo, di pagsisinungaling? You are hiding the truth from my pamangkin tapos you are trying to control your love. Tama ba yun? Mahal na mahal ka ni Kuya David kaya wag niyo nang pahirapan ang isa't isa. Sayang ang panahon sa mga away niyo. You are both adults here ate, so act like adults."

"Grabe ka naman. Gusto ko lang naman, sunduin niya ko dito kina best. Pero di niya naisip na andito ako. Ano bang klase yun? Parang di niya ko kilala. Nagpunta pa siya ng Zambales."

"So mahal mo pa ate si Kuya?"

"Di na kailangang itanong yun."

"I want you to answer my question ate. Do you still love Kuya? Oo o Hindi lang naman eh."

"Oo. Mahal ko pa rin si David. Di na maalis yun."





And in an instant, bumukas ang pinto ng guest room at iniluwal noon ang isang David Kang na nakasuot ng yellow polo barong at may toblerone na kasing laki ng 2 fee na ruler.





"Pakipot ka pa Mahal. Dinig na dinig ko namang mahal mo pa rin ako."

"Gem? What is the meaning of this?"

Pumasok na rin sina Lucy at ang anak ko na may dalang mga flowers naman.

"Mommy, please forgive daddy na. Kawawa naman si daddy oh. Mukha ng monster dahil sa eyebags."





Pinigil ko ang ngiti ko at nag-inarte pa rin. Aba, di ako agad papasuyo sa lalaking to. He lied to me no. Hindi ganoon kadaling magpatawad. Pero deep inside, kinikilig ako at alam kong di ko na matago pa ang pag-blublush ko.


"I will only forgive you if.. if you can recite Panatang Makabayan in straight Filipino tone na walang putol at tuluy-tuloy."

"Mahal, ang hirap naman nun eh. Alam mo namang masyadong malalim ang tagalog nun. That would be hard for me."

Pinunasan ni David ng kamay niya ang namuong pawis sa kanyang noo. At yes, pinipigil ko talagang pagtawanan siya.

"If you cant then Im sorry. Im letting you go."


Seryoso kong sabi sa kanya. Pero mukang wala ng effect ang drama ko dahil sinenyasan niya sina Gem, Lucy at Blueberry na lumabas ng kwarto at naglabasan naman sila. Naiwan kaming dalawa. I saw David locked the door and grinned.

He slowly unbuttoned his polo shirt and started walking towards me.

Wala akong nagawa nang bigla niya akong yakapin at bumulong sa tenga ko.


"We were not able to make one, but we can always try mahal."


He started kissing my earlobe at wala akong ibang nagawa kung hindi ipikit ang mga mata ko at damhin ang presensya niya and honestly, I miss him. I miss David so much.

He was about to kiss my lips when we heard his phone rang. And yung ring tone nun eh tone na assigned para sa aming church. Pareho kaming natigilan ni David.


"Baka si Senior Pastor yan. Answer the phone."

"Pero mahal."

"Common, when we promised our forever with each other, we said that still, its God who is our number one di ba?"

"Yes. But promise me, you will not leave me anymore. Im sorry mahal kung naglihim ako sa yo. Di ko kasi alam kung paano ko sasabihin eh. Im so sorry mahal. Wag ka ng lalayo ulit."

"Sorry din kung nagpadala ako sa emosyon ko. Pero bago tayo magdrama, sagutin mo na muna yang phone mo. Baka importante."





David smiled and kissed me on my forehead before he picked up his phone and talked to our Pastor.

I closed my eyes and uttered prayer of thanksgiving. I thanked God for giving me a loving husband like David. At kahit na hindi na ulit kami magkaroon pa ng anak, wala ng magbabago. Mamahalin ko siya at pahahalagahan dahil siya ang nilaan sa akin ni Lord.


***


Ooooops. Im posting this kasi excited lang ako. Pero hopefully tonight, I can post David's POV. Hahahha. So sige. Cheers!

shadowpuzzle  psssst. Hahahahahahah

Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon