V-Dreamland

9.5K 245 137
                                    

Maggie POV

The feeling is unfathomable. Oo. Promise. Di ko talaga masukat. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko mula pa nung umuwi ako galing sa date namin ni David. Hahahaha. Okay. Wag niyo akong taasan ng kilay, di siya formal date, it was a friendly date. There is nothing so special between us. Para lang talaga akong nasa dreamland kanina kasi ang ganda ng nangyari sa buhay ko..... Soooooobra.

Talaga lang naguguluhan ako sa nararamdaman ko...

Una, pagkagulat. Look, gaya ng nasabi ko, wala akong dugong k-pop kasi nga boyband fan ako. At di lang basta boyband. Fan kami ng nanay ko ng Boyzone, BSB, Nsync, A1 at syempre Westlife. Sorry kung di kayo makarelate eh sa mahilig ako sa 90's music eh. Kaya nga nagulat ako sa sarili ko na natagalan kong makipag -usap kay David Kang. Siguro dahil sa boss ko siya. Dapat ko lang siyang pakisamahan. Dapat kaming magkaroon ng magandang rapport. Yun lang yun.

Pangalawa, pagkainis. Kasi naman, feeling ko wala akong poise kanina nung kumakain kami. Ewan ko ba parang nawala ako sa sarili ko. Alam ko dahil sa sobrang sarap ng pagkain.... Saka siguro dahil na rin sa ganda ng mga mata ni Sir David. Ayan ah, Sir David na tawag ko sa kanya. Kasi boss ko siya. Di ba? Kailangan ko bang ulit-ulitin yun?!

Pangatlo, pagpapasalamat kay Father Almighty na maker of heaven and earth. Sa Panginoong Hesus na di ako binitawan. May trabaho na ko! Yahooo! If you just fully trust in God, he will never leave you. NEVER.

At pang-apat
-

-

-

-

Ang sakin Ng tiyan ko. Di ko masukat ang.......

"ILABAS MO NA YAN MAGGIEEEE. Kanina ko pa yan naamoy oh." - si Lucy. Nakatakip na ang ilong at para kong titirisin.

Nagbalik ang diwa ko sa realidad. MASAKIT ANG TIYAN ko!!!!!

"Gusto mo ako na ang hihila sa yo sa CR?"- nakapamewang na si Lucy. Oh my.

"Hindi. Wag. Kanina pa ko pabalik balik eh pero walang lumalabas eh. Ang sakit na talaga ng tiyan ko." - pagmamakaawa ko kay Lucy. Hehhee. Alam ko kasing galit na siya.

"Gusto mo dalhin na kita sa ospital!? Mukhang di na maganda ang lagay mo best. Parang."

BOOOM.

Di na natapos ni best ang sasabihin niya dahil bumagsak ako at di ko na alam ang mga sumunod pa.
--------------------------------

Read Hello There David any time, anywhere! Order your printed copy via https://www.materica.store/collections/new-releases/products/hello-there-david


Hello There, DavidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon